Chapter 5.Alas onse na ng gabi at tulog na ang lahat ay dali dali at marahan akong lumabas ng silid .
Kung nagtataka kayo kung bakit ko alam ang oras ay dahil ng mag tine travel ako sa panahon na ito ay nakasuot sa akin ang aking relo ,hindi ito nakikita ng iba dahil sa aming kasuotan na halos balot ang katawan .
Parang ninja o magnanakaw ang naging galawan ko ,tingin sa kaliwa ,tingin sa kanan ,ayokong mahuli noh .
Napangiti ako ng marating ko ang kusina .nabawi rin ang ngiting iyon ng makita kong nakakandado ang pinto .
Sayang! .napaupo ako sa labas ng pintuan at nagisip .
Sayang naman ang ginawa kong ito kung hindi ako makakapasok .
Muli akong tumayo at nilibot ang tingin sa paligid .
Nagkaroon ng galak ang aking puso ng makita ang bintana nitong kusina at hindi ito kataasan .kayang kaya kong abutin at akyatin .Wala akong sinayang na oras at tila nagisang unggoy sa pagakyat .
Ng makababa ay dilim ang tumambad sa akin .
Agad kong kinuha ang selpon sa aking bulsa upang tanglawan ang paligid .siguro ay nagtataka kayo kungbakit mayroon ako nito well ganto kasi yan .
Flashbackkkk.
unang araw ,pagkatapos ng gabing nakarating ako rito ay nagligpit na kami ng aming mga pinaghigaan .habang nagliligpit ay napansin ko ang isang parisukat na bagay na kulay asul sa ilalim ng aking unan .kinapa ko ito .at nanlaki ang maliit kong mga mata ng may mapagtanto .isang bag! Nadala ko ang bag ko! .dali dali ko itong ibinalot ng aking kumot at umarte ng natural ,hindi maaring makita nila ang mga ito ,dahil mas lalo silang magtataka.
End of flashback
....Mabilis kong tinutok ang ilaw ng aking selpon sa paligid .
naghalungkat ako sa bawat kahador dito .ang mga kahon ay may lamang ibat ibang rekado ,nariyananang bawang ,sibuyas luya ,sili at marami pang iba .
Sa gilid ay nakakita ako ng itlog ng manok ,dali ko itong kinuha at nagumpisang batiin ang itlog ,simpleng ommelet ang gagawin ko .
Ng matapos ay ang tirang kanin naman ang pinagdiskitahan ko ,dinurog ko iyon .naghanda ako ng bawang para isangag .
Napapunas ako sa aking noo ng matapos akong magluto ,pinakiramdaman ko ang paligid kung may nakarinig ba ngunit nanatili itong tahimik .
Excited akong kumuha ng stick at nagumpisang sumubo .
napapikit ako sa sarap ng malasahan ang pagkain .
Kumuha ako ng itlog at itinapat sa aking bibig .
Pasubo na ako ng biglang may magsalita sa likuran ko .
Who are you? " malamig nitong ani .
Napatigil ako at nanlamig ,shit! Nahuli ako .
......
YOU ARE READING
the prince baby
RandomThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...