chapter 33

112 3 0
                                    

Chapter 33

Unknown pov..

Bawal pong pumasok" mabilis na umarko at tumaas ang kilay ko dahil sa narinig .
Did he just stop me from entering?

Nasaan ang prinsipe?" Marahang tanong ko sa kanila .kahit na naainis ay hindi ako gagawa ng eksena .

Nagkatinginan ang dalawa , nangungusap ang kanilang mga mata .

Pabalinh baling ang tingin ko sa kanila .patuloy lang silang nagtititigan na tila kinakausap ang bawat isa .

Are they deaf?" Tanong ko sa sarili habang mariin ang pagkakatingin sa kanila .

Tumikhim ako para agawin ang kanilang atensyon .

Uh"

Ang sabi ko nasaan ang prinsipe?" Paguulit ko .

N-nasa loob po" aniya ng isa sa kanila .

Paraanin nyo ako at nais ko syang makausap" aniya ko pa .

Ahm ,pasensya na po ngunit hindi maari ang hinihiling nyo , mariing inutos sa amin ng prinsipe na huwag magpapasok ng kahit na sino" wika naman ng isa .

Kumunot ang noo ko  .bakit nya pinababantayan ang mansyon nya? May nangyari ba?

Umasim ang mukha ko ng may maalala.

Sinasabi mo bang isa ako sa kahit na sinong iyon?" May kalakasan kong angil sa kanya .how dare he! Isa lamang syang hamak na gwardiya rito! .

P-pasensya na p--, hindi mo ba ako kilala?" Pagputol ko sa sinasabi nya .

Napalunok sya sa tanong ko at unti unting tumango .

Ngumisi ako ng mapansin ang takot sa kanila .Dapat lang silang matakot sa akin dahil hindi ako basta basta binabangga .

Papasukin nyo n ba ako?" Nakangisi kong ani sa kanila .

Muli silang nagkatitigan .ilang sandali pa ay tumango sila sa isat isa .

P-pasok kayo" nauutal pa nitong ani .

Nakangisi akong naglakad patungo sa silid ng prinsipe ...

....

Xialin pov..

Marahan kong inayos ang strap ng aking bag na dala dala ko .

Natanggal kasi ang pagkakakabit nito kaya naman inayos ko .

Were here" napatingin ako sa labas ng karwaheng sinasakyan namin .

Tulad nga ng napagplanuhan ay maghahanap ako or should I say ay papasok kami sa trabaho .

naunang lumabas at bumaba ang prinsipe .

Nilahad nito ang kanyang kamay upang alalayan ako pababa ng karwahe .

Ngumiti ako sa pagkagentleman ng prinsipe .kahit na masungit sya at may ganon parin pala syang side .

Masasabi ko na maswerte ako ,bakit? Dahil ako lamang ang nakakakita ng totoong pagkatao ng prinsipe .

Hey tara na!" Napatigil ako sa pagiisip ng marinig ang sigaw ng prinsipe .

Nauna na kasi sya sa kainan na pagaaplayan namin .

Masaya akong sumunod sa kanya .

Pagpasok sa loob ay namangha agad ako sa nakita .

Maraming tao ang naroroon ,nagkakainan at nagkukwentuhan .

Ang iba naman ay nagiinuman .

Anong maipaglilingkod ko sa inyo binibini at ginoo?" Tanong ng lalaki ,pinasadahan nya kaming dalawa ng tingin.

maari ho bang magtanong?" Ako na ang nagsalita .tumango ang lalaki sa akin .

Maari ho ba kaming mag trabaho rito bilang tagaluto?" Agaran kong tanong sa kanya .wala ng paligoy ligoy at straight to the point .

Mahina itong natawa .

Pasensya na ngunit hindi ako naghahanap ng mga tagaluto ,dahil may tagaluto na ako na pinakamagaling sa lahat" proud nitong sabi .

Ngumuso ako at bahagyang nalungkot ,sayang naman .

Baka po maaring kunin nyo na kami, kailangan po kasi namin ng pera , masarap pong magluto itong kasama ko ,tiyak akong mas masarap pa syang magluto kesa sa tagalutong sinasabi mo" napatigalgal ako ng sumabat ang prinsipe .

Muling natawa ang lalaki .

Sya?" pagturo nito sa akin .
Mas masarap magluto sa tagaluto ko? Nagbibiro kaba?  Si jeng er ay ang pinakasikat at pinakamagaling na tagaluto rito sa ating lugar ,sya rin ang tagaluto ng empress dowager , kaya naman kung ako sa inyo ay umalis nalang kayo hindi na namin kailangan ng tagaluto " final nitong sabi .

Can you give-, " napatigil ako ng tumahimik sila , mahina akong napamura sa isip dahil sa wikang nagamit ko .shit lang talaga.

Mabilis akong tumikhim .

Ang ibig kong sabihin baka ho maaring bigyan nyo kami ng pagkakataon na hamunin ang sinasabi nyong jeng er kung sino ang mas masarap mag luto ,kapag natalo nya ako ay aalis na kami ngunit kapag nanalo ako ay hahayaan nyo kaming magtrabaho rito" aniya ko .

Tumawa ng malakas ang lalaki sa sinabi ko na tila ako ay nagbibiro .napatingin rin sa kaniya ang mga kumakain .

Ikaw? Haha Hahamunin haha si jeng er? Hahaha huwag munang ipahiya ang sarili mo" tumatawang ani nito .

Naginit ang ulo ko sa sinabi nya .

Anong kaguluhan ito?" Napatigil sa pagtawa ang lalaki .ako naman ay napalingon sa lalaking nagsalita .

.......

End putulin ko muna .thankyou for reading!

the prince babyWhere stories live. Discover now