Nandirito na ako sa room ko, syempre wala naman akong kaibigan kaya habang nag hihintay ay nagbabasa na lamang ako ng libro.
"Hoy! Nerdy girl! pakopya ako mamaya ah pag may Quiz" sambit ni Andrea Crawford, kaibigan din siya ni Cristina, at siya naman ay may gusto Kay Achelous Del Mundo.
Hindi parin ako makapaniwala na makikipag kaibigan si Achelous saakin, pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo na ako dito sa room, dahil baka malate ako.
"Nerdy! Pakopya ako ah!" Sambit ulit ni Andrea, palagi siyang kumokopya saakin, simula noong nasa 2nd year palang kami, ewan ko, Bobo naman siya pero lagi siyang nasa Section A.
"Mag aral ka din kaya Andrea" mahinahon na sambit ko.
"Aba! Sumasagot ka na ah!" Lumapit siya saakin at sinabunutan ako, Sabi ko na nga ba e, di ko na kailangan mag suklay dahil magugulo rin naman.
"A-aray, masakit" reklamo ko.
"Pakopya na Kasi! Kala mo naman. Napaka talino mo!"
"B-bitawan mo b-buhok ko"
"Ms. Crawford, anong ginagawa mo kay Ms. Ramos!" Tinig ni Sir. Peña. Binitawan ni Andrea ang buhok ko at umupo na siya sa Upuan niya,nasa dulo kasi ako, dahil ayon nalang ang natitirang pwesto at maganda narin dahil Wala akong katabi.
Nag simula nang mag lesson ang mga teacher namin, syempre ako nanaman ang pinapasagot, at lahat naman ng tanong nila ay nasasagot ko nang Tama.
Nung recess na ay pumunta na ako sa Canteen, umupo na ako sa walang masyadong Tao.
Nilabas ko na yung, pagkaing pinabon saakin ni Mama.
Habang kumakain ako ay nag babasa ako ng mga libro ko.
"Hi, pwede tumabi?" Tanong ng isang babae sakin, maganda siya, at sexy.
"A-ah si-sige" nauutal na sambit ko, sanay na Kasi akong walang tumatabi saakin, at walang kumakausap, sanay lang kasi akong mapag tawanan at Ibully.
Umupo na siya sa harap ko at nilabas niya rin ang baon niya"Hi! Ako nga pala si Angelica Trinidad" inilahad niya yung kamay niya at kinakabahan akong Nakipag kamay sakanya.
"So bakit ka nga pala mag Isa dito? Ang ganda ganda mo, tas walang tumatabi sayo?" Biro niya.
"Ah, ayaw kasi nila akong makatabi e"
"Haynako! Hayaan na nga natin sila, so ikaw ba si Skyra?" Tanong niya at isinubo niya na ang pag kain niya.
Paano niya nalaman?
"Yeah, I'm si Skyra Chanel Ramos" I corrected her.
"Ah bagay sayo yung name mo, ang ganda"
"Name ko lang yung maganda,pero hindi ako" naka ngiting sambit ko.
"Haynako! Maganda ka kaya! Sino namang nagsabi sayong hindi ka maganda Chanel?"
"Silang lahat"mapait akong ngumiti, at kumain ulit.
"Haynako! Promise! Maganda ka! Maniwala ka saakin, dahil kaibigan mo ako" gulat akong tumingin sakanya.
"oh bakit gulat na gulat ka? Ayaw mo ba?" Naka ngusong Saad niya.
"hindi, gusto ko, na shock lang kasi ako, wala kasing gustong makipag kaibigan saakin"
"Haynako! Wag mo na silang isipin! Basta ako kaibigan mo na ako ah!"
"Hoy nerdy girl! ang kapal ng mukha mo!" napatingin ako kay Cristina, at ganun rin si Angelica.
"ano? Ano ba problema mo saakin?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
MY CRUSH INTO MY HUSBAND
TeenfikceSINONG MAG AAKALA NA ANG CRUSH NIYA LANG E? MAGIGING ASAWA NIYA PALA? AT SINONG MAG AAKALA NA ANG CRUSH NI NERDY GIRL AT CRUSH NG KARAMIHAN AY MABIBIHAG LANG NG ISANG TULAD NIYANG NERD? PAANO NANGYARI 'YON? MAY GINAWA BA SI NERDY GIRL? ENJOY READING...