Part 5

2.1K 101 1
                                    

"MARY ANGELU Milan ang pagalan niya?" tanong ni Nick kay Gerard. Pagkatapos ng unit na iyon ay niyaya niya ito sa school canteen para doon palipasin ang ten-minute break sa pagitan ng mga subjects. Mukhang mas gusto nitong gugulin ang oras sa pag-aaral pero pumayag na rin. Not because he was intimidated but because he was thrilled. Like he was the new cool guy because Nick was his friend. Doon na nga siya nag-ungkat ng tungkol sa babaeng iyon.

Tumango ito. Hindi nakaligtas kay Nick ang paghangang kumislap sa mga mata nito para sa babaeng pinag-uusapan nila. Who can blame him? Kahanga-hanga naman talaga ang pisikal na hitsura ng babae. "Oo. Pero mas kilala siya sa palayaw niyang 'Anj'."

"Anj," sambit niya sa pangalan nito. Short name but beautiful and... sexy. Just like the owner herself.Hinawakan niya ang soft drinks in can niya at sumimsim roon. Aware si Nick na maraming nag-uukol ng tingin sa deriksiyon niya sa paligid.

"Anak siya ni Fiona Milan," anito bago kumagat sa hamburger na inorder.

"Who?" Hindi pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit. Mabuti na lang at mukhang handa namang magbigay ng impormasyon si Gerard.

"Hindi mo kilala si Fiona Milan?" Umiling si Nick. "Si Fiona Milan. 'Yong dating sexy actress na taga rito sa bayan ng Guadalupe."

"Oh." Isinandal niya ang likod sa sandalan ng silyang kinauupuan. "And by sexy actress you mean...?"

"'Yong mga nagbibida sa mga adult movies."

Bahagya siyang napasipol. "So Anj is kinda popular here?"

"Maraming may gusto kay Anj," anito, parang biglang nagkaroon ng pangangarap ang mga mata nito. Kaya naman hindi mahirap sabihin na kasama si Gerard sa statistics ng mga lalaking may gusto kay Anj. "Marami iyong manliligaw. Karamihan nga lang hindi na nagpursige dahil, well, mahirap kasi siyang pasagutin."

Mahirap pasagutin, huh? Let's see... nakangising wika ni Nick sa sarili. Damn, lalo siyang nakakadama ng challenge. "Sino ang boyfriend niya ngayon? I mean may boyfriend siya ngayon?"

"Hindi namin alam."

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Papaanong hindi n'yo alam? Hindi nga ba at popular 'kamo siya. Kung wala siyang nakakasamang lalaki around the campus, 'di wala siyang boyfriend. Unless, hindi estudyante rito ang boyfriend niya."

"It's... not exactly like that," alanganin nitong tugon kaya naman lalo siyang naintriga. "Oopsss," ani ni Gerard nang tumunog ang bell. Nagkumahog na itong samsamin ang mga gamit. Kaya hindi na niya magawang magtanong pa. "Mauna na ako. Naku po, late na ako sa klase ko. Mamaya na lang uli, Nick," sabi nito habang umaalis. Mukhang sadya ring inilakas para iparating sa ibang estudyante na naroon na magkaibigan talaga sila. Itinaas naman ni Nick ang isa niyang palad bago tumango. Muli niyang inabot ang soft drinks niya at uminom. Ah, mas lalo siyang nagiging interesado kay Anj.

He wanted her to be his girl while he was here. Yeah, while he was here. No, wait. He wanted her while he was interested in her. Ganoon ang eksaktong intensiyon niya. Walang labis. Walang kulang. At mapapasakanya ang dalaga, iyon ang sigurado niya. Nobody had ever resisted the charms of Nicholas Umali. Ten days. Magiging girlfriend ko si Anj sa loob ng sampung araw, siguradong sabi niya sa sarili.

"Hi, Nick," sabi ng mga grupo ng mga babaeng dumadaan sa puwesto niya. Hindi siya sigurado kung kaklase nila ito ni Anj. Or, maybe they knew his name because news travel fasts in this school.

Tipid na ngumiti lang si Nick. Pero kahit walang kalakip na interes ang ngiting iyon ay kinilig pa rin ang mga babae. Tumayo na si Nick. He grabbed his jacket and his cell phone. Sa paglabas niya sa canteen, napansin niya ang umpukan ng isang grupo na nakamasid sa kanya. Nakaupo ang mga ito sa isang bench. Ang mga nakaengkuwentro iyon ni Nick. Ang panglima at bagong mukha siguro ang leader na sinasabi nila, si Henry. And they are looking at him intently. Nick just shrugged his shoulders. Bata pa lang siya ay napapasabak na siya sa rambol o kahit na anong kaguluhan. Nang mag teen ager ay nag-aral siya ng martial arts. Sa Maynila nga ay hindi iilang beses na lumaban siya sa underground mix martial arts competition. Iyong mga labanang labag sa batas. He even learned how to shoot. Oh, well, walang magiging problema ang mga ito sa kanya, as long as hindi siya kinakanti. But once provoked, siguradong maghahalo ang balat sa tinalupan.

Loved You Then, Love You StillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon