14

45 27 0
                                    

Nakikita ko sa mukha niya ang pagkataranta.

Umupo siya. Ang lubid ay nasa gitna ng kanyang magkabilang hita.

"Subukan mong iakyat yung isa mong paa" sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa lubid.

"Damn it. Castillo isipin mo kung anong naghihintay sayo sa baba kaya please subukan mo." paki-usap niya.

Kung pwede lang sana gumamit ng kapangyarihan.

Sinubukan ko kahit sobrang hirap.

May pagkakataon na napapabitiw na ang kaliwang kamay ko.

Sa wakas ay naiakyat ko na nang maayos ang kaliwang paa ko.

"Good" sabi ni Revlyn. Nginitian niya ako kaya napa-iwas ako ng tingin.

"Now all we have to do is to crawl" utos niya.

Kaya gumapang kami. Nag-aala gagamba.

Nakakangalay!

"Thank God" sambit ko nang marating na namin ang kinalalagyan ng Pandora stone.

Kulay violet ito.

"You said that guguho ang Tianzia Mountain sa oras na kukunin natin ang bato na yan diba?"

Tumango naman siya.

"So ano yang ginagawa mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang lingunin niya ako.

"Hindi ba obvious?" sarkastiko niyang sagot. Dahan-dahan niyang inaabot ang bato.

"Yun na nga eh! Ikaw na nga mismo ang nagsabi. Eh bakit kukunin mo yan?" naiinis na ako sa kanya.

"Just trust me okay" sagot niya.

Pipigilan ko pa sana siya nang nakuha na niya ito.

Leche!

Parang naglilindol rito sa loob. At ang mga bato sa itaas ay nagsisibagsakan na rin.

"Pano tayo makakalabas rito?" sigaw ko sa kanya.

"Follow me" saad niya.

Tumatalon-talon siya sa mga tipak ng bato. Sinusundan ko lang siya.

"Pumasok tayo sa butas na yan." Sigaw niya habang tinuturo ang butas. Yun ata ang exit.

We gracefully dodge all the falling rocks.

Nang nasa bukana na kami palabas ay sumipol siya nang tatlong beses.

At sa isang iglap lang ay may sumalo na sa amin. Sobrang bilis ng lipad nito. Iniiwasan ang mga bundok na nagsibagsakan.

Ibinaba kami ng banshee sa malaking puno na umiilaw. Maraming nagliliparan na insekto.

Hindi masyadong maliwanag rito dahil sa mga nagtataasang puno. Kaya matutuklasan mo ang kagandahan rito.

Legendary Warriors: Thief of truthWhere stories live. Discover now