Kung gusto mo ako makita andito ako sa huling hibla ng dilim bago sumikat ang araw.
Kung saan ang dagat ay unti-unting lumalayo sa lupa.
Tulad natin parang buwan at araw walang humpay sa habulan, bibihira na nga lang magtagpo, patuloy pa ring tumatakbo palayo.Masakit, mapait, at para bang ayaw mo ng ulitin. Pero arya lang, walang pipigil, sige lang, laban lang!
Ang ganda kaseng ikut-ikutin, bali-baligtarin.
Kahit saan mo simulan at kahit paano mo tapusin.Dito mo ako mahahanap, sa mahinahong kulot ng alon, bago ang hagupit na mala-kanyon.
Sundan mo ang malamig na ihip ng hangin,
Sigurado iyan ay patungo sa akin.Gusto mo ba akong makita?
Hinahanap mo ba ako aking sinta?
Itim at bughaw, paparating na ang gabi,
Andito lang naman ako lagi sa iyong tabi.
BINABASA MO ANG
Unang Buhos ng mga Tula
PoetryKoleksyon ng mga tulang naisulat ko sa iba't ibang panahon at pangyayari sa buhay ko.