DIAMOND 22: LIKE

471 18 0
                                    

LOVELYN POV.

UMUWI na kami dahil may nangyari. 😒Nangyaring hindi dapat. Kakainis si alexander sarap na ng kain namin ni princess binulabog pa. Akalain mo bigla bigla nalang siyang magagalit dahil sumasakit ang tiyan niya. Aba malay ko bang sasakit ang tiyan niya. Sinisi niya pa yung pagkain. Tss.

"Sinabi ko na sayo Babe,  wag ka ng kumain ng ganun! Tingnan mo ang nangyari sa akin sumakit ang tiyan ko! " heto na naman tayo. Maninigaw na naman ang loko. "Nag text si mommy sa sabado daw sila ulit makakauwi dahil may marami pa silang ginagawa." Sabado?  Monday ngayon ibig sabihin dito parin sila kiero at tobi? Tss. Buti nga lang sila ang nandito wag lang si alexander. Pero wala akong magagawa dahil bahay nila ito. Nakatira na nga lang ako ako pa ang magagalit sa kanya.

"Babe! Nakikinig kaba! " ito na naman yung tawag tawag niya sa akin. Saan ba kasi niya nakuha ang babe nayan!

"Babe! "

"Alam mo Alexander hindi ko na problema kung sasakit yang tiyan mo! Paano ba namang hinsi sasakit yan kung ang dami dami mong kinain,  halos ubusin mo na ang paninda ni manong. " mahabang lintaya ko habang nagbabasa ng libro. Bigla naman siyang umupo sa tabi ko at biglang kinuha ang libro ko. Ayaw ko sa lahat ay binabastos ako pag nagbabasa ako. Inis ko siyang tinignan.

"Alam ko babe, pero wag ka ng kumain ng mga street foods. Nakakasira sa tiyan yun! "

"Alexander naghahanap buhay din sila,  hindi sila magtitinda ng ganun kung nakakasira sa tiyan. May binubuhay silang pamilya. At pwedi ba wag mokong matawag tawag na babe jan! " sabi ko saka kinuha ang libro. Nakakainis nabwebwesit na ako sa kanya kanina pa!

"Tss. Palagi ka nalng nag tatanggol ng tao! Ano kala mo sa sarili mo Hero? "

"Hindi. Tinatama ko lang ang mga sinasabi mo. Kaya tumahimik ka jan kung ayaw mong itapon kita sa labas ng bahay niyo! " seryoso kong sabi.

"Tss. Baka nakakalimutan mong bahay namin ito? " tinignan ko siya ng masamang masama. Dahil naiinis na ako. At alam niya yun dahil lumalabas na ang expression sa mukha ko.

"Pwedi ba,  magbasa ka nalang din ng libro!!?"

"Tss. Alam ko na lahat ng nasa libro." Mayabang na pagkasabi niya.

"Pwes magbasa ka ulit! Wag ka ng mangulit. Kung gusto mo kulitin mo na din si kim! " inis kong sabi pero napatahimik ako ng marealize ko ang huling sinabi ko. What the!!! Bakit yun lumabas sa bibig ko???  Tumingin ako kay Alexander at nakangisi na ito.

"Hahahaha babe,  nagseselos kaba? " what? Nagseselos? Ano bang sinasabi niya.

"Ano bang sinasabi mo? Mukha kang baliw diyan! " tumayo ako pero hinila ako nito paupo. Arrghhhh

"Umamin kana kasi. Bakit sinasali mo siya sa usapan?" Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam bakit ko siya nabanggit." Mahinang sabi ko pero laking gulat ko na niyakap ako nito. Wahhhhhhhhh Maluwag ang pagkayakap nito. Napalunok ako ng ilang beses. Damn! Lovelyn pigilan mo ang sarili mo.

"Gusto kita." Mahina nitong sabi. Mahina pero dinig na dinig ko. Ano bang sinasabi niya? Napapikit ako ng maamoy ko ang pabango niya. Yung amoy ng scent niya hindi nakakasawang simutin.

"Gusto kita. Hindi ko alam bakit ko to nararamdaman."patuloy nito. Minulat ko ang mata ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Alexander." Sabi ko pero hinigpitan nito ang yakap sa akin. Bakit? Bakit niya ako nagustuhan? Bakit ako pa?

"Tell me. Gusto mo rin ba ako?" Gusto ko ba talaga siya? Kasi iba ang gusto sa mahal eh. Aaminin ko na mahal ko siya. Pero hindi ko lang pinapahalata dahil alam kong ako rin ang masasaktan. Ako ang iiyak sa huli. Paano ko nga ba siya minahal?  Dahil sa ang ambait nito at mapagtanggol. Masasabi kong mahal ko na siya dahil iba ang pakiramdam ko pag siya lagi ang kasama ko.

"Babe." Heto na naman yung tawag niya sa akin. "Gusto mo rin ba ako? " paulit nito. Bahagya akong tumango. Susubukan kung umamin para atleast malalaman ko ang totoong nararamdaman nito.

"Tell me."

"Oo. Gusto kita." Mahinang sabi ko. Bigla itong kumalas sa pagkayap sa akin at humarap sa akin ng nakangisi.

"Really? Gusto mo din ako?" Napatango ako ng wala sa minuto dahil sa ambilis nitong magsalita. Bigla naman siyang tumayo. Anong ginagawa niya. Lumabas naman si kiero at tobi sa guest room at takbo takbong pumunta si Alexander sa kanila. Ano bang ginagawa niya?

"Bro!!!! Gusto niya din ako! Haha gusto niya din ako!!! " sigaw nito habang niyuyog yog ang kaibigan niya. Hala anong problema niya?

"Gusto niya ako bro!!!"

"Bro ano ba! Nahihilo kami,  pwedi ba! Bitawan mo muna kami! " sabi ni kiero. Natawa naman ako dahil nakakahilo nga ang ganon na sitwasyon. Huminto naman si Alexander sa pag yug yug sa kanila.

"Woo!!  Gravi bro! Nahilo ako."sabi ni kiero.

"Sorry bro masaya lang hahaha" tawa ni alexander. Tinignan ko lang sila.

"Masayang masaya ah. Bakit sinagot ka na ba? " natawa naman ako sa sinabi ni tobi ang hilig niya talagang mambara. Bigla nalang humarap sa akin si alexander at lumapit.

"Babe sinagot mo na ba ako? " nagulat naman ako sa sagot nito. Ano ba ang nakain nito? At parang hindi niya alam ang sinasabi niya.

"Babe sagutin moko." Sabi nito.

"Paano kita sasaguti  kung hindi ka naman nanligaw? Loko kaba? " inis kong sabi. Para siyang baliw! Napasimangot naman siya.

"Hahahahahahahahaha!" Hagalpak na tawa ni tobi at kiero. Kahit ako ay nadala sa tawa nila. Masyadong malakad ang tawa nila.

"Both of you shut up!!!!!!!!! " sigaw ni alexander kaya pati ako napatahimik sa sigaw nito.

"Kailangan pa bang manligaw? " tanong sa akin ni Alexander. Aba bakit niya ako tinatanong ng ganiyan? Eh hindi ko naman alam yan.

"Bakit moko tinatanong ng ganiyan? Loko kaba? " sabi ko pero umupo ito sa tabi ko.

"Babe! Sagutin mo nalang kasi ako.!"

"Paano nga kita sasagutin kung hindi ka naman nanligaw! "

"Sagutin mo na nga kasi ako."

"Sinagot na kita alexander. Sinagot ko na ang mga tanong mo. Kaya pwedi ba." Tumayo ako at tinignan siya. "Matulog kana dahil may klase pa bukas! " sabi ko. 

"Alam mo bro, ikaw ang dumeskarte diyan. Hindi mo dapat pinipilit ang babae na sagutin ka." Sabi ni tobi saka umupo sila.

"Oo na! Palibhasa ang dami mong babae !" Sigaw sa kanya ni Alexander. Nagulat naman ako si tobi? Ang daming babae? 😂

"At ikaw kiero! " turo sa kanya ni alexander.nagulat naman ito.

"Bakit bro? "

"Diba marunong kang manligaw?  Turuan moko! " natawa ako sa sinabi ni alexander. Nakakatawa siya. Loko.

"Matutulog na ako. Mauna na ako sa inyo. " paalam ko saka tumalikod.

"Babe! " napahinto naman ako. Ito na naman yung bilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit? "

"Wala bang goodnight kiss diyan? " nagulat ako. Taena ang landi niya. Nakanguso pa siya.

"He! Ang manyakis mo talaga! " inis kong sabi saka padabog na naglakad sa kwarto pero bago ko pa maisara yun narinig ko ang huling sinabi ni Alexander.

"Matulog ka ng masarap babe ha! Kita tayo sa panaginip! " napailing ako habang napangiti. Loko talaga..

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon