*Keann's VP*"Andrei ok ka lang ba?" hinawakan ko siya sa may kabila niyang braso at bahagyang niyuyugyog
"Anong nangyari?"
"Andrei?"
sunod sunod kong tanong sakanya pero wala akong nakuhang sagot. Nakatulala lang siya.
Binitawan ko siya at agad kong pinulot ang cellphone niya na kanina ay bigla niyang nabitawan at saka tinignan kung sino ang kausap niya kanina.
Si Alex,
Tinawagan ko siya at agad niya namang sinagot at nagsosorry, akala ata niya ay si Andrei ang tumawag, tinanong ko siya tungkol sa nangyari at ipinaliwanag naman niya sa akin. Halatang alalang alala at malungkot ang boses niya.
Matapos kong malaman ang nangyari, agad kong hinila si Andrei papunta sa parking lot ng Hotel at saka siya pinasakay. Tulala parin siya.
Hanggang sa makarating kami sa Hospital na sinabi ni Alex kung nasaan siya. Nagmamadaling bumaba si Andrei sa sasakyan at hinayaan ko nalang siya. Mamaya ko nalang siya susundan.
*Alex's POV*
Paikot ikot ako sa may pintuan habang hinihintay yung doktora, kinakabahan ako, takot na takot ako. Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa nangyari.
"Alex, anong nangyari?" sabi ni Andrei na sobrang pagod siguro kakatakbo papunta dito. Alalang alala ang mukha niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya, ang alam ko lang eh bigla ko na siyang niyakap ng mahigpit.
"Sorry Andrei, Sorry" hindi na mapigilan ng luha ko na umagos ng umagos.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktora at napabitaw na rin ako sa pagkakayakap kay Andrei.
"Dok kamusta po?" agad kong tanong.
"Sa ngayon hindi pa natin masisiguro ang talagang lagay ng pasyente, hindi pa rin kasi siya nagkakamalay matapos ng nangyari sa kanya, pero chineck na namin kung may nabaling buto sa kanya at mabuti naman dahil wala kaming nakitang fracture sa katawan niya maliban sa namagang veins sa may paa niya na pwedeng makaapekto sa paglalakad niya. pero hihintayin muna natin siyang magising masiguro na yun nga lang talaga ang magiging problema sa kanya, sa ngayon wala tayong ibang pwedeng gawin kundi ang magdasal." paliwanag ni doktora.
"Salamat po dok" tugon ko.
"Maaari niyo na siyang bisitahin siguro makalipas ng isang oras mula ngayon" tumango nalang ako pagkasabi niya noon at umalis na rin agad si doktora.
Napansin kong naupo nalang si Andrei sa isang bleacher dito sa may harap ng kwarto kung saan naroon si tita Lian. Nakayuko siya at hindi umiimik.
"May biglaang photoshoot kanina para sa isang major brand endorsement" panimula kong kwento.
Napalingon si Andrei sa direksyon ko na may mukhang parang nagtatanong. yung gustong malaman ang mga nangyari kaya ipinagpatuloy ko.
Flashback
"Ok next set of clothes naman tayo, ok ka pa ba Miss Alex?" sabi ni tita Lian sa akin.
"Oks na oks po tita" ngitian ko siya habang nireretouch ko ang make up ko at siya naman ay inaayos ang buhok ko.
Simula ng tanggapin ko ang alok nila mama na maging model ng mga products namin, pinilit ko rin sila mama na si Tita Lian ang maging Personal Assistant ko kapag may photoshoot o ano mang bagay na may kinalaman sa pagmomodel ko.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
AcakSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...