CHAPTER 36:Untitled

32 3 0
                                    

CHAPTER 36:

Rhaine POV

 "Kola..." tawag ko sa kuya ko na kababa lang sa hagdan. 

"Gusto mong kutusin kita, sinabing kuya eh..." 

"psh! Sige na nga kuya. Yuck! Ang sagwa." binulong ko ang huli at napangiwi nalang. "Sabay na tayo uuwi iniwan ko kase yung bike ko." 

"May lakad ako ngayon kaya umuna kana.." 

"Ano? Ede ihatid mona lang ako.." Wika ko habang palabas ng gate. 

"Ayoko!! Nagmamadali ako..Sige na. Oh eto 10 peso pamasahe mo. Alis naku" napamaang ako na sinusundan siya ng tingin pasakay sa motor niya.Aanhin kona man tong 10 pesos?

 "Kung may magyari saken ikaw ang sisihin ko!!!" malakas kung sigaw. 

Tinanguan niya lang ako at umalis na. 

 "Rhaine!!" lumingon ako sa likod at nakita kung lumapit silang tatlo.

 "Oh?" 

 "Wala kabang kasama?" tanong ni noy. 

 "Meron kabang nakita?"Inis kung sagot. 

 "Haha oo nga naman noy!" tawa ni chris."Sabay nalang tayo." 

 "Magkaiba tayo ng daan. Swerte nga kayo kase parehas kayo sa kanan ang daan pauwi.." 

 "Ayy Oo nga!!" 

 "Sige na. Una naku! Malapit na mag alas sais maglalakad pa ako.." nagsimula na akong maglakad palayo sakanila.

 "Sige ingat ka!!" malakas nilang sigaw kaya tinaas kolang ang kamay ko patalikod.Ngayon nagsisi ako kung bakit iniwan ko ang bike ko. Malayo pa naman yung bahay namin. Pero, sabagay baka lalong mabinat yung sugat ko sa tuhod. Naglalakad nalang ako sa may pagka-tago at masukal na eskinita. Dito ako dumaan kase shortcut at para nadin mapadali ang uwi ko.Naglakad lang ako pero habang tumatagal ay parang may nakasunod saken. Hindi ako tanga para hindi ko yun mapansin alam kung hindi lang ako ang tao dito na naglalakad sa eskenita.Kinakabahan ako.

 Hinawakan ko ng mahigpit ang strap ng bag ko at naglakad.Pero kahit saan ako lumiko ay nakasunod padin. 

Shet!! Huminga muna ako ng malalim saka tumigil sa paglalad at lumingon lingon sa paligid. 

"S-sino yan!!? W-wag naman kayo magbiro ng ganyan oh?" nanginginig kung paki-usap.Nang walang sumagot ay nagpatuloy ako. Binilisan ko ang paglalakad na halos takbuhin kona dahil nakasunod padin eto saken.Ang lakas ng kabog ng dibdib na halos gusto ng lumabas. 

 Dapa do'n nalang ako dumaan sa isa kahit malayo-layo yun sa bahay namin.Liliko nasana ako ng may biglang humila saken at tinakpan ang bibig..."Hmmmppp!!!"

 "Wag kang maingay! Papatayin kita.." halos mangingilid yung luha ko dahil sa takot na nadarama.Umiling ako at pigilin na wag umiyak ngunit diko mapigilan na wag tumulo.Eto ba yung sign na magboyfriend na ako?

Pero hindi pa ako ready do'n. 

 "Ikaw ba yung babae na pumunta sa lumang bodega? Anong nakita mo? Anong kinuha mo?" Nagpupumiliglas ako kayahinawakan niya ng mahigit ang kamay ko para hindi ako makapalag. Umiling ako na nagsasabing wala akong alam.. 

 May kinuha siyang isang bagay sakanyang likod at ngayon kulang napagtanto na isang maliit na cutter. Tumulo ang luha ko at sabay sabay na bumagsak! 

 "Hindi kita sasaktan pero sabihin molang saken kung anong nakita mo at kinuha?"

 Sa pangalawang pagkakataon ay umiling na naman ako.Ayaw kung sabihin na may kinuha ako doon. Bakit? Ano bang meron sa I.D at mga libro nong chienna na yun at ganito na lamang agan galit etong lalake saken.?Kahit nanginginig na yung katawan ko ay kinagat ko ang kamay niya kaya napabitaw siya. 

"Arrggggh!!!" sigaw niya. Tumakbo ako pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay bigla niyang hinila ang buhok ko. 

 "P-please!! Wala akong alam sa sinasabi mo..Bitawan mo naku!! Tulong! Tulo--ammppp!!" tinakpan na naman niya yung bibig ko at dinala sa gilid at do'n sinampal ng malakas kaya natumba ako. 

 "Pinaghirapan mopa ako hayop ka!! Ang lakas ng loob mong tumakbo ha." pinatayo niya ako.Umiyak na ako sa harapan niya at napahagulhol. 

 "Please po kuya! W..W-Wala po A..a-akong k...k-inalaman sa sinasabi mo.." halos lumuhod na ako at umiyak sa harapan niya. Gusto kopang mabuhay! Gusto kopang makapagtapos ng pag-aaral, gusto kopang tulungan yung mama ko.

 "Anong kinuha mo?!!" galit niyang tanong saken. Hindi ko makita mashado ang mukha niya dahil may mask siya.Pero may peklat siya sa gilid ng mata at may percing pa eto.Nalalasan kona ang dugo kung natamo dahil sa sampal niya.

 "P..p-pakawalan mona a-ako.. H-hindi ko a-lam ang.." huminga ako ng malalim at dahil hindi ako makahinga.."S-sinasabi niyo.." umiiyak kung pagpapatuloy.. 

 "Wag mokong lokohin? Nakita ka namin ng kaibigan ko na tumakbo palabas ng bodega..Ha??" tinaas niya yung kamay niya at napapikit nalang ako.Sana may dumating, sana may tumulong saken..Ngunit ilang minuto ang nakalipas walang kamay ang lumapat saken.Minulat ko ng dahan dahan ang mata ko at nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at pinalaunan ng suntok ni nathaniel. 

 "Hayop ka!! Tarantado ka!" hindi kona alam kung ilan na ang pinakawalan ni nathaniel ng suntok ang lalake dahil marami ng dugo ang kumalat sa mukha niya.

 "N-nat..." tawag ko at lumapit.Baka mapatay niya eto. "T-tama na. Baka mapapatay mo siya.." nong una ay ayaw niya kung pakinggan pero nang makita niya ko na may dugo sa mukha ay linapitan niya ko at yinakap ng mahigit.

 "I'm sorry..I'm sorry..fuck! damn it. I'm gonna fucking kill that bastard. shit!"" paulit-ulit niyang mura . Nanghihina akong naupo dahil hindi kona kinaya. Napahagulhul ako sa braso niya at yinakap din.. 

 "H..h-hindi koto akalain na mangyayari to saken.." nahihirapan kung sabi.."Uuwi na ako..Please ihatid mo muna ako." halos magmakaawa na ako.

 "Okay! Please tahan na, wag ka ng umiiyak.. Nandito lang ako hindi kita pabayaan.."Tumango nalang ako.Hindi ako makatayo dahil siguro nando'n padin ang takot at hindi kona lalo makita ang daan dahil sa mga luha ko

Kaya pinasakay nalang ako sa likod niya at dahil pagod ay nakatulog ako.

Ang masungit kung guro (On-Going) A teacher's And Student Love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon