Ang Takdang Aralin

210 1 0
                                    

All Rights Reserved 2014

© ChuChaibels



 

"Tik tok tik tok" Halos mahilo na si Rowel sa pag-ikot ng kanyang mga mata dahil sa pagsabay niya sa kamay ng orasang kanina pa niyang tinititigan. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang kanyang klase at sabik na sabik na siyang umuwi.

"Ten." Pagbibilang niya sa wikang Ingles. "Nine, eight..." Sabay nang pagbibilang niya ay  paunti-unting paggalaw ng manipis na kamay ng orasan.  Halos manlaki ang mga mata ni Rowel ng makita niyang limang segundo na lang ang natitira.

Three. Two... Tumunog na ang bell na naghudyat na tapos na ang klase. Rinig na rinig ni Rowel ang sabay-sabay na paglabas ng ibang estuyante sa kani-kanilang silid-aralan. Napuno na nang ingay sa labas ng kanilang silid-aralan. Kasabay ng paggulong ng mga gulong ng trolley bag ng mga estudyante sa labas ay ang pagtataka ni Rowel kung bakit hindi pa sila pinapalabas ng guro.

"Class!" Pagkuha ng atensyon ng guro sa mga estudyanteng nakatingin sa labas. Pati ang atensyon ni Rowel na halatang sabik ng umuwi ay napukaw din ng guro. "Bago ko kayo pauwiin ay nais ko kayong bigyan ng isang takdang aralin."

Pagkatapos i-anunsyo ito ng guro ay maririnig ang ilang reklamo ng mga estudyante. Kahit si Rowel ay nagreklamo.

"Class simple lang itong takdang aralin na aking ipagagawa— kunin niyo ang inyong kuwadero at lapis. Isulat niyo ang aking sasabihin."

Labag man sa kalooban ng mga estudyante ay sinunod pa rin nila ang kanilang guro. Sumunod din naman sa utos si Rowel kahit na naiinis siya sapagkat nakatago na ang kanyang kagamitan sa loob ng kanyang bag.

"Humingi... " Paninimula ng guro. "Humingi ng opinyon sa inyong mga kapitbahay o kakilala kung ano ang pwedeng gawin upang magkaroon ng isang maunlad, malinis at maganda na barangay." Hinintay ng guro na matapos muna ang ilang estudyante sa pagsusulat bago siya nagpatuloy. "Isulat sa kuwardeno ang mga opinyong nakuha at panigaruduhin may lagda ng taong inyong nakuhanan ng panayam."

Pagkatapos magsulat ng mga estudyante ay ipinatago na ng guro ang kanilang mga gamit at sila ay pinalabas na. Isinalpak na lang ni Rowel ang gamit niya loob ng kanyang bag at dali-dali siyang tumakbo sa pintuan. Ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ay narinig ni Rowel na tinawag siya ng guro.

"Ma'am bakit po?" pagtatakang tanong ni Rowel.

Ngumiti ang guro sa kanya. "Siguraduhin mong gagawa ka ng assignment Rowel ha."

Napakamot lang ng ulo si Rowel at saka tumango sa guro. "Opo ma'am."

"Mabuti." Nakangiti pa rin ang guro sa kanya. Ngiti na lang ang sinukli ni Rowel sa kanyang guro at saka siya kumaripas ng takbo palabas.


"Wow! Ang sarap talaga nito!" Labis ang kagalakan ni Rowel habang kumakain siya ng isang malaking hamburger habang naglalakad siya papunta sa sakayan ng dyip.

                Buti na lang talaga at nakahabol ako doon sa promo nung paborito kong tindahan. Sabi niya sa sarili niya. Kung nahuli pa pala ako ng isang minuto siguradong hindi ko mabibili itong Ham with bacon cheese burger sa murang halaga.

                "Tanauan! Tanauan! Sumakay na kayo! Aalis na."

                Narinig ni Rowel ang sigaw ng konduktor kahit nasa kabilang kalsada siya. Isinubo na ni Rowel ang kakaunting hamburger na natitira at saka niya tinapon sa kalsada ang plastik na kanyang pinagkainan. Tumakbo si Rowel patawid sa kalsada habang wala pang dumadaan na sasakyan kahit na malapit lang siya sa tamang tawiran.

Kaunlaran, Kalinisan at KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon