Palaboy-laboy si Rayver Dela Cruz sa loob ng Cross Art Academy. Maaga kasi siya dumating sa oras na pinag-usapan. Dahil doon naisipan niya na libutin muna ang loob ng akademya. Sa sobrang laki ng akademya, medyo naligaw si Rayver.
Bigla napatigil sa kalalakad si Rayver dahil sa mayroong nakakuha ng atensyon niya.
Sa hindi kalayunan, mayroon siyang nakitang isang babae. Napatitig siya. Kung susuriin mukhang magkasing-edad lang sila ni Rayver. Kulay sky-blue ang mga mata nito at mala-nyibe naman ang kulay ng balat niya. Medyo may kalakihan ang dibdib nito.
Hinihipan ng hangin ang pilak na buhok nito na humahaba hanggang baywang niya.
Kaakit-akit ang kagandahan nito, kahit si Rayver nabighani sa kagandahan ng babae sa unang tingin pa lang. Kakaiba ang presensya niya. Mukha siyang isang prinsesa kung pagmamasdan ng mabuti.
Napansin niya na parang may hinahanap ang babae. Pero umalis ito bigla halatang wala dito ang hinahanap niya.
"Ano kaya ang hinahanap niya?"
Pagkatapos nun ay naglakad ulit si Rayver papunta sa lugar kung saan naghihintay ang tao na nagpatawag sa kanya dito.
Tinitignan ni Rayver ang tanawin habang naglalakad, mapapansin ang kagandahan ng lugar na to. Mahirap sabihin na isa itong artipisyal na isla na nakalutang sa tubig, lalo na isa lang to sa parte ng isla ng Artiflis. Gayunpaman, mukhang malaking gastos nila para panatilihin itong lugar.
Napatingin si Rayver sa mga puno. May napansin siya na may nakasabit sa isa sa mga sanga ng puno.
Kinuha niya ito at tinignan. Ang nakuha niya ay isang puting scarf.
Kung susuriin mabuti, Mapapansin ang mga dumi at gusot sa mga parte ng scarf.
"Kanino naman kaya ito?"
Tinignan ni Rayver ang buong paligid niya, pero bigo siya makita ang may-ari nito. Bigla na lang niya naalala ang tungkol sa pilak na buhok na babae.
"Huwag mo sabihin sa akin na sa kanya ito?"
Dahil kung ganun, wala iba magagawa si Rayver kundi ibalik sa kanaya ito pero kung ibabalik niya ito sa kanya na ganito ang itsura ng scarf, mukhang malulungkot ito pagnakita niya. At saka hindi niya agad makikita ang babae kasi sa laki ng akademya, mababa ang chansa na makikita niya agad ang babae.
"Ibabalik ko na lang sa kanya ito bukas."
Bukas kasi ang araw ng unang pasukan ng mga estyudante dito sa Akademya. At ngayong araw, ang araw na mag-eenroll si Rayver sa akademya.
Tinupi niya mabuti ang scarf at saka niya nilagay sa bulsa ng unipormi niya.
Nakarating siya sa isang malaking pintuan, medyo nahirapan siya na hanapin ito dahil sa sobrang laki ng gusali. Matatagpuan ito sa pinakatuktok ng gusali kaya nahirapan si Rayver na hanapin ito. Pero ngayon nakatayo siya sa harap at handa na pumasok. Inayos niya ang sarili niya at kakatok sa pintuan.
Napatigil siya bigla nang makarinig siyang ingay sa loob. Nilapit niya ang tenga niya sa pintuan at pagkatapos.....
*****BANG*****
Bumukas ng malakas ang pintuan at tumama ang pisngi ni Rayver dahilan na napatumba siya sa lupa.
"Sino ka!"
May narinig siyang isang boses ng babae. Medyo halong galit ang boses nito.
Tinignan ni Rayver ang nasa harapan niya.
BINABASA MO ANG
City of Summoning Artiflis
Bilim Kurgu"Summoners" ang tawag sa mga taong kayang magpalabas ng sandata na tinatawag nilang "Creation Weapon". ---Si Raver De la Cruz ay kasama sa mga tinatawag nilang "Summoners". At tuwing taon nagkakaroon ng festival na tinatawag nilang "Summoning War Fe...