Di ko alam, di ko mawari.
Saan ba tayo paroroon?
Pasensya ka na di ako sanay.
Kinakabahan ako; natatakot.
Saan ba tayo papunta?Ilang araw, ilang buwan
Ilang taon na nga ba ang lumipas?
Gaano katagal ko na nga bang sinumpa na wala ng iba pa.
Pero eto ako ngayon, may iba na.Akala ko wala na.
Akala ko tapos na.
Heto nanaman nararamdaman ko.
Malikot sa loob-looban ko,
Masaya na para bang hindi totoo.Aba, pwede pa pala!
Akala ko wala na.
Akala ko tapos na.Inuulit ko natatakot ako.
Ayaw ko ng lumabas sa lungga.
Dito ako payapa sa piling nya.
Sa piling nya kahit patay na sya,
Kahit patay na sya basta sa piling nya.
Kaso ngayon gusto ko lang sa piling mo.Di ko alam, di ko mawari
Pero kumatok ka lang sasama na ako
Iiwan ko na ang pangarap na matagal ng napako.
Sasama na ako sayo.
Saan man tayo papunta,
Saan man tayo paroroon.
BINABASA MO ANG
Unang Buhos ng mga Tula
PuisiKoleksyon ng mga tulang naisulat ko sa iba't ibang panahon at pangyayari sa buhay ko.