Sam's POV
Sira ulo itong si Seth bigla bigla na lang magbabarge in. Wala akong pakiealam kung ako mismo nagbigay ng code ko sa condo ko pero wala pa rin siyang karapatan sa ginawa niyang pagintrude sa amin ni Celest. Isa pa alam kong hindi naman na sila lumalabas. Akala niya hindi malalaman ng M6 un. Alam namin na may namamagitan sa kanila dati pero wala na ngayon kaya wala siyang karapatang magalit. Gago un ah. Tapos wala man lang sinabi bukod sa "I will bring her home now." Napaghahalata siya na may gusto na niya si Celest pero hindi ko hahayaan mangyari un. Kailangan kong manalo. Karangalan ko bilang isang cassanova ang nakataya dito.(A/N: Ang bad mo Sam! Akala ko love mo na si Celest.)
Seth's POV
Panigurado galit sa akin si Sam. Pero wala akong pakiealam ayoko lang naman madamay si Celest sa mga babaeng nagamit niya. She deserves the best man at kahit ako hindi ako nababagay sa kanya. Heto magkikita ang barkada sa bar. Magkakaharap kami ni Sam. Panigurado mainit dugo sa akin nun. Tingin pa lang noya sa akin nung kinuha ko si Celest ay badtrip na badtrip eh. Bahala na.Johann's POV
Sa wakas nagka-POV din. Ako ang lider dito dapat madalas dalas ang exposure ko. Kahit sabihin pa nilang isip bata ako halatang halata ko na may feud na namamagitan sa barkada. Kaya ayoko sa mga babae eh. Minsan lang ito nangyari at hindi ko yon makakalimutan dahil baabe ang pinag-ugatan. Dati si Joan ngayon si Celest at parehong si Seth at Sam na naman ang involve. Kasalanan ito ni Jet eh. Letseng pustahan yan oh. Tahimik kaming umiinom na sadyang kakaiba panigurado kasing nagkukulitan na sina Sam at Nicco tapos makikisawsaw lang kami tsk tsk..."Tahimik ah... Mukhang lasing na kayo ah." puna ni Jet.
"Lasing? eh baka tulog kamo kapag tulog lang naman tahimik si Sam at Nicco eh." hirit naman ni Paul habang nagda-drums.
"Shut up Paul." sagot ni Sam habang tinutungga ang ika-6 niyang bote.
"Cool dude. Mainit tayo ngayon ah. Di ka ba makapagrelease?" asar ni Paul.
(A/N: Nako sige pa Paul subukan mo pang gatungan. Mamaya maghahalo ang balat sa tinalupan.)
"Baka nagmemenopause naman." si Jet. "Baka naman tinatanggap na niya pagkatalo niya sa pustahan."si Nicco. "Pustahan na naman?" takang tanong na may pag-iling naman ni Seth. "Yes bro. Pustahan at mga babae na naman ang pinagpupustahan nila." sabi ko. "Tumahimik ka nga Johann." sita ni Sam. "Tama si Sam. Dahil absent si Seth noon wala na siyang pake kung may pinagpustahan tayo." si Jet. "May pakiealam ako. Lalo na kung ang involve ang fiance ko." madiin na sagot ni Seth. Masama na ang tingin niya kay Sam. Nakakapitong bote naman na siya. "Fiance eh diba sabi mo hindi ka pakakasal?" sabi ko. "Shut up Johann."si Seth. "Natotorpe ka lang eh." asar ko. "Wag mo sa akin ipasa yang katorpehan mo." ganting sagot ni Seth. Hala mukhang backfire ah. At mukhang kami pa magkakainitan. "Ako? Torpe? Di ako torpe ah. Mapili lang ako sa babaeng idedate ko. Di ako tulad ninyo noh? Lalo na ni Sam. Ayoko ngang magkasakit." sagot ko. "Ako may sakit?! Gago ka pala eh!" galit na sabi ni Sam. Napatayo na ako, Sam at si Seth na parang magsusuntukan na kami. Natigil na lang kami ng--
Nicco's POV
Nako! Lumalala na ang usapan. Kanina itong si Sam at Seth ang may kakaibang mood ngayon naman si Seth at Johann. Pucha naman oh! We're brothers di dapat magkakaganito. Nakakainit na ng ulo! Binato ko na ang bote sa pader kahit may laman pa ng magsitigil sila. "Di ba kayo titigil? Ang iingay niyo ah! Tuloy niyo na yan sa suntukan." dare ko sa kanila.
At di nga ako nagkamali di na nakapagpigil ang tatlo. Sinuntok ni Johann si Sam pati si Seth si Sam din ang sinuntok. Kawawang Sam. Malapit ako sa kanya pero bahala siya. Mamaya na lang ako tutulong. Hehe Masarap pa manood."Kanino ka pupusta?" tanong ko kay Jet.
"Johann ang Seth. Halatang walang match si Sam." sabi ni Jet.
"I agree." si Paul. "Pare-pareho pala tayo ng tingin eh. Sige na kailangan nating tulungan si Sam. Mababasag na mukha niya. Mawawalan yan ng chicks." sabi ko. Dumudugo na magkabilang labi ni Sam. May cut na rin siya sa left eye niya. Salitan kasi siyang sinusuntok ni Seth at Johann. Hinila na namin papalayo si Sam sa kanila. DI naman kasi tatakbo itong si Sam. Di niya uurungan silang dalawa. Nang mailayo na namin si Sam. Si Seth at Johann naman ang nagsuntukan. "Ako torpe? Gago ka talaga Seth at least di ako tulad mo walang buto. You can't even fight for the girl you love." sigaw ni Johann habang nagpapakawala ng suntok at umiiwas minsan naman sa suntok ni Seth. "At least ako nagkakaroon ipadama ang pagmamahal ko eh ikaw? Ano hanggang asar lang diba?" habang sumusuntok at umiilag din na sabi ni Seth. Pinaghiwalay at inawat na ni Paul at Jet silang dalawa.
"Umayos nga kayong tatlo. Ang babaw niyo." galit na sabi ni Paul. "Napag-usapan na natin ito dati na hindi babae ang makakasira sa pagkakaibigan natin. We're brothers." say ni Jet.
Sa wakas napakalma na sila. Nagsiuwian na kami. Mukhang problema ito may game pa naman bukas.
Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...