Chapter 27
Saan ba tayo pupunta?" Tanong ng prinsipe pagkasakay sa aming sinasakyan .
Kahoy ito na tila hawig sa isang kalesa ,ang pinagkaibahan lang ay hindu ito hinihila bagkus ay binubuhat ito ng mga lalaki .
Naawa ako sa kanila lalo ng makita ko ang hirap at pagod sa kanilang mga mukha ngunit ganoon daw talaga .
Sa bahay ng pamilya ko kamahalan" sagot ko sa kanya .tumango lamang sya sa akin .
Habang nandito tayo ,wag mo muna akong tawagin na kamahalan "
Napalingon ako dahil sa sinabi nya .
Bakit?" Takang tanong ko .
Para hindi ako makilala ng iba ,hindi mo naman gustong makaabot to sa emperor hindi ba?" Mabilis akong tumango sa kanya .tama sya .maa mabuti nga kung ganon .
So ano ang itatawag ko sa inyo kamahalan?"
Junye nalang " napalabi ako sa sagot nya .ang pormal! Ngunit sumangayon nalang ako .
Wow"asal ko . kuminang ang mata ko sa ganda ng paligid .
Nakakamangha! At kakaiba!
Ang ganda naman dito kamahal- ay junye pala" mahina akong bumungisngis dahil sa aking mumunting pagkakamali .
ngayon kalang ba nakapunta rito ?" Taka nitong tanong .nakakunot narin ang kanyang noo.
Uhmm Parang ganon na nga "
huh? Hindi kita maintindihan" salubong ang kilay na anas nya .
Hindi ba katulong ka?" tumango ako .
kamah- " tinitigan nya ako ng mariin dahil sa pagkakamali kung muli .tumikhim ako .
I mean junye ,nawala nga po kasi ang alaala ko kaya hindi ko matandaan ang mga nangyari sa aking nakaraan ,lahat ng nararanasan ko ay tila bago sa aking paningin" pagpapaliwanag ko sa kanya .Anong nangyari? Masyado bang malala ang nangyari sa iyo na naging dahilan ng pagkawala ng iyong ala ala?" Kuryoso nitong tanong .
Hay nako junye ,wag na nating pagusapan kung ano ang nangyari ,at tyaka nasabi ko na ito sayo hindi ba? ,samahan mo nalang akong mag libot bago pumunta sa aking magulang ok? " nginitian ko sya ng matamis .
Talo syang tumango .
Muli akong ngumiti .
Tara!" Masayang aya ko sa kanya sabay hawak sa kanyang mga kamay upang hatakin sya .
Junye look, ang ganda! " turo ko sa hairpin na paninda .kumislap ang aking mga mata sa magandang disenyo na aking nakita !
Hey junye ayos kalang ba ? Bat ka tulala?" Humarap ako sa kanya ng mapansing wala sya sa kanyang sarili .
Binitawan ko rin ang kanyang kamay at pinagmasdan sya .
Anong problema nito? Blangko ang kanyang mukha at nakatitig lamang sa kanyang mga kamay .
Uy ayos kalang? Bat ka namumula?!" Alala kong tanong ,sinipat ko ang kanyang noo upang tignan kung may sakit sya ngunit wala .
Kamahalan!" Ayos kalang ba? Bakit hindi mo ko sinasagot?!" May kalakasan kong bulong sa kanya .natatarantna ako! Halos dalawang minuto na syang tulala! At hindi manlang sya kumukurap!
Dont touch me" tinabig nya ang aking kamay .
Napahinga ako ng maluwag .ano bang nangyayari sa lalaking ito? Pinakatitigan ko sya .
Ayos ka lang ba kamahalan?" Muli kong tanong .namumula parin kasi ang kanyang mukha .
Oo ,and can you please stop staring at me? Nakakairita " inis na ani nito sabay iwas ng tingin sa akin .
Continuation
Nagkibit balikat ako sa sinabi nya at itinuon nalang ang pansin sa mga hairpin na nakalatag sa aking harapan .
Isa isa ko itong sinuri .iba - iba ang disenyo na naroon .mayroong mga bulaklak ,paruparo at marami pang iba .
Napangiti ako ng isang disenyo ang pumukaw sa aking pansin .
Bulaklak na lily ang nasa dulo nito at mayroong mga naka sukbit na dahon sa paligid( paki imagine nalang guys)simple lang ang itsura ngunit batid kong babagay ito sa akin .
Dahandahan ko itong kinuha at marahang isinuot sa aking ulo .
Ng matapos ay sinilip ko ang aking itsura sa salamin .napangiti ako sa nakita .Uy bagay ba?" Pagbaling ko sa prinsipe . nais kong malaman kung ano ang tingin nya .tinitigan nya ako ng sandali bago umiwas muli ng tingin .
Hindi ang panget mo" uminit ang dugo ko sa sinabi nya .tsk!muli kong tinignan ang aking mukha sa salamin .bagay naman ah? Sa inis ko ay padabog kong nilapag at ibinalik ang hairpin sa lalagyan at umismid sa kanya . nagulat ang tindera sa ginawa ko ngunit ngumiti lamang ito at ipinagsawalang bahala ang aking ginawa bagkus ay maa inalok nya pa ako ng kanyang paninda .wala naman kasi akong nasira .
Marami pa akong ibat ibang disenyo ,subukan mo iha"pagaalok nito sa akin .yumuko sya at naglabas ng kung ano sa isang supot .
maya maya pa ay
Inihilera nya ang ibat ibang palamuti sa buhok .na tila bihira lang kung ilabas . mas magaganda ang disenyo noon kesa sa una kong nakitangunit hindi ko iyon nagustuhan mas gusto ko ang una kong tinignan .
Ah hindi na po , naglilibot libot lang naman po kami at higit sa lahat hindi naman daw po bagay sa akin"pagtannggi ko at pagpaparinig ko narin sa tabi ko .
Mahinang natawa sa akin ang tindera
Ano ka ba naman iha , wag kang maniwala riyan sa nobyo mo at baka inaasar kalang nyan" natigilan ako sa sinabi nya .
What? No! Hindi ko po kasintahan ang lalaking ito" mabilis at malakas na dispensa ko sabay arte na tila nandidiri .
Dahil sa sigaw ko ay naagaw noon ang atensyon ng prinsipe .
bibilhin ko na po manang yung isinukat nya at baka may masabi pa tong babaeng ito " wika nito sabay tingin ng mariin sa akin .
Tumawa ang ginang sa sinabi nya .
Oh ito iho , ingatan mo ,ikaw narin ang maglagay sa buhok ng kasintahan mo ,at payo lang iwas iwasan mo ang pagsusungit at baka iwanan ka nyan ,maganda pa naman " ani ng tindera .
Subukan nya lang tsk" inis nitong saad sabay hablot sa nabili .
Huh? " naguguluhan kong ani .ano daw?
Pabalik balik ang tingin ko sa tindera at sa prinsipe .hindi ko maintindihan ang sinasabi nila .
Sige po ,mauna na kami" dugtong pa ng prinsipe .
Lumakad na sya at nilagpasan na ako . ako naman ay nanatiling nakatayo at pinoproseso ang mga sinabi nila .
Muli kong tinignan ang tindera .nagtatanong .makahulugan na ngiti lang ang isinagot nya sa akin .
...
End of chapter 27 .
thanks for reading !
YOU ARE READING
the prince baby
SonstigesThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...