chapter 4

266 19 0
                                    


Chapter 4 .

nagtungo  ako sa kusina ng palasyo dahil naroon si xi'er .
Naglakad akong nakayuko dahil sa hiya .

Hiya dahil sa mga matang mapanuring nakatingin sa akin .

I heard them murmuring something ngunit hindi ko maintindihan . hindi ko alam kung bakit ganoon sila makatingin sa akin .may dumi ba ako sa mukha?

Pinunsan ko ang aking mukha gamit ang aking palad ngunit wala naman akong nakuhang dumi .

Ipinagsawalang bahala ko nalamang ito at naglakad na lamang muli .

Ilang minuto akong  naglakad bago ko  narating  ang kusina .

Naabutan ko roon si xi'er at ang iba na abala na sa paglilinis ng kusina ,ang iba naman ay may ginagawa na kung ano .ang bilis naman nilang maghatid ng pagkain sa iba.

Ikaw kasi nagpantasya kapa" bulong ng utak ko .

Sinapok ko ng mahina ang ulo ko dahil sa naiisip. At

Lumapit nalamang  kay xi'er at bumulong .

Ano ang kanilang ginagawa?" Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin kaya ininguso ko ang mga babaeng nagkukumpol sa kung ano kasama ang isang lalaki na batid kong isang mangaggamot.

Ah sila ba?" Tumango ako . sila kasi ang una kong napansin .masyado silang nagkukumpulan kaya naman nakaagaw ng aking atensyon .

Tumutulong ang iba sa sa lalaking iyon na isang mangagamot sa palasyo ,nagluluto sila ng gamot para sa hari" wala sa sarili akong napatango .

Ano ba ang sakit ng hari?" Tanong ko uli habang mariing nakatingin sa kanila .

Sa pagkakaalam ko ay mataas ang kanyang dugo at sakit sa bato"

Tinitigan kong mabuti ang kanilang ginagawa ,may nilalagay silang kung ano sa isang kaserola .

Xia'lin" nabaling ang tingin ko kay xi'er ng tawagin nya ang pangalan ko .

Hmm lamang ang isinagot ko sa kanya .

Hindi kaba nagugutom? " tanong nya .sakto at biglang tumunog ang aking tiyan .

Hindi mo na kailangang sagutin iyan" natatwa nyang ani ,ngumuso ako sa kanya .

Nakkahiya ang lakas ng tunog ng sikmura ko .

Eto" lapag nya sa harapan ko ang isang mangkok ng pagkain .

Nagtataka ko itong tinignan .

Ano ito?" Tanong ko habang pakita ng kung anong karne ang nasa ibabaw ng kanin .

Dila ng baka" muntik na akong maduwal sa sinabi nya .
Dila? Pwe!

Nandidiri ko itong inilayo sa akin .

Hindi ako kumakain ng dila ni kahit na anong baka" mayroon kasi akong alergy sa pagkaing iyon at higit sa lahat ay nasusuka ako kapag nakikita kong ganitong luto .

Nakanguso nyang tinanngal ang karne at nilagyan nalamang ng gulay .

Kinuha ko ang mangkok at nagsimulang kumaib .

nakakaisang subo palamang ako ay nasamid na ako sa lasa .

Ano bang klaseng luto ito? Lasang tubig na ewan!

Bakit? May problema ba sa gulay?" Nagaalala ani ni xi'er hinagod nito ang aking likuran .

Wala ba kayong nilagay na pampalasa rito?" Nagtataka nya akong tinignan .

Asin? Betchin? Magic sarap? " kumunot ang noo nya sa sinabi ko .

Wala kaming ganoon " iling nito .

Napabuntong hininga nalang ako .paano ako makakaanin nito? Pihikan pa naman ako! .

May butil ng ideya ang pumasok sa isip ko .

Masaya akong bumaling kay xi'er .

Xi'er maari bang galawin ang mga pagkain dito sa kusina? O dikaya ay magluto?" Umiling ito sa sinabi ko .

Hindi maari ang sinasabi mo .mapaparusahan tayo kapag ginawa natinang bagay na iyon .tanging ang mga tagaluto lamang ang may kakayahan at aprobadong mangialam ng mga gamit rito sa kusina at higit sa lahat kapag nahuli ka nila ay kamatayan agad ang hatol sa iyo kaya wag kanang magtangka lalo na kapag umaga ." mahaba nyang paliwanag .

Isang buntong hiningang muli ang ginawa ko .

At pilit na kinuha ang pagkain ,nasusuka man ay kinain ko nalamang iyon ,wala akong magagawa kung hindi magtiis dahil isa lamang akong hamak na katulong .

Ngunitt kung hindi man ako pedeng gumalaw ng mga gamit dito sa umaga edi sagabi!

Napangisi ako sa naisip .
Babalik ako rito upang gumawa ng makakain mwahahahahaaha.

the prince babyWhere stories live. Discover now