Pangalawa sa Dulo #1

50 5 1
                                    

Lahat ng kwento may simula
Pero hindi lahat ay may katapusan.

Anonas, dyan magsisimula ang storya ko
Cubao, dyan papasok ang eksena mo.
Betty-Go, kamustahan.
Gilmore, asaran.
J-Ruiz, kulitan.
V.Mapa, nagkahiyaan.

Pagdaan sa Pureza tayo'y nagkaintindihan.
Pagbaba ng Legarda, diretso sa bakal na simbahan.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay."
Tumugtog yan, totoo wala nga tayong kamalay-malay.
Dise-syete, dise-otso. Puso't isipan puno ng agam agam.
"Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay."

Malikot, maligalig, ayan kase tayo.
Lakad pa-Recto, sakay ng tren
Paborito't nakasanayan, sampa sa pangalawa sa dulo.
Nakatayo, silip sa bintana ating mga ulo.

Recto, Legarda, Pureza
V.Mapa, J.Ruiz, Gilmore
Betty-Go, Cubao, Anonas
Katipunan at Santolan.

Paikot-ikot tayo, palipat lipat.
Kaso nagdidilim na kelangan na sumibat.

Huling byahe sinakyan nating magkasama.
Tumigil sa V.Mapa, pagtingin ko nawala ka na.
Hinanap kita, pinilit kong kayaning itama.
Ngunit ano ba namang laban ko sa buhay at kamatayang kay sama?

Heto ako ngayon, nakatayo't nagaantay.
Inaasam makasama ka uli ng walang humpay.
Dito sa ating nakasanayang pangalawa sa dulo.
Tangina, nasaan ka na ba? Para na akong sira-ulo.

Unang Buhos ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon