DIAMOND 23: DREAM

468 20 1
                                    

LOVELYN POV.

"BABE! BABE! Gising! Babe! " napabalikwas ako ng bangon ng marining ko ang boses ni Alexander. Wahhhhhhh nakakainis siya. Nambubulabog pa ng tulog. Grrrrrr.

"Ano ba! Ang aga aga pa nanggigising kana! Alas mo bang madaling araw pa?! " singhal ko sa kanya pero nakangiti lang ito. Grrrrrrrr ayaw na ayaw ko ay ginigising ako matulog!!

"Goodmorning babe, breakfast is ready. Kain tayo." Anong problema ng loko nato at bumait?

"Hindi na ikaw nalang muna. Inaantok pa talaga ako eh." Sabi ko

"Ganun ba sayang,"

"Matulog muna ako salamat. " sabi ko saka sinarado ang pintoan at natulog ulit.

*tok tok tok*

Ano bayan! Sabi kong matutulog pa ako eh.

*tok tok tok*

Inis akong bumangon ulit at binuksan ang pintoan.

"Kim?" Nagulat ako ng siya ang kumatok. Wait anong ginagawa niya dito? Nakatingin itong nakangisi sa akin. Bigla namang nanindig ang mga balahibo ko.

"Hello my dear. I miss you." Sabi nito. Nakakalikabot ang boses niya para siyang demonyo.

"Anong ginagawa mo rito?! " sigaw ko. Napatingin ako sa sahig ng may mga dugo noon. At napatingin naman ako sa hagdanan.

"Alexander? " puno siya ng dugo at hindi gumagalaw. Oh my god.

"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Inagaw mo siya sa akin. Kaya isusunod nalang din kita." Sigaw niya. Nabigla ako ng bigla niya akong saksakin.

"Good bye dear." Kinuha niya bigla ang kutsilyo na nakatarik sa tiyan ko at binaril ako.

*bang*

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

"Babe! Gising?!" Minulat ko ang mata ko. Damn!  Shit! Isang panaginip! Nakakalikabot! Napatingin ako sa nag gising sa akin. Alexander.

"Alexander?! "Bigla ko siyang niyakap. Natatakot ako. Bakit ganun ang panaginip ko? Ano ang ibig sabihin nun?

"Anong nangyari sayo babe? Pinuntahan na kita dito. Dahil paglabas ko ng kwarto ko. Nadidinig ko yung sigaw mo. Nananiginip kaba? " hindi ako sumagot at niyakap nalang siya.

"Please. Wag mo akong iwan." Hindi ko alam bakit ko yun nasabi. Siguro ay sa sobrang takot. Kumalas ako sa pagkayakap sa kanya. At tinignan niya ako na nakangisi. Ano na naman ba tong naisip ng loko nato?

"Hindi naman kita iiwan babe eh, maligo kana. Umaga na kasi. Hihintayin kita sa kusina." Sabi nito. Tumango ako at tumayo na. Lumabas na siya at napatingin ako ulit sa pintoa. Diyan diyan banda nayan. Tumayo si kim. Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko.

NATAPOS na akong maligo kaya bumaba na ako sa kwarto. Dumeretso ka agad ako sa kusina. Nandon na silang lahat naka uniform na.

"Good morning bes. Bat parang hindi maganda ang mood mo? " umupo ako sa tabi ni princess.

"Wala to. Ganito lang talaga ako."

"Okay ka lang lovelyn? " ngumiti naman ako kay tobi.

"Oo naman. Tara kain na tayo" sabi ko saka kumain na. Napatingin ako kay alexander at nakakunot ang noo nito habang kumakain. Hindi ko nalang ito binigyan ng pansin at kumain nalang.

"Bro kiero,  sayo na sasabay si princess. Sosoluhin ko muna si Lovelyn."

"Yiieeee ikaw kuya ha. Wag mo munang pilitin si lovelyn isuko ang bataan niya." Loka talaga tong babae nato.

"Ano bang sinasabi mo diyan. Sumakay ka na kaya doon bilis." Haha magkambal nga talaga.

"Pasok na babe" tumango ako at pumasok na sa front seat. Masyado na siyang gentleman ngayon araw. Hmmmmm Pinaandar niya na ang kotse at umalis na. Tahimik ang biyahe namin. Parang isa sa amin ayaw magsalita.

"Babe? " napatingin ako kay Alexander

"Bakit? "

"Okey ka lang ba? "Iniwas ko ang paningin ko at binaling sa daanan. Hindi ako okey kung tuusin dahil sa panaginip ko. Bakit nandun si Kim?  Bakit ganun ang panaginip ko? Bakit?

"Babe? "

"Oo okey lang ako." Narinig ko naman ang buntong hininga nito.

"Nanaginip kaba? " bakit niya ba tinatanong?

"Masyado ka ng interesado sa galaw ko Alexander. Yan na ba ang epekto ng pagkagusto mo sa akin? " pag iiba ko sa usapan. Pero nakangisi akong nakaharap sa tinatahak namin.

"Tss. Wag kang mayabang Babe,"

"Hindi ako mayabang sadyang maswerte lang talaga ako dahil nag kagusto sa akin" mahabang lintaya ko.

"Hahaha hindi ko nga alam eh bakit,  baka ginayuma mo ako. " inis ko siyang tinignan loko to ah!

"Loko ka ah! Anong akala mo sa akin? Mang gagayuma? "

"Hindi naman babe, ipapatingin natin yang mata mo para hindi ka na magsasalamin." Sinabi ba ni princess sa kanya na nanlalabo ang mata ko?

"Nandito na tayo." Sabi niya. Kaya lumabas na ako. Napatingin naman sa akin ang mga studyante. Hayssss palagi nalang.

'Look magkasama naman sila'

'Ewww hindi na talaga nahiya ang nerd nayan'

'Oo nga'

Hindi ko nalang sila pinansin at at naglakad nalang. Sumabay naman sa akin si princess. Alam kong nasa likod sila Alexander

"Wahhhhh nandiyan na sila!"

"Tobi pleasee marry meee"

"Kieroo oh my gossh ang gwapooo niya talagaaa"

"Mas gwapo si alexander be wahhh daddy alexanderrr anakan mo na ako!!! "

Napanhinto ako maglakad ng marinig ko yun. Daddy? Anakan? What the!!  Naririnig niya ba ang sinasabi niya??

"Bakit babe? May problema ba? "

'Oh my gossh babe daw'

'Totoo ngang sila naa'

'Ang swerte ni nerd'

'For sure pera lang ag habol niyan'

'Yeah'

"Anakan mo daw sila alexander." Natatawa kong sabi at naglakad ulit.

"Tss wala akong paki alam sa kanila. Ikae ang gusto ko."

"Ilang ulit mo nayang sinasabi sa akin alexander. Nakakasawa."

"Pwes ako hindi ako magsasawang sabihin sayo yun! " napasigaw pa siya kaya natawa nalang kami.

"Babe ano ba! " napahinto ako ng harangan niya ako. Ano ba ang ininom na gamot ni alexander ngayon at nagkakaganito siya?

"Babe ikaw ang gusto ko."

"Hahahaha bro. Ilang ulit mo nayan sinabi ngayon araw ah" pabiro ni kiero.

"Psh! Tumahimik ka! Iba ang sinasabi ko! " napakunot noo namn kami.

"Eh ano? " tanong ko. Lumapit naman siya sa akin ng bahagya kaya nagulat ako.

"Ikaw ang gusto kong anakan. " hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Gago to! Wahhhhhhhhhhhhh anddwaeeeeeeee!!!! 

"Loko ka ah.!" Sabi ko saka sinuntok siya sa dibdib.

"Ouch! Ganito kaba manakit babe? Pati puso ko sasaktan mo? " what the hell!!

"Yuck bro nakakadiri ka"

"Hahahaha" tumawa nalang kami at pumasok na sa room.

AUTHORITIES NOTE 📝📝📝📝📝

ANO NATAKOT NABA KAYO? HAHAHAHA

SEEING YOU ( MY HOTTEST BILLIONAIRE HUSBAND SEASON 2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon