One
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
Warning
There are some places that Don't /doesn't exist in real life and I'm sorry if there are wrong punctuations, grammars or mispelled or I mean incorrect and grammatical error I'm not perfect huehue :(
❤️
"Ang talino mo talaga Ms. Taal congratulations with highest honor ka nanaman!" Tuwang tuwa na sabi ng guro ko at inaayos ang lagayan ng card ko kasama ang mga sertipikong pinaghirapan ko
Agad agad ko iyong tinanggap at hinigpitan ang hawak sa card ko feeling ko ay isa itong ginto.
May maipapagmamalaki nanaman ako!
Labis ang saya na nararamdaman ko habang tinitignan itong mabuti habang naglalakad sa hallway ng publikong paaralAng pinapasukan ko
"Harlia Josefa D. Taal!! Congrats!!"
Nakangiti akong lumingon sa sumigaw ng aking pangalan.
Kilalang kilala ko ang boses na iyon
Kumaway ako sa kanya kaya huminto ito sa paglalakad at kumaway din pabalik saka tumakbo at yumakap sa akin.
"Ehem! Kilala mo pa ba ako Harlia ha??!" Sigaw niya sa akin habang nakayakap sa baywang ko
"Aba! Syempre ikaw pa ba Ms. Liziana Del Franco na with high honors din? Congrats HAHA!"
"Ahhh besssyyy!!! At dahil diyan sa tambayan tayo magpapArty!!"
Kahit yakap yakap niya ako ay nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad imbes na umuwi na agad ay dumaan lang kami sa kanya kanyang bahay at nagkita sa kanto.
Nagpalit lang ako ng pang itaas at kinuha ang ipon ko nahihiya kasi akong humingi sakto pang nag uusap ang magulang ko about sa utang
"Liz!" Tawag ko sa kaibigan kong nakatingin sa isang papalayong kotse
Nakasuot siya ng dilaw na dress na may manggas At naka tsinelas samantalang ako ay naka simpleng lumang dress na sleeve may baon naman akong mga damit at shorts kaya ayos lang. Ng makita niya ako ay agad siyang tumakbo papunta sa akin at kumapit sa braso ko
Kinukwentuhan niya ako ang sabi niya ay proud na proud daw ang nanay at tatay niya kaya mamayang hapon ay may pa-pansit sakto lang sa pag uwi kakain kaming muli
Magsu-swimming pala kami sa may ilog nilalakad lang namin ang pagpunta doon, kahit mataas ang tirik ng araw mahangin naman kaya ayos lang sanay na ang aming mga balat dahil dito kami lumaki
BINABASA MO ANG
Spectacular View in Taal #1
RomanceWhere do you want to go this summer June twenty first