CHAPTER 6

1K 47 0
                                    

Third person Pov.

Maagang pumunta si Breat sa bahay nina Maxielle dahil 'yun ang napag usapan nilang dalawa.

Pormang lalaki talaga si Breat wala talagang my nagbago sa kanya. Pero simula noong iwan siya ng girlfriend niya nong highschool hindi na siya nagkataon na magkaroon ng relasyon. Dahil tulad ni Maxielle ay nakatutok lang siya sa pag aaral.

Pagdating Breat sa bahay nina Maxielle ay pina deretso na siya sa kwarto nito. Kilala na naman kasi siya sa bahay nina Maxielle.

Habang naglalakad papuntang kwarto ni Maxielle ay biglang bumukas ang pinto sa harapan at lumabas si Maxzen na nagmamadali. Dahil hindi nila napansin ang isat isa ay nagkabunggoan sila at natumba. Mabuti na lang at nahawakan ni Zen ang beywang ni Breat at sa ibaba niya ito bumaksa. At naglapat ang kanilang labi.

Bigla silang natigilan kung anong nangyari. Nanlaki ang kani lang mata nang maramdaman angblabi ng isat isa. Kaya parehas silang napabalikwas ng bangon.

"Sorry Breat," hininging patawad ni Zen.

"Ok lang kuya," sagot niya at tumakbo agad sa kwarto ni Maxielle.

Naiwan namang nakatulala si Zen sa kinatatayuan niya at hinawakan ang kanyang labi.

"Yun pala ang pakiramdam kung makahalik ka ng tomboy. First time 'yun," sabi niya sa sarili at nagmamadali nang umalis.

Hindi na nag abala pa si Breat na kumatok, bigla niya na lang binuksan ang kwarto at sinira agad ang pinto. Pagkasira niya napasandal agad siya sa pintuan at nakahawak sa dibdib niya.

"Haizttt! Ano ba'yun? Bakit naghalikan kami? First time ko makahalik sa lalaki. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?" Bulong niya sa sarili

"Breat!"

"AY ANG GWAPO NIYA!" gulat niyan sabi dahil na bigla siya nang tawagin siya ni Maxielle.

"Sinong gwapo?" Natatawang tanong ni Max.

"Wala, wala akong sinabi na gwapo," sagot niya at humiga sa kama.

"Eh! Bakit namumula yang kukha mo? May nangyari ba?"

"Walang nangyari promise max walang nangyari sa amin ni kuya Zen," taranta niyang sagot.

"Wala naman akong sinabi na kuya Zen ah. Ano Breat napaghahalataan na kita ah. Gusto mo maging babae kana rin?"

"Ano bayang pinagsasabi Max? Wala sa hulog!"

"Ok! Sabi mo eh. Pero wala talagang my nangyari sa inyo ni kUya Zen?" Panunukso naman ni Maxielle sa kanya.

"Wala nga!" Sagot niya

Hinayaan na lang ni Max si Breat, at nag ayos na lang siya ng sarili niya ng biglang my kumatok at pumasok si mommy lovely.

"Anak nasa baba na si Kyzier, gusto ka nihang yayain na mamasyal."

Tiningnan niya naman si Breat pero parang wala lang itong narinig. Nakatulala at nakahawak lang ito sa labi niya.

"Breat! Kanina kapa tulala dyan ah," tawag ni Max.

Nagulat naman si Breat kaya napatingin siya kay Max.

"Ano yun?"

"Ready kana ba? Nandoon na si Kyzier sa baba,"

Nagpaalam naman ang mommy niya at aasikasuhin pa daw njya si Kyzier.

"Anong sasabihin ko Max?"

"Sumama ka pag niyaya kang mamasyal. Tapos sabihin mo na aalis kana bukas, dahil babalik kana sa maynila para magtrabaho. "

I WAS A BOY ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon