E P I L O G U E

430 20 5
                                    

Tine's POV

          "Are you ready?" sarawat asked me. Tumango nalang ako sa sinabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. Magkasabay kaming pumasok sa eskwelahan na pareho naming pinapasukan. 5 months na rin ang nakalipas simula nung recognition at ang mga bagay na nangyari sa aming dalawa. Ngayon, August 5. New day. New memories to come.

          Ang lungkot lang dahil hindi na dito mag-aaral si Josh at si Kent naman ay sasama sa kanila. But I'm happy for them. Kamusta na kaya sila? Maybe they're very happy right now. Wala na akong masyadong balita sa kanila since nung after recognition dahil yun din pala ang araw ang flight nila papuntang States.

          Si Christine naman ay masaya na rin sa pinapasukang eskwelahan sa manila, ang yaman nga niya ee. May de lazalle pang nalaman. Balita ko sa kanya ay top students siya roon at nagkakadarampa ang mga lalaki sa kakahabol sa kanya pero sinabi niya sa akin na academics muna ang uunahin niya. Ee kaso medyo marupok din si Christine, nakilala niya roon si Philip. Ayun nagkalovelife ang gaga.

          Si Amalia naman ay naging sikat na model after makita ang pagmomodel niya sa magazine nila Sarawat. Kaya maraming kompanya ang kumukuha sa kanya kaya medyo busy siya ngayon at wala na siyang time para bisitahin kami rito.

          Kung tinatanong niyo kung magkasama pa rin kami ni Sarawat sa iisang apartment. Well, No. Hindi na kami nakatira roon dahil binenta na ni Nanay Glenn ang apartment dahil lilipad siya papuntang Malaysia. Oh diba! Buti nga siya may pa Malaysia, malaysia pa. Pero hindi naman kami papayag ni Sarawat na magkalayo pa kaya. Umupa kami ulit sa isang apartment. Maganda ang apartment din iyon kaso puro boys lang doon. Bawat isang palapag, may sampung kwarto ang meron doon. At sa bawat kwartong nandoon ay may dalawang magkaroommate. Isa na roon kami ni Sarawat.

          Biglang nagring naman ang bell habang naglalakad kami ni Sarawat. At bigla ko ring naramdaman na naghiwalay ang pagkakatali ko sa sintas ko kaya pinatigil ko muna ang paglalakad namin. Gusto na sana ni Sarawat na siya na ang tumali ng sintas ko kaso pinatigil ko siya dahil simpleng bagay lang naman yun. Habang nagtatali ako, may taong sumulpot sa harapan ko. "Hey! Kailangan mo ng tulong?" he said. Naalala ko bigla sa boses niya ang boses ni Josh nung unang pagkikita namin sa terminal. Bumilis ang tibok ko sa narinig. Dahil sa kaba, dahan-dahan kong tinaas ang tingin mula sa kanyang sapatos hanggang sa kanyang mukha. Laking gulat ko na si Josh pala ang nakatayo at pawang nginingitian niya ako. Teka akala ko ba sa states na sila mag-aaral. Tumayo agad ako sa kanya. Nagulat din ako dahil sa likod pala niya ay naroon sila Amalia, Christine, Kent, Mil at Phukong. Sobrang saya ko ngayon dahil nanditi sila pero bakit.

          "Kung tinatanong mo sa isipan mo na kung bakit nandito kami? Simple lang! Dito ulit kami mag-aaral" paliwanag ni Josh at kumaway sila sa akin habang nginingitian ako. Tumingin ako kay Sarawat na base sa kanyang mukha ee alam niya na dito sila mag-aaral. Teka, naambush ba ako? Binigyan ko siya ng masamang tingin at napataas nalang siya ng balikat.

          "Oh tara na. Malalate na tayo!" aya ni kent at nagsimula na silang pitong lumakad, naiwan ako saglit habang tinitignan silang naglalakad habang nag-aasaran, nag-haharutan at nagtatawanan sila. Magiging masaya siguro ang pagiging Grade 12 namin ngayon. Maya-maya pa ay napansin ako ni Sarawat na hindi sumasabay sa kanila kaya lumingon ito at binigyan niya  ako ng kaway na nagsasabing tara-na.

          Kaya ayun. Dali-dali akong tumakbo sa kanila at sumabay. Hayssss. Buhay Senior highschooler. This year is gonna be fun. I bet.

~The End~

🎉 Tapos mo nang basahin ang #2gether (Roommate Edition) [Completed] ✔ 🎉
#2gether (Roommate Edition) [Completed] ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon