"Ikatlong araw na siyang walang malay at ikatlong araw ka na ring hindi natutulog aking anak." Nag-aalalang sabi ni Dayang Miara sa kaniyang anak.
"Ngunit hindi pa ako napapagod ina." Sagot ni Kael sa kanyang ina habang hindi inaalis ang tingin sa mahimbing na tulog ni Adrianna.
Sa gabi niya lamang nakikita ito dahil sa araw, habang si Linaya ang nagbabantay sa huli ay ginagawa niya ang kaniyang tungkulin bilang isang Raja o prinsipe. Sa ngayon ay inaalam nila kung kaninong datu nagmula ang mga mandirigmang sumugod sa kanila.
"Siya ay anak ni Bathala. Batid nating gagaling siya sa mahiwagang paraan. Ngunit ikaw ay-"
"Anak din siya ng isang mortal aking ina." Agaw niya sa sasabihin pa ng ina. Napabuntong hininga siya at humingi ng tawad sa kaniyang ina.
"Labis lamang po akong nag-aalala sa kaniya." Tumango ito bilang pag-unawa at niyakap siya nito. Nag-usap pa sila saglit at iniwan na rin siya nito upang pumunta sa kaniyang kabiyak.
Hindi malaman ni Kael ngunit nang masilayan niya ang babae ay hindi na niya ito maialis sa isipan. Ilang araw na rin nilang pinagpupulungan ang tungkol sa babae mula nang ipabatid ng mag-ina ang natuklasan tungkol sa babae. Maraming katanungan ang buo nilang konseho patungkol sa mga babala na nakita ni Linaya.
Nang maalala niya ang unang engkwentro nila ng babae ay napapangiti siya sa mga kakatwang kinilos at sinasabi nito. Marahil nga ay galing ito sa ibang dimensyon. Ayon na rin sa pagpapahayag ni Linaya.
Makakatulog na siya nang marinig niya ang laganit ng kawayan na higaan.
"Tubig." Mahina at paos na boses ang narinig niya mula sa babae. Agad siyang tumayo at kumuha ng tubig na mula sa banga.
Inalalayan niya ito sa pa-upong posisyon at pinainom ito ng tubig.
"Thanks." Narinig niyang sabi nito na nakangiwi.
"I thought I'm just fucking dreaming." Mukhang dismaya na sinabi nito habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Ano ang iyong sinabi, Binibini?" Tanong niya.
"Nasan ako?" Sa halip ay balik-tanong nito sakaniya.
"Narito ka sa aking kubo. Sa aking silid."
"Ilang araw na akong walang malay?"
"Ikatlong araw na, Binibini. Malubha ang iyong sugat at kailangan pa nitong maghilom." Gusto na niyang itanong ang pangalan nito at marami pa ngunit kagigising lamang nito at alam niyang hindi rin ito ang tamang oras para doon.
"Anong pangalan mo, kuya?"
"Ang pangalan ko ay Kael. Ako ay anak ni Datu Maguna at Dayang Miara."
"May hinahanap akong mga tao. Kilala mo siguro si Ginoong Duhalitan? Si Linaya?"
"Marahil ay pag-usapan natin iyan sa ibang pagkakataon. Kinakailangan mong magpahinga. Hindi ka ba nagugutom?" Agad niyang sabi.
Tila naman at napahiya ito.
"Shit. Oo nga pala. Humihingi ako ng tawad, ah ano bang itatawag ko sayo, teka,"
"Tawagin mo akong Kael, Mahal na Diwata."
"What? Ako, isang diwata? Ahh!" Hiyaw nito na ngayon lang naramdaman ang kirot na nagmumula sa likuran niya. Sa pagtataka ni Kael, natawa pa ito.
"Hahaha! Seriously? Shit ang sakit!" Bulong nito sa sarili."Kailangan mong magpahinga, Binibini." Pilit ni Kael sakaniya.
"Adrianna ang pangalan ko." Sagot nito matapos niyang tulungan ito para maihiga ulit.
"Adrianna... Kakaibang pangalan." Saad nito sakaniya. Iniwan niya ito saglit upang kuhanan ito ng makakain. Tiyak na gutom na ito dahil ilang araw na itong walang malay.
