chapter 3

291 18 0
                                    

Chapter 3.

Blangko ang mukhang pumasok ako sa silid ng prinsipe .dahan dahan at nakikiramdam na naglakad papunta sa maliit na mesa?nilibot ko ang paningin para maghanap ng patungan ngunit ito lamang ang naroon .

so diyan sila kumakain?
Ibinaba ko ang pagkain sa mesa at nilibot muli ang tingin sa paligid  nadako ang mata ko sa ito sa isang larawan na  nakasabit sa dingding .at ipininta lamang .larawan ito  ng diyos! Kamangha mangha! Napakagwapo ng lalaking nasa larawan .abo ang mga mata nito at mapungay .matangos at perfekto ang ilong nito na tila nililok pa! Bahagya namang mapula ang mga labi nito at maliit lamang .depina naman ang panga nito .asul at mahaban naman ang kanyang kasuotan  na mas nakadagdag sa kanyang kagwapuhan! At sa palagay ko ay nasa 27 hanggang 30 ang gulang!

Ilang minuto akong natulala .at hindi napansin  ang paglapit ng kung sino .

Anong ginagawa mo?" Dumadagundong na sigaw nito .napatalon ako sa gulat at naestatwa .

Anong ginagawa mo?" Ulit nito sa sinasabi.

Pumihit ako patalikod at humarap sa kanya .
Laglag ang panga ko ng makita sya .sya iyong lalaki sa larawan! mas gwapo sya sa personal!.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang matipunong katawan ,tila nagliyab ang aking katawan at wala sa sarili akong napalunok .damn this man ! Isa syang perfektong nilalang ....

....

Prince jun'ye pov ..

mariin kong tinitigan ang babaeng lapastangang pumasok sa aking silid .mariin ko syang tinanong kung ano ang ginagawa nya ngunit hindi nya ako kinibo .nagkangisi ang aking mga  labi ng makitang nakatingin Sya sa katawan ko .

Sinamatala ko ang pagkakataon at tumitig sa kanya .
Mapungay at bilugan ang kanyang mata ,matangos ang ilong at maliit na labi na lalaong bumagay sa maamo nyang anyo .sakto naman  ang tangkad niya na  5'4 para sa isang babae.
Maputi at porselana naman ang kanyang balat .

ilang minuto ang lumipas ngunit hindi nya parin ako kinikibo at patuloy na nakatitig sa akin.

Tumikhim ako para agawin ang kanyang pansin .

Napatigil sya at bahagyang yumuko .nakangisi ko syang tinignan .mukhang iba ang babaeng ito sa aming mga tagasilbi.

....
Xialin pov..

Yumuko ako sa hiyang naramdaman .shit! Halos maglaway ako kakapuri sa angkin nyang kagwapuhan .nakakahiya!

Ikaw ba ang naghatid ng pagkain sa silid ko?" Tumango ako bilang sagot .

Nagantay ako ng kanyang reaksyon at sagot ngunit ng mapansing wala ay walang ingay akong lumabas sa kanyang silid at hindi na sya inabala  lalo na ng  umupo lamang ito sa harap ng lamesang pinagpatungan ko ng pagkain  at nagumpisang kumain .

Pagkalabas ko ng silid ay agad kong kinutusan ang sarili dahil sa ginawa ko.nakakahiya!

Bakit kasi ang gwapo nyang nilalang? Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong humanga sa kanya ,hindi rin naman pala masama ang pagparito ko sa lugar na ito dahil may gwapo akong nilalang na naencounter!

Hindi naman sa hayok ako sa gwapo ngunit ,sya lang kasi ang pinakagwapong nilalang na nakita ko .walang wala sya sa mga artista sa telivisyon gayundin sa mga modelo!

Lalo na sa abs! that fuckening abs! Na kulang nalang ay kanin! Shit! Ano na naman ba itong naiisip ko?

Maghunos dili ka xialin!
Lalaki lang yan!

Pilit kong pinakalma ang naghuhurumentado kong puso .matatanggal ata ang puso ko kapag ganoong lalaki ang kaharap!

Ilang hingang malalim ang aking ginawa bago nagumpisang maglakad at pumunta kay xi'er .

...

the prince babyWhere stories live. Discover now