Another semester just came up at nandirito ako ngayon kasama ni Yana sa North Carisson University. Sa totoo lang ay halos napag-isipan ko na bumalik na lang sa America sa sobrang gulo ng utak at nararamdaman ko ngayon pero may parte sa akin na pakiramdam ko ay hindi iyon tama, at dahil nasa dating katauhan na ako ay nagawa ko na rin kumustahin at i-video call ang parents ko pati na rin si kuya Vinz. I almost cried in front of the camera, they are usually the ones who knew every single bits of what is happening to me, but not this time.
Mahaba-habang diskusyunan ang naganap sa pagitan ng head ng school namin at sa akin dahil sa pangngalan ko. Yes, I am going to use my real name already ay napagtanto nila na same existing na ang name na iyon. I fought legally and privately at sa kabutihang palad ay nanalo ako at nacredit pa rin sa akin yung mga subjects na natapos ko.
Finally, I dont need to cover up. Masarap sa feeling pero alam kong hindi magiging ganuon kadali ang ibang bagay. I have to introduce myself again and this time ay wala nang pagbabalat kayo.
"Grabe, first day na first day pero ang dami nang students agad ha," mariing sabi ni Yana na akala mo ay pagod na agad.
"But still, no classes on the first week right? It's not a brand new year. Same pa rin iba nga lang ang semester, so technically ganun pa rin," tamad kong sabi.
Sa bawat paglakad namin ni Yana sa parehong campus na ito ay wala akong ginawa kundi ay igala ang aking paningin at nagbabasakali na mahagip nito si Ava pero mag-iisang oras na kaming katambay o pagala gala rito ay wala paring Ava ako na napapansin.
I sighed disappointedly.
Hindi rin namin kasama si Harvie ngayon dahil mula nang nagconfess ito sa akin ay iniwasan rin ako nito mula nuon kahit na ayaw ko naman na iwasan nya ako. Sabi ni Yana ay bigyan ko ng space si Harvie at babalik rin naman ito sa amin. We're still walking helplessly at kasabay nuon ay ang walang humpay na bulong ng papuri ang naririnig ko.
"Dude, see that girl? Damn gorgeous!"
"Oo nga, U wonder what is her name at saka dito na ba sya nagaaral?"
"Transferee daw yung girl na 'yun oh."
"I think I just bent girl. Shocks this is new."
"Pinsan daw 'yan ni Vion. No wonder. Kaya pala ang ganda ng lahi. Lahing Hot and yummy."
Those words I heard from a bunch of people felt like dejavu, and what the hell lang, pano nila nalaman na kunwari ay pinsan ako ng lalaking version na ako?
"Can you believe that, kailangan ko pang iintroduce ka ulit sa grupo, but this time ay bilang ikaw. Must be weird introducing you to those people na kilala mo na naman pero ayun nga lang ay 'di ka nila kilala," sambit ni Yana.
Totoo naman na kilala ko na sila at sila lang ang walang alam na ako pa rin ito. Of course, aside from my bestfriends and Ava, at dahil makikita ko sila ay kahit paano ay umaasa ako na makikita ko si Ava.
BINABASA MO ANG
What Happened to Vienne Heatherson (GirlxGirl)
General FictionVienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her life will literally change as soon as she wakes up on a guy's body. The worst part? Why did it happen...