"Ganito pala ang civilization noon. Napakasimple." Nakangiwing sabi ni Adrianna sa pagitan ng pagsubo at paglunok ng pagkain.
"Sa mundo mo ba ay ano?" Curious na tanong ng Raja.
"Meron kaming technologies. Sa madaling salita, madali naming nagagawa ang mga bagay o isang trabaho sa pamamagitan ng teknolohiya. Tulad ng ilaw na iyan," Sabay turo niya sa isang lampara.
"Sa mundo ko, gamit ang kuryente at bumbilya, isang pindot lang, may ilaw na 24/7. Ibig sabihin magdamag." Namangha naman si Kael sa kinukuwento ng dalaga."Tila nga ay nakamamangha nga sa iyong mundo, Adrianna. Ngunit ang ilan sa mga nabanggit mo ay hindi ko maunawaan. Halintulad sa sinasabi mong teknolohiya, kuryente at bungbilya." Nagugulumihang sabi nito.
"Bumbilya." Pagtatama niya. Napa-isip kung paano ipaliliwanag ang ibig niyang sabihin.
Yan ang napapala mo ng katamaran sa pag-aaral ng History. Napapalatak na sabi niya sa sarili.
"Ipagpaumanhin mo ngunit totoo nga bang ikaw ay isang Diwata na galing kay Bathala?" Tanong ni Kael.
Natawang muli si Adrianna. Nasasanay na ang kanyang pakiramdam sa kirot ng likod. Napapailing itong tumingin kay Kael.
"That's what Linaya told me. Naalala ko ngang sinabi niya na galing ako kay Bathala, of course all of us are from God, or to whom you are referring to is Bathala. Pero kung ang sinasabi mo ay galing ako sa Bathala with powers, ah no, kapangyarihan is impossible. Wala akong kapangyarihan na tulad sa diwatang sinasabi mo. Believe me, walang diwata sa hinaharap." Mabilis niyang tugon.
"Kung gayon ay bakit ka narito? Saan ka bang talaga nagmula?" Naguguluhang tanong ni Kael.
"Ang mensaheng dadalhin mo ay may kasamang sumpa Adrianna. Na ikaw lamang ang makakahanap ng sagot kung paano."
Tinitigan niya ng ilang sandali si Kael.
"Kailangan mong mag-ingat."
"Sino si Saraya at ano ang koneksiyon mo sakaniya?" Sa halip ay tanong niya sa lalaki.
Nagtataka man ay sinagot ni Kael ang dalaga.
"Siya ay aking kababata. Paano mo siyang nakilala?"
"That's it! Wag kang maniniwala sakaniya sa-!!!" Biglang napahinto sa pagsasalita si Adrianna. Nanlalaki ang mga mata.
It hurts! My lungs felt like it is burning from the inside!
"Wa-kkk!!! Ha-" Naluluha ang mga matang piyok niya. Hindi niya masabi ang dapat niyang sabihin.
Hawak ang nanakit na lalamunan ay umubo siya nang maramdamang para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan. Dugo.
"What the fuck?!" Paos, hinihingal at gulat niyang sabi. Agad namang lumapit si Kael sa kaniyang tabi.
Namamanghang nakatingin ito sakaniya.
"Kailangan mong magpahinga. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa ngayon." Ani to at pinahiga siya ngunit pinigilan niya ito.
Ginawa ni Adrianna ang sinabi ni Mrs. Lumbao. Hinawakan niya ang magkabilang mukha ng Raja at tinitigan ito sa mga mata.
Ngunit walang nangyari maliban sa nagtatakang mukha ni Kael.
"Nag-iba ang kulay ng iyong mga mata, Adrianna."
Iyon ang huling narinig ni Adrianna at nagdilim ang kaniyang paligid.
BINABASA MO ANG
HARNIYÄ
Historical FictionNaranasan mo na bang mapunta sa panahon ng kasaysayan? Panahon ng nakaraan? Marahil ay oo. Yung nai-imagine mong isa ka sa mga tauhan sa mga nababasa mong History books. Ako? Oo. Literal! Hindi ka makapaniwala? Ako din eh. Ako nga pala si Ardr...