Katulad ng mga ibang guro,
Siguro hindi mo na ako tanda.
Pero tulad naman ng ibang estudyante dumaan na sa’yo,
hindi kita malilitumatan.
Hi Ma’am.
Sa galing mong mangbara,
Estudyante mo’y napapa nganga.
Napapakamot sa ulo nila,
Napapatawa sa mga reaksyon mong kakaiba.
Yan ka!
Ngatog na kami pag nabunot ang index card ng isa,
Pag tumaas ng kilay mo,
Senyales ng maling sagot ko
Tanggap namin ang iyong pagka prangka,
dahil isa itong katangian ng may idad na,
Ngunit ang mga reaksyon na iyong ginagawa ay hindi naaayon sa iyong tanda.
Yan ay kilos ng makalog na matalinong bata.
Tama sila.
Kalabaw nga lang ang tumatanda.
Sa aking mga ka batch ay walang nakapagpababa ng kilay mo
Oh! Mga ka batch ko,
Walang aangal dahil totoo.
Ngunit ang mga bagong saltang estudyante ito
Tila nagtatangkang makipag barahan sa iyo.
May taglay din silang pagkaprangka tulad mo
Ngunit kahit prangka sila
Mas tumataob pa rin sila sa’yo.
Ano mga bagong salta,
Sama kayo
Nganga tayo.
Habang inihahanda ko ang tulang ito,
Hihanda ko na din ang sarili ko sa mga pangbabara mo.
Pero isa lang ang masasabi ko
“Ma’am bati po ta’yo”