Episode 1: "Oh No"

32 2 0
                                    

December 18, 2021 – Present Times

"Inayos ko 'yung mic na gamit ko at inayos ko 'yung headphones. Magsisimula na naman ang show. Nakita kong may mga nakikinig na. Sinimulan ko na magsalita "So guys, sisimulan ko na 'yung kwento kung paano ko nakilala 'yung The One ko.""

February 9, 2013. MOA Main Entrance. Afternoon.

"Naglalakad kaming magkakaibigan papasok sa mall."

Johnny: *habang chinecheck siya nung guard* Bro, excited na ako.

Me: *sigh* Bakit na naman?

Johnny: Tignan mo 'yung ginagawa ng guard sakin ngayon. Ako naman gagawa naman nito mamaya.

Me: Ay nagkamali ako, hindi nga pala kita dapat tinatanong.

Michael: Parang bago ka lang e. Alam mo naman ganyan 'yan.

Boo: Johnny, favor. Luma – layo ka samin mamaya.

Johnny: Talagang lalayo ako sa inyo mamaya, baka mahawaan ako ng boredom niyo.

Boo: Okay na lumayo, baka mahawaan kami ng sakit mo.

Jill: Okay guys! Please, birthday ni Boo. So Johnny, yes, lumayo ka sa amin mamaya.

Johnny: Inggit lang kayo sakin. Porket ako 'yung pinagkakaguluhan pagdating sa meet – up's at hindi kayo.

Boo: Sa tingin mo ba, sa buhay mong 'yan, maiinggit kami?

Johnny: Har har. I'm cooler than you guys.

Boo: Kapag hindi ka pa tumigil, talagang isisiksik kita sa cooler.

Me: *Natawa* Nice one.

Boo: At talagang dapat, lumayo ka. Mamaya, susunduin ko 'yung kaibigan ko. Ayaw kong makakita siya ng asong nauulol.

Johnny: As if naman na magkakainteres ako diyan. Pero kung maganda siya, ako magaasikaso sa kanya.

Boo: Shoo! Layo.

"Papunta kami sa isang event ng isang blogging site kung saan makikita namin 'yung iba naming friends. MOA seaside ang venue. Para siyang pre – Valentine's meet – up. Ang cute ng theme ng event. Kaya nagdecide kami nung araw na 'yon na pumunta. Wala akong expectations nung araw na 'yon kundi makasama ko lang friends ko at pasayahin sarili ko. During that time, kakagaling ko sa hindi masayang experience. So binigyan ko ng chance yung sarili ko na sumaya ulit."

"Nasa Seaside na kami, nagkita na kami ng mga iba naming kaibigan. Ang dami naming umattend. Hindi ko na ineexpect 'yon. 'Yon pala, ang tema ata 'nung araw na 'yon is "Expect the unexpected." Napansin kong nagpaalam si Boo kay Jill saglit. Hindi ko siya pinansin. Then, ilang minute lang nakalipas. Dumating na ulit si Boo ng may kasamang iba."

Boo: Guys! Ito na pala 'yung best friend ko.

"Guys, hindi ko alam pero nung nakita ko siya sa malayo pa lang, bumagal na 'yung oras. Lumabo 'yung paligid. Sa kanya lang nakafocus 'yung paningin ko. She's pretty. 'Yung buhok niya, hanggang balikat. Nakabraces siya nung time na 'yon. Naka t – shirt lang siya and shorts, as in, ang simple niya lang tignan. Pero sabi nga nila, simplicity is beauty."

Boo: Ito nga pala si Danah!

Danah: Hi guys!

Jill: Oh girl, bakit ang ganda mo? Nice to meet you!

Michael: Uy. Hi Danah! Kumusta byahe?

Danah: Okay lang. Actually, galing pa ako sa amin.

Jill: Taga saan ka pala?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

H.I.M.T.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon