Chapter 33.1
Mariin nya kaming tinignan , tinignan ko rin sya pabalik .
Ngunit hindi ko rin natagalan ay minabuti ko nalang tignan ang lalaking pinakikiusapan namin.Eto kasing dalawa na ito ay gustong pumasok rito ,sinabi ko na sa kanila na hindi tayo naghahanap ng tagaluto dahil nariyan ka naman na pinakamagaling sa lahat ang kaso ay ayaw nila ,mas magaling raw ang babaeng ito",tinuro nya ako ." at gusto ka raw nyang kalabanin" dugtong pa nito .
Natawa ng pagak ang lalaki .
Ikaw kakalabanin ako? Umuwi ka nalang binibini at baka mapahiya kapa" ani nito .
Hindi ako uuwi ,sigirado akong mas masarap akong magluto kesa sa iyo" aniya ko ng hindi tumitingin sa kanya .
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas at determinasyon ko para hamunin ang pinaka magaling na tagaluto rito sa kanilang imperyo .
Siguro ay dahil marami ang nasasarapan sa luto ko ,ngunit mananalo nga ba ako?
Mabilis kong inalis sa isip ang mga ideyang pumapasok sa aking isipan .
Para sa mga batang pinangakuan ko ay gagawin ko ang lahat kahit na imposible pa .
Higit sa lahat ay may tiwala ako sa aking sarili .isa akong henyo kaya naman kakayanin ko ang laban na ito ,kung papayag man ang lalaking ito .
May problema ka ba binibini at tila hindi ka makaharap sa akin? Masyado ba akong gwapo para magkaganyan ka?" Ani nito .
Ayos kalang ba?" Mabilis akong dinaluhan ng prinsipe ng umubo ako .
Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ng lalaking ito! .
Nang makabawi ay uminom ako ng tubig at pilit na humarap sa kanya .
Ngunit agad akong ngumiwi ng makitang muli ang nakakaumay nyang mukha .
mayroon kasi syang nunal na sing laki ng piso na tila garapata sa kanyang mukha ,maitim ang kanyang katawan at mabalahibo na makakapagpangiwi sa iyo . wala rin syang buhok na dumagdag pa sa kagaraan ng kanyang mukha .
Tumikhim ako at tumabingi ng kaunti para iwasan na tignan sya .
Magaling ka raw?" Tanong ko . tumango ito .
Then anong kinatatakot mo? " aniya ko pa .
Tumaas ang kilay nito sa sinabi ko .
Ako matatakot sa isang katulad mo?" Nakangising ani nya habang humahakbang papalapit sa akin .
kung hindi ka takot then labanan mo ako" mapanghamon na ani ko .pilit akong humarap sa kanya .
Sige,ngunit wag kang iiyak kapag napahiya ka!" Bulyaw nito sa akin .
Napangiwi ako at wala sa sariling naduwal , naamoy ko kasi ang kanyang pamatay na hininga .
Inalalayan ako ng prinsipe at tinulungan na kumalma .
sigurado kabang lalabana-" itinaas ko ang aking kamay at sumenyas sakanya na tumahimik na muna.
Hindi ko kaya ang baho ng kanyang hininga .baka kapag dinugutungan nya ay tuluyan akong himatayin .Bumulong ako sa prinsipe na bahagya akong ilayo ,agad naman itong sinunod ng prinsipe .
ng okay okay na ay muli akong sumenyas sa kanya na ipagpatuloy na ang pagsasalita .
Sigurado kabang lalabanan mo ako? " tanong niya ,tinaasan ko sya ng kilay at tumango .
Tila wala ka sa iyong sarili at tila may sakit ka " aniya na tila nagaalala .
Hindi naman ako magkakaganito kung hindi mabaho ang hininga mo ' aniya ko sa aking isipan .
Ngiti at iling lang ang iginawad ko sa kanya .
tumayo ako at nagsalita .
Huwag na nating patagalin ito ,gusto ko nang magsimulang magtrabaho- - ngunit mangyayari lang iyon kung mananalo ka sa akin ,ngunit panaginip mo nalamang ang mga iyon" pag putol nya sa aking sinabi.
Nginisihan ko nalamang sya .
Dahil pumayag ang aking tagaluto ay pinahihintulutan ko kayo , gagamitin nyo ang kusina nitong kainan para sa laban nyo ,ang laro ay magluto ng mga pagkain na kakaiba at bago , ang manghuhusga ay ang mga tao rito sa kainan ,kung sino ang mananalo ay sya ang magiging tagaluto rito" mahabang alintana nito .
Napangisi ako .
Pabor sa akin ang labang ito .
....
YOU ARE READING
the prince baby
AlteleThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...