...Sabado na. Buti naman at least nakabreak mula kay Sam. Di ko kinaya ang nangyari!
*Lately I been, I been losing sleep. Dreaming about the things that we could be. But baby..*
Msg From: Chloe SC Pres
Message: Hi VP for Internal Affairs, Celest! I'm currently out of town for my OJT and so as Celine. I know she's the VP for External Affairs and she is suppose to take care of overseeing the support and cheering squad for the basketball team. I hope you can take oevr for her for today. Thanks much! You know the drill.
Shocks! I will see Sam and Seth. Akala ko makakabreak na ako from seeing them.
I hit reply.
Message To: Chloe SC Pres
Message: Sure thing, Chloe.
Message Sent.
Kaagad kong kinontak ang Sports and Athletics Committe head. Nagpabrief ako sa gagawin today. Madali lang naman pala eh. Sisiguraduhin lang na nakahanda ang mga balloons, noise makers, banners, confetti, snacks ng cheering squad at documentation. Nagligo at nagbihis na ako agad. Nagpadrive ako kay Mang Caloy ngayon.
Nang makarating ako sa campus, inabot agad sa akin ni Ces ang tiket ko para sa game. Bakit ko pa kailangan manood? Di naman siguro kailangan ang presence ko doon pero tuwing may inter-school sport events umaattend naman talaga ang SC President at VP for External Affairs ang problema wala sila. Hay! Naayos na namin lahat ng kailangang dalhin sa stadium. Nagpahatid na ako kay Mang Caloy sa stadium. Ang totoo niyan uanng beses ko pa lang manood ng basketball game na live. Sa nakaraang mga taon kahit ba may mga libre kaming tiket di ako nanonood. Mas gusto ko pang mag-aral o magbasa o kaya naman umattend ng mga outreach activities ng SC.
Nakapuwesto na ako. Hinihintay na lang magsimula ang game ng may pumukaw