Tama na caspian anu ba!! Lumayo ka na sa akin, hindi na kita mahal! Sigaw ni Ava, habang hinalik halikan sya ni caspian sa leeg.
Casspppiaaa... cassspp.. cccc....
〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️
Sir ? sir ? sir Declan.
Kinatok nang malakas ni Matilda ang pinto sa kwarto nina declan at ava. At bumukas ang pinto!
Anu bang problema?
Tanong ni declan sa kasambahay nyang si matilda.
Kasi po sir, may tumatawag sa telepono at ang sabi sir , sinugod daw si mam Ava sa hospital! May nakakita po kasi sa kanya na hinulog sa may bangin. Tarantang wika ni matilda.
Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo? Pupunta yun sa ka meeting nya tungkol sa Negosyong e-expand nila dito sa syudad natin?! Hindi mo alam yun !? Wika ni declan.
"pero sir, nag-alala po talaga ako eyh. Subukan nyu na lang puntahan sa hospital incase po kung wala mas mabuti. Kinakabahan din po kasi ako eh! Wika ni maltida.
Wait lang tatawagan ko muna! Sabi ni declan.
Dinial nya na paulit ulit ang cellphone number ni Ava, pero wala talagang sumagot.
Hindi rin sya sumasagot! Wika ni declan.
Maiwan ka na dito matilda! pupunta ako ng hospital! sabay alis si declan..Pagkarating nya hospital agad syang nagtanong kung may pasyente bang Ava Monreal. Agad tinuro ng isang nurse ang room 111.
Andun po sir, puntahan nyu na lang mukhang OK naman po ung pasyente. Sabi ng isang nurse.
Agad dumiritso si declan sa room 111 Pagbukas nya sa pinto bumungad doon ang nakakaawang hitsura ni ava, napuno sya ng bugbog. Parang binugbog ng ilang tao sa sobrang dami ng pasa sa mukha at sa buong katawan.
Honnn? anung nangyari? saan ka ba galing ? sinung gumawa sayo nito? Tanong ni declan kay ava.
"Walang hiyang caspian, hindi ko ineexpect na sya pala kikitain ko! Pinapasok nya ako sa loob ng sasakyan nya.At bigla nyang nilock ang lahat ng pintuan ng sasakyan. Nagsisigaw ako hanggang dinala nya ako sa isang lugar na tahimik at walang tao! at malayo din sa mga kabahayan. Binugbog nya ako hanggang sa mawalan ako ng malay , pero bago nangyari yun may matandang babae sa unahan parang natakot syang lumapit nanood na lamang sya sa pinaggagawa ni caspian sa akin hanggang sa unti unting nagdilim ang paningin ko.
Si caspian na naman? kailan ka ba titigilan ng lalaking yan? nabwebwesit na ako sa lalaking yan hon!
Hayaan mo ihahatid kita sa bahay natin sa Flambeau doon ka muna titira. Ipapasama ko sayo si manang Coring pati yung driver natin si Lucas para may magbabantay na rin sayo.Ako na muna magdra-drive pansamantala. Sabi ni declan.Pero hon, sinong mag-aasikaso sayo? walang mag-aalaga sayo kung ikaw lang mag-isa dun sa bahay. Wika ni ava.
Di bale, andun naman si matilda sa bahay di muna ako uuwi dun! Sya muna maiwan sa bahay dun muna ako sa Resorts natin tatambay may Rest house naman dun.Sabi ni declan.
Hon? natatakot ako, baka puntahan ako ni caspian dito. Di ko alam kung bakit gusto nya akong bawiin sayo! nagsisisi ako kung bakit ganun sya ka praning sa akin. Muntik na nya akong patayin! Takot na wika ni ava.
Wag kang mag-alala ihahatid kita sa Flambeau mamayang hapon. Ikukuha kita ng private nurse na mag-aasikaso sayo.Para dun ka nalang tuluyan magpapahinga.Alam ko hindi nya alam ang lugar na yun.Uuwi muna ako saglit sa bahay ihahanda ko na lahat ng gamit mo. Tsaka isasama ko na din si manang coring at lucas para didiritso na tayo sa flambeau.Wika ni declan.
Agad na umalis si declan at tumuloy na sasakyan.Bumalik sya sa bahay nila para kunin lahat ng gamit ni ava.Ililipat nya muna si ava, para di na guluhin pa ni caspian na syang dating karelasyon din ni ava, ngunit hiniwalayan nya eto dahil sa sobrang lulong sa bisyo at nambubugbog din minsan.
Pagkarating sa bahay agad na dumiritso si declan sa loob ng kwarto nila ni ava. Niligpit na nya ang lahat ng gamit.Tinawag nya si manang coring na ina ni matilda na parehong nagtra trabaho sa kanya. Nagpatulong sya sa pagliligpit. At kanya na rin etong sinabihan na ihanda rin ang gamit neto dahil isasama sya ni declan papuntang flambeau para may kasama si Ava doon. Sinabihan nya na rin si lucas.
Natapos na sila, nagpaalam na si manang coring kay matilda.
Mag-ingat ka dito anak ha? aalis na kami. Sabi ni manang coring.
Matilda, kahit sino gustong pumasok wag mong papasukin ha? tatawagan mo ako agad kung may mapapansin kang kakaiba sa labas nang bahay! kahit magpanggap na kakilala,pinsan, kapatid, katrabaho o kahit anu kung mag pupumilit pumasok wag na wag mong papasukin. At wag ka din lalabas till di ako makabalik dito sa bahay. Naintindihan mo matilda ?! Mahigpit na bilin ni declan kay matilda.
Opo sir, opo Masusunod po! mag-iingat po kayo. Ako na po bahala sa dito. Sasama din pala kayo sir ? tanong ni matilda.
Hindi, ihahatid ko lang sila. Babalik ako dito para kunin gamit ko tapos doon muna ako tutuloy sa resorts. Cge na alis na kami. Mag-ingat ka dito. Aalahanin mo yung bilin ko sayo.
〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️
Tumuloy na sina declan papuntang hospital. Naghihintay lamang sina manang coring at lucas sa sasakyan.
"Doc, ilalabas ko na po asawa ko ngayon, sa bahay nalang sya magpapahinga, kukuha nalang ako ng private nurse para mag-asikaso sa kanya.Wika ni declan sa isang doctor.
Ok lang mas mabuti kung ganun, di naman masyadong nagrabihan ang asawa nyo sir, madami lang talagang pasa pero wag kayo mag-alala healthy naman asawa nyo, madaling maghilom mga pasa nya, kakain lang sya ng marami at mga healthy foods tapos yung gamot nya kailangan nya i- maintain para gumaling agad. Yun lang po sir. Wika ng doctor.
"Sige doc, salamat naman kung ganun. Para makaalis naman kami agad. Wika ni declan.
Walang anuman! cge tuloy na rin ako kayo na bahala dito ipapaassist ko na lang kayo rito Ok? Umalis na ang doctor.
Inalalayan nila si ava palabas ng room at dun dumiritso na sila sa may exit. Naghihintay na si lucas at manang coring sa sasakyan.Agad naman nilang binuksan ang backseat para dun na umupo si ava kasama si declan. Nasa harapan naman sina manang coring at si lucas na ang nagda-drive.
Tumuloy na sila sa flambeau, 8hrs ang byahe galing sa winconsin kung saan nakatira sila.
〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️〰️
Alas dyes ng gabi sila nakarating sa flambeau. Bumaba si manang coring at binuksan na ang gate.Pumasok na ang sasakyan nila.It Isinara na ang gate at ni lock. Naunang pumasok sa loob si declan, pinailawan nya na ang loob pati na ang kwarto ni ava. Saka bumalik na sya sa labas at sabay nilang inalalayan si ava papasok.Nakasunod naman si manang coring dala dala ang mga gamit.
Pinaupo muna nila si ava sa may sofa. Nilinis muna ni coring ang loob ng kwarto.Pano kasi biglaan ang lipat nila kaya hindi nalinis ang bahay.
Pagkatapos nilinis, inayos na ni coring ang mga gamit ni ava sa loob ng kwarto pati ang kama. Tinawag na nya ang mga eto para makapagpahinga na lalo na't malayo layo pa ang kanilang binyahe.
"Cge manang, papasok na kami jan. pero, teka kakain muna tayo. May binili na ako kanina, para makain natin ngayon.Bukas isasama ko si mamang coring mag grocery good for 1 month para hindi muna kayu maglalabas.
Matapos nilang kumain. inihatid na ni declan sa loob si ava.Para makapag pahinga na. Bukas na sya babalik sa wisconsin after nya mag grocery. Tinawagan nya nalang si matilda na hindi sya makakauwi at wag nalang hintayin.
BINABASA MO ANG
No Promises
Teen Fiction#SharedQoutes! I can't give solutions to all of life's problems, doubts, or fears. But I can listen to you, and together we will search for answers. I can't change your past with all it's heartache and pain, nor the future with its untold stories. B...