CHAPTER 5

1K 49 2
                                    

After my first heart ache i dicided to change. I mean totally change from lifestyle to character. I ask my parents na sa Maynila ako mag aaral ng college, at first ayaw nilang lahat pati sina kuya kasi daw ang layo at mapapalayo ako sa kanila. But i insist. At hindi kalaunan ay napapayag ko din sila. Kinalimutan ko lahat ang nakaraan ko sa lugar namin, pero si Breat sumama sa akin. Gusto niya din kasi makalayo sa lugar na yun , dahil oarehas sa akin pinagpalit din siya ng girlfriend niya sa lalaki.

Pinayagan na rin ako nina mommy kasi si Kuya Lex is staying in Manila also. His Firm is in Manila. So mom decide na kukuhanan niya ako ng unit malapit sa unit ni kuya hindi kami pwede mag sama ni kuya Lex sa unit niya baka palayasin pa ako doon pag naingay ako.

Si Breat naman ay sasama sa akin sa unit ko para may kasama ako.

Nasa airport na kami ni Breat at naghihintay ng flight namin. Nagsiuwian narin sina mommy dahil hinatid din nila kami dito sa airport.

"Max, sigurado kaba dyan sa gagawin mo?"

"Oo naman! 100% sure na ako. And besides takot na ako husgahan ulit ng ibang tao. Tama na yung isang beses."

"Kung yan ang magpapasaya sayo, sige susuportahan kita dyan."

Tumango lang ako bilang sagot ko. Alam lahat ni Breat kung ano ang balak ko kung bakit ako pupunta ng Maynila. Dahil doon ko sisimulan ang pagbabago ko. Alam kong hindi ito madali pero sisiguradohin ko na magtatagumpay ako. Kahit maghintay pa ako ng ilang taon basta makapaghiganti lang ako.

~~~~~~~~~

Sa unang tatlong buwan namin sa maynila ni Breat ay unti unti ko nang inaaply sa sarili ko na maging babae. Sinimulan ko sa pagsusuot ng dress at dollshoes. Nakakailang pero kinakaya ko. Lagi din akong pinagtatawanan ni Breat dahil daw parang lalaki parin ako kung maglakad at kumilos.

Kaya dahan-dahan ko rin ipag-aralan ang paglalakad. Hindi ko narin ginugupitan ang buhok ko. Lahat ginawa ko para maging babae. At salamat sa Diyos at unti unti na akong nasasanay.

Alam din ni Kuya Lex na naging babae na ako. Nong una nagulat pa siya sa akin nong nakita niya akong nakadress. Pero makikita ko sa mukha niya na sobrang saya niya. Magiging masaya talaga siya kasi naging prinsesa na ang isang prinsipe nila.

Pinagsabihan ko din si Kuya Lex na wag sabihin kina mommy dahil balak ko din silang isurpresa 'pag nakauwi na ako.

Sa apat na taon ko dito sa Maynila ay hindi talaga ako umuwi, kahit bakasyon na. Gusto ko kasi pag uwi ko ay ibang iba na ako, na hindi na tulad ng dati na isang tomboy na hinuhusgahan ng lahat.

Sa apat na taon naming magkasama ni Breat ay hindi talaga siya nag bago. Hindi naman nakakailang na magkasama parin kami sa bahay. Kasi kung sa bahay lang ako kilos lalaki parin ako. Hindi ko na ata mawawala sa akin yun.

Kasalukuyang nasa library kami ni Breat ngayon dahil my thesis kaming tataposin. Parehong Bussiness Ad ang course naming dalawa.

"Max uuwi na ba tayo sa atin ngayong bakasyon?"

"Siguro ito na ang tamang panahon para harapin sila Breat."

"Ano kaya ang magiging reaksyon nila pagnakita ka? Hahhaha, 'tyak na magugulat talaga sila.

"Wala naman akong balak na magpakilala bilang Maxielle."

"Ano'ng ibig mong sabihin Max?"

"Well im already a lady. Kaya hindi na nila ako makikilala na ako si Maxielle. Kaya wag mo akong tatawing Max pag my ibang tao except sa family ko," paalala ko sa kanya.

"Eh ano naman ang itatawag ko sayo? Darna? Mariposa? O kaya mari mar."

"Loko ka talaga Breat," natatawang sabi ko sa kanya at hinampas siya sa braso.

I WAS A BOY ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon