Dani's POV:Kainis!! Kainis talaga tong mga press na ito eh. Wala na ba silang ibang alam kung hindi bilangin yung mga lalaking magmamaktol sa TV kapag tinanggihan mo. And these men! Sobrang entitled, mag nganga-ngawa na agad hindi mo lang ma oo-han.
Milo: "Hoy Dani! Nakita mo ba itong write up sayo!"
Dani: "Sa tingin mo bakit hawak hawak ko itong tabloid? Pamunas ng pwet? Of course I saw."
Si Milo ang PA and makeup artist ko since day 1, you could say na isa na siya sa pinaka malalapit kong kaibigan- I mean those who stays kahit na alam naman nilang hindi ko sila kailangan.
Milo: "Ikaw naman kasi, bakit ba tinanggihan mo yung invitation sa iyo ni Miko for the ball? Ang sweet sweet kaya, live on national TV pa!"
Dani: "Alam mo kesa kung ano anong tinatanong mo sakin, tanungin mo nalang yung nanay mo kung bakit Milo pangalan mo, bakit hindi swissmiss or ovaltine? O kaya ikaw nalang makipag date kay Miko, tutal magka rhyme naman names ninyo."
Milo: "Alam mo ikaw, harsh ka- pero seryoso, anong gagawin mo?"
Dani: "Bakit? Dapat ba may gawin ako? Sino bang saksakan ng yabang na magtatanong sa harap ng national TV kung okay lang bang i date ko siya? Dalawa lang iyan e, either feeling niya, walang tatanggi sa kanya, or balak niya kong I corner, siyempre live, so kailangan ko magbait baitan, at mag oo sakanya-"
Milo: "Ayy iba rin yung utak mo girl no, ang dark mag isip- Hindi ba pwedeng gusto ka lang niya talaga makasama? Na bet ka niya ganun!"
Dani: "Bet na ano? Pakiligin, paasahin, tapos? Ano? Pag nahulog ka, iiwan ka, kakawawain ka- please hindi ako tanga."
Milo: "Grabe, papaano ka makakahanap ng true love niyan ang nega mo!"
Dani: "True love? Haha, excuse me para lang sa mga naïve yan. Ibahin mo ako, mas okay na ako yung umaalis, ako yung nakakasakit, kesa ako ang masaktan, para lang sa mga martyr yun."
Mami Tess: " Dani, mabuti naman at nandirito ka, at mabuti rin at mukhang nabasa mo na, nak ano ba ito? Sana naman anak kinukunsulta mo ako, nawala mo na minsan yung napaka-laki sanang role sa movie ni Direk Chito- ng dahil sa isang negative na write up din"
Milo: "Ayy oo! Yung how to love a superstar? Ang ganda nun! Hindi naman talaga bagay sakanya yung role nayun mama! Diyos ko, base yun sa totoong storya ng pagmamahalan ni Donny E and yung wife niya diba? Papaano naman nito magagawang i convince ang mga tao na totoo ang love? Kung siya mismo hindi naniniwala duon?"
Mami Tess: "Bakit, magaling ka namang artista anak e- sobrang laki sanang project nun for you na nawala, because of a negative writeup, tapos heto nanaman tayo-"
Ito si Mami Tess, manager ko. Simula pa nung nag mo-model palang ako siya na ang naging handler ko, malaki ang utang na loob ko dito dahil siya lang yung kaisa-isahang nagtiwala sa kakayahan ko. Napakaraming beses na akong inahon nito sa dami ng mga bad write ups tungkol saakin.
Dani: "Mami Tess, hindi ko kasalanang ang taas ng self confidence ng lalaking yan na iinvite ako sa harap ng buong sambayanang Pilipino. Isa pa, when did I ever go to Star Image ball with anyone? Taon taon akong uma-attend mag isa. Aside from that one time na pumunta ako with Miggy, that's a different story, si Miggy gets niya ako, pero kahit pa ganun, hindi na naulit diba? Kasi nga hindi ko kailangan ng lalaki sa tabi ko para sa kahit ano, magiging palamuti lang sila-"
Mami Tess: "Well, what do you want to do about it?"
Dani: "Nothing. Ako nang bahala sa mga press sa presscon for my birthday concert."
BINABASA MO ANG
Along came Dr. LUV
Chick-Lit(4th book) Dani is a famous model and actress who vowed never to fall in LOVE, as in no no sa love! Binansagan na nga siyang Asia's HEARTBREAKER dahil sa dami ng lalaking umasa at nasaktan lamang sa kanya. Para sa kanya, lahat ng lalaki ay tulad ng...