Lungkot.
Yan ang una kong naramdaman ng muli kitang makita pagtapos ng isang taon.
Isang taon na ang nakaraan nun naghiwalay tayo.
Isang taon na ang dumaan nang sinabe mong di mo na ako mahal.Lungkot - kung bakit ganito na lang tayo.
Lungkot - kung bakit kailan huli na ang lahat tsaka ka hahabol.
Lungkot - kung kailan mo ako tinatanong kung mayroon pa bang natitira man lang, kahit katiting na pagmamahal...Lungkot ang idudulot sayo dahil wala na.
Naubos na. Nasaid na. Nasimot na.
Pasensya ka na hanggang dito na lang.
Hindi naman ako nagsisisi at dati ikaw ang naging mundo't buhay.
Pero hindi rin ako nagiisip pang bumalik sa nakaraang tunay.Dito ako at ikaw doon.
Tayo ay dalawang linyang pinagtagpo ng pagkakataon, pinagkrus ang landas pero di na muling bibigyan ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Unang Buhos ng mga Tula
PoetryKoleksyon ng mga tulang naisulat ko sa iba't ibang panahon at pangyayari sa buhay ko.