" Guys, I would like you to meet someone. " nakangiting sabi ni Ice. Nasa isang seafood restaurant sila ngayon na pinili ng kanilang mga manager. Kani-kanina lang, habang nakapila sina Clara at Ice sa isang food stall ay nakita ni Ice ang kanyang kababata na si Rin. " This is Rin. "
" Wow~ " napatulala si Nawah.
" Hi, Rin! " bati nilang lahat.
" Hello sa inyong lahat. " ngumiti si Rin at nagwave.
" Rin, meet everyone." tumingin si Ice sa kanya at isa-isa silang pinakilala. Kada pakilala naman ni Ice ay kinakamayan ito ni Rin. " She's my childhood friend. "
" Why don't you join us? " anyaya ni Sr. Sam. Magpo-protesta sana si Clara kaso tinignan siya ng masama ni Ms. Malou. Tinabihan na lang siya ni Drew at tinapik-tapik ang balikat. Alam niya kung ano ang nararamdaman ng kaibigan, na mula pa noong nagkita-kita silang lahat at kasama ni Ice si Rin ay parang pinaglihi sa sama ng loob ang ekspresyon.
" Nakakahiya naman po. "
" Hindi, ano ka ba. " nakangiting sagot ni Ice.
" Yes, there's no need to be shy. You're a friend of Ice, it means you're a friend too. " nakangiting sagot ni Sr. Sam. Umusod sa kanyang tabi si Ms. Malou, at parang iba ang ekspresyon nito sa kanyang mukha.
" That is right, kaya halika na. " at umupo na sila sa isang malaking bilog na lamesa. Si Rin ay umupo sa kaliwa ni Ice at si Clara naman ay padabog na umupo sa kanan ni Ice. Tumingin si Ice kay Clara at pabulong na sinabi, " Bakit? "
Tumingin si Clara sa binata at umiling. " Wala. "
" So, what do you want to eat? " tanong ni Sr. Sam nang buksan ang menu na inabot ng waiter.
" Masarap yung lobster dito. " suggest ni Ice.
" Lobster it is. " sagot ni Sr. Sam. " Ano pa? "
" Calamares. " suggest ni Rin. At ng nagtinginan sa kanya ang mga kaibigan ni Ice ay napatakip ito ng bibig. " Sorry. "
" No no no, don't be. " ngumiti si Sr. Sam kay Rin, bago tumingin sa waiter. " Four servings of calamares. "
" Veggies? We should have veggies. " sabi ni Ms. Malou na tumitingin din sa menu na hawak ni Sr. Sam.
" Ginataang pinakbet? Is that all right with you, guys? "
" Go lang, sir. " sagot ni Drew. At sinabi yun ni Sr Sam sa waiter. Umalis na ito. Ilang sandali lang ay dumating na ang kanilang drinks na four seasons na juice.
" What's calamares? " tanong ni Teen. Tumawa si Nawah kaya tinignan siya ng masama ng babae.
" Fried squid dipped in batter. " sagot ng binata.
" Sounds good. "
" It is indeed good. " sagot ni Rin, at nang nagtinginan na naman ang lahat sa kanya ay napa-sorry na naman siya.
" Paborito mo pa rin pala ang calamares? " natatawang tanong ni Ice at nahihiyang tumango si Rin. " Nung bata pa kame, tuwing naga-outing ang pamilya namin ay dito kami laging kumakain. At dahil paborito nga niya ang calamares, hindi yun nawawala sa lamesa. "
Namula naman si Rin.
" So, Rin. " tanong ni Ms Malou habang ibinababa ang baso na pinag-inuman nito. " What brings you here? "
BINABASA MO ANG
Dancing Machines
Ficção AdolescenteParadise Falls Series #1 --- "Many people want you." "But I only want you." --- Cover made by @withlove-haydi