Chapter 13

1K 83 40
                                    

Chapter 13: A New Rising Moon


Third Person's Point of View


"Devora is one of the enemies of Wisteria. Well, hindi lang naman ang kingdom natin ang kaaway niya. Maraming kaharian pa ang may alam at kilala siya na mananakop at merciless killer. She's from the tribe called "Moon Sonatas of the east". They're a group of maidens na nabuhay 300 years ago na. Sadly, that's the only information that we know about her," paliwanag ni Keirra


"Eh ano namang ability niya? Identity?" Tanong ni Aeres.


"Ability? Oh, she can manipulate molecules. And the same answer to the earlier one is that we don't know her agenda. Maybe she's pure evil? Don't worry, if your curiosity is killing you. We can conduct research about her," ani Keirra sabay buntong hininga. "Since hawak na rin siya ng kingdom."


"Sorry kung marami akong tanong. Marami lang din ang nagpapagulo sa isip ko lalo na ngayon," Ani Aeres na tila nakokonsensiya dahil alam niyang pagod na sumagot si Keirra. Ngunit ngumiti lang ito sa kanya.


"Nah, that's fine. I do love this kind of conversation. Ako ang taga-sagot sa mga tanong. That's my preferred conversation. So go on, ask me if you still have questions."


"Wala naman na akong tanong. Gusto ko lang kamustahin yung tungkol sa kagabi. Yung mga Ravign? May alam ba kayo kung paano sila napunta rito sa school?" Tanong muli ni Aeres habang nagtitingin sa mga bagay-bagay na nasa loob ng silid.


"We don't have any clues. But investigation and patrol team will do their job to solve it. Tumutulong din ang iilang magister sa kanila. So don't worry," malambing na sagot ni Keirra. "Anything else?"


Umiling na si Aeres. "Wala na. Sapat na yung nalaman ko."


"Malalaman mo pa rin naman yung iba, just explore your new class and that's one of the reason why you're here. Because you belong to us," saad ni Keirra. "Now, let's go to our main agenda here. Come."


Agad naman silang nagpunta sa dulong bahagi ng silid kung saan nakalagay ang isang malaki at nakahigang board. Nakalagay roon ang puting clay na may mga bakat ng mga kamay at palad.


"Place your hand into that clay," utos ni Keirra. Agad namang ginawa ni Aeres iyon. Naramdaman niya ang lamig nito at ang lambot. Nagulat pa siya ng umilaw ang parte ng kung saan nakapwesto ang kanyang kamay.


"Your mark will be the evidence that you're belong to those who are willing to defend our kingdom," maikling sabi ni Keirra sa seryosong tono. Napapikit si Aeres.


"Adiuva me! Adiuva nos!"


Agad na naialis ni Aeres ang kamay ng makita ang nakakatakot na image sa kanyang isipan. Isang lugar na napupuno ng apoy at kung ano-ano pa. Magulo, madugo, wasak at tila ba wala nang buhay. Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso.


"Hey, are you..ok?" Tanong ni Keirra. Tinignan ni Aeres ang binata at nakita nito ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit pero may naramdaman siyang kaakaiba roon.

Blood Oracle 1: Scars Of Chaos[BxB]  (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon