AKO ANG REYNA [1] #AkoSiAmor

383 8 0
                                    

Maganda ka? MAS MAGANDA AKO!

Mayaman ka? MAS MAYAMAN AKO!

Matalino ka? MAS MATALiNO AKO!

Maldita ka? SiNO PA AKO??

Prinsesa ka? REYNA AKO!!

Hangga't maaga pa sinasabe ko na sa inyo WALANG LALAMANG sa akin!! Ako ang reyna! Kokontra ka? Sabihin mo lang, dahil di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!!

Oo na, tama na kayo! Masama ang ugali ko. Di ako tulad ng iba diyan, magpakatotoo na nga tayo! Di ako plastik, ayaw ko sa lahat yung nagsasantu-santuhan!! Kunyare anghel pero pag talikod demonyo!!

Kaya kung ayaw niyo sa akin? MAS AYAW KO SA INYO!! Naintindihan niyo ba ako!!? Wag na tayo maglokohan. Sa mundong ito madami na ang mapagkunwari. Nagbait-baitan pero ano? Pagtalikod, maldita na!!

Written by: MissKinse15

——————————————————————————————————————————————————————————————————

Ako si Maria Amor Santiago. 16 years old at isang highschool student. Maganda, matalino, mayaman at sexy pero mas kilala ako bilang maarte, mataray, masama ugali, malandi at kung ano ano pa.

Hindi ako nagagalit pag sinasabihan nila ako ng kung ano man, kase para sa akin nagpapakatotoo lang ako. Gagaya naman sa iba diyan mga pakitang tao lang. Sus! lokohin niyo lelang niyo.

Di ako marunong gumalang sa mga nakakatanda. Para ano pa? Ginagamit lang naman nila ang edad nila para i under tayo! At ayaw ko ng ganun.

Spell B-I-T-C-H !! Sige pwede niyo na din itawag sa akin yan tutal yan na rin naman ang iniisip ng marami sa inyo! Bakit pa ko kokontra?! *tsk.tsk*

~~

"Hoy Amor! Gumising ka na diyan, may pasok ka pa diba?!"

"Ma! Pwede bang tumahimik ka. Nakikita mo naman diba NATUTULOG AKO!"

Agang-aga nambubulahaw ng tulog itong si Mama! Anong akala niya sa akin tanga para di malaman na may pasok ako??!

"Bumangon ka na diyan Amor!!"

"Oo na! Lumabas ka na nga ng kwarto ko."

Nasira ang tulog ko. Kaya eto ako ginagawa ang daily rituals ko pag umaga.

*mumog*

*tanggalin ang morning glory*

*toothbrush*

*shower*

Tapos eto na ako!! Maganda ang porma at handa ng pumasok.

Hindi na ako kakaen. Nakakasura si mama, dakdak ng dakdak!! Mura dine, mura doon.. Hindi ba nabibinge kapatid ko sa kanya.

Pupunta na lang ako ng canteen. At dun kakaen ako ng mga paborito ko. At habang naglalakad ako, nakakarinig ako ng mga bulong-bulungan ....

"Naku! Andiyan na yung bitch"

"Ang arte naman! Kala niya kung sino siyang maganda e taob naman sa beauty ko"

"Ang landi landi talaga ng babaeng yan"

"Sinabe mo pa"

Mga gaga ba sila?! Nagbulungan pa e rinig ko naman.

Diretso lang ang lakad ko, pero may nakabangga sa akin kaya yung juice na hawak niya sa akin tumilapon..

"AY! ANG TANGA MO NAMAN GIRL .. BULAG KA BA HA? HA? ANO?" pag ganitong binulabog ako sa pagtulog ko! wala akong pinapatawad, tandaan niyo yan!

"Sorry po" nakayukong sabi ng babae

AKO ANG REYNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon