Jerome's PO'V
Matagal ko ng hinahanap ang ig account ni sarah, hindi na kase namin sya nakausap simula nung gumraduate kami sa college. Nakakalungkot lang kase hindi ko manlang nasabi ang nararamdaman ko para kay sarah bago sya umalis matagal nakong may gusto kay Sarah since first year college palang nagustuhan kona sya. Hindi naman kase mahirap magustuhan si Sarah ea napakabait nya at napakaganda feeling ko mahal kona sya ay hindi pala mahal kona pala sya noon pa. Nasasaktan ako pagnakikita ko syang umiiyak dahil sa panloloko ng mga naging bf nya, nagagalit ako sa sarili ko kung bakit hindi ko maamin sa kanya yung nararamdaman ko. Tandang tanda kopa non nung una ko syang makita, first day of class non tapos late syang dumating ea medyo terror pa naman yung teacher namin non buti nalang kakaumpisa palang ng klase kaya pinagbigyan sya.
Sarah: Good morning ma'am, sorry I'm late...
Ms. Pablo: Good morning too, why are you late Ms.?
Sarah: ah Sarah po Sarah Garcia. Natraffic po kase ako sa daan ma'am pero promise ma'am hindi napo ito mauulit.
Ms. Pablo: Okay Ms. Garcia I accept your reason. You may now take your sit.
Sarah: Thankyou ma'am.
Naghanap naman ito ng bakanteng upuan sakto namang walang nakaupo sa tabi ng upuan ko, ah Ms. Dito na nalang pag aaya ko dito wala narin ibang bakante ea dagdag kopa. Naupo naman sya at nagpasalamat sakin. Mas maganda pala sya tignan sa malapitan, ang amo pa ng boses nya. Simula non ay lagi na kaming magkatabi naging close kami lalo sa isat isa marami rin syang nakwento about sa buhay nya at ganon din ako. Gustong gusto ko sya titigan pagnagkwekwento sya sakin ewan koba tinamaan namo sa kanya nalove at first sight ako kay Sarah, gustong gusto ko syang iniinis ang cute nya kasing tignan pagnagsusungit sya. Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko yon. Mas lalong sumaya ang friendship namin nung dumating si yana bagong lipat sya sa school namin non kaya wala pa syang kilala, nagtitigan naman kami ni sarah at sabay na lumapit sa kanya.
Sarah: Hi, my name is sarah garcia and you are? Paguumpisa nito..
Yana: ah, I-im yana, Yana Fuentes.. na halatang nagulat sa pagsulpot ni sarah
Me: And I'm Jerome, Jerome Ramos.. pagpapakilala ko
Sarah: Pwede kaba naming maging friends? Masayang alok nito
Yana: Yes, sure friends..
Me: Yun oh nadagdagan na tayo ng isa sarah
Simula non lagi na kaming magkakasamang tatlo, naging solid ang pagkakaibigan naming tatlo. Habang tumatagal mas lalo kong minamahal si sarah patago akong nasasaktan kapag masaya nitong binabalita samin na may bf na sya pinipilit ko nalang maging masaya kahit na alam kong nasasaktan ako. Kinausap naman ako ni yana may gusto lang daw syang tanungin sakin at gusto nyang sagutin ko yon ng makatotohanan.
Jerome tapatin mo nga ako, may gusto kaba kay sarah? Deretsong sabi nito
Natahimik ako, nahalata nya ba? Ganon naba ako kaobvious? Wa-wala no ano kaba kaibigan natin si Sarah pano mo naman nasabi na may gusto ako sa kanya? Pagsisinungaling ko.
Lokohin muna lahat wag lang ako jerome ramos, matagal na kitang pinagmamasdan simula palang may hinala nako na may gusto ka kay Sarah. Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo sya kamahal at pinapahalagahan, nakikita ko rin kung pano ka masaktan kapag may nanliligaw at nagiging bf si sarah kaya dimo na maitatago sakin yang nararamdaman mo.
Natahimik ako, siguro nga maitatago ko kay sarah yung nararamdaman ko pero kay yana alam kong hindi na. Oo tama ka, may gusto ako kay sarah, mahal kona sya. Inamin kona kay yana ayaw ko ng magsinungaling pa sa kanya, Isa pa kaibigan ko rin sya kaya may karapatan syang malaman yon. Pero sana yana satin nalang dalawa to, ayokong layuan ako ni Sarah ayokong masira ang pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa nararamdaman ko. Nakiusap ako sa kanya na ilihim nalang yon para manatili kami sa dati. Pumayag naman sya at sinabing itext o kaya naman ichat ko lang sya pagnasasaktan ako kay Sarah. Umoo naman ako, hindi kami nagkamali sa pagpili kay yana mapagkakatiwalaan sya, totoo rin syang kaibigan. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagpaalam na.
BINABASA MO ANG
Unconditional love
FanficGaano ka katapang para ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang salitang mahal kita? Hindi man tama sa mata ng iba ang pinili nating mahalin, mas pipiliin ko nang maging mali sa mata nila kesa gawin ang tama pero hindi...