PROLOGUE

3 0 0
                                    

FIL-KOR SERIES #1

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains mature content. And is not suitable for young audiences. So read at your own risk.

❤❤❤

PROLOGUE

"Annyeonghaseyo my sweet chingus!!!"

Napa-tingin ako kay Chloe nang bigla syang sumigaw sa harap ng camera nya. Yes, she's a vlogger. Binigyan ko sya ng WTF look at gusto ko biglang itanggi na kasama ko sya ng lingunin kami ng mga turista sa paligid.

We're here in Gyeongbokgung Palace in South Korea. One of the most famous tourist spot here and basically the main royal palace among five palaces during Joseon Dynasty. At first time maka-punta ni gaga dito kaya talaga namang bigay todo sya sa pagbati para sa mga viewers at supporters nya.

"Ya!! Ali come here. Ppali ppali" tawag niya gamit ang kaniyang korean accent. Though di ko naman maitatanggi mas lalo syang gumaling sa pag sasalita ng hangul plus the ootd, papasa na syang koreana.

Gusto kong matawa ng maalala yung nangyari kahapon sa isang event na ni-launch ng isang korean skin care company at isa sya sa mga vlogger/influencer na na-invite to become ambassador or whatever you call that para ma-promote ang kanilang products.

"Huminahon ka nga girl. Napaghahalataan ka eh" sabi ko ng makalapit at mejo hinila yung buhok nya

"Girl medyo masakit ahh" sabi nya

"Ay true to life na yan girl.." natatawang sabi ko at sinimangutan lang ako ng lokaret.

"Bwisit ka alam mo yo--"

"Hello dears! Vlog take over" inagaw ko ang camera nya, di naman na bago sakin dahil madalas naman nya akong gawing guest sa mga content nya. Manggagamit lang diba at gusto ko na nga syang singilin dahil tumaas ang viewers nya dahil sakin, just kidding. She's one of a hella down to earth vlogger from Philippines with 600k subs.

And me? I'm currently a freelance model at ambassador ng kilalang clothing brand from Seoul at ilang beses narin ako nagpabalik-balik dito kaya ako ang sinama ni Chloe to tour her, though we're going to meet the other bff tomorrow sa Incheon airport and will fly straight to Jeju for 3-5 days.

"Oh my gosh!! Girl huhuhuhu" biglang ngumawa si Chloe ng maka-pasok kami sa malaking gate ng palace

"What the hell girl" hinarap ko sa kanya ang camera nya tutal alam ko naman na ang role ko today, maging tourist guide nya slash camera assistant. "Hoy pota! wag ka umiyak" tatawa tawang sabi ko sabay close up sa mukha nya

"Etong eto yung mga napapa-nuod ko sa mga kdrama" nagpalinga linga sya "Girl! girl! girl! where should I rent hanbok?" aligagang tanong nya.

Para syang tanga hindi malaman kung saan unang lilingat dahil sobrang laki ng palasyo. I can't blame her tho. I was like that nung first time ko rito hindi lang kasing OA nya. But who cares, anyway? Every fangirls dreamt to visit Korea.

Hinila ko na si Chloe papunta sa rentahan ng hanbok at tinigil muna ang pag vvlog dahil sa pangangawit.

"Giiiiirl! Ang gaganda--annyeonghaseyo" bigla syang nag bow sa harap ng isang matandang nag aassist sa mga nag rerent ng hanbok at nagsimula ng mamili sa mga naka-display.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All with YouWhere stories live. Discover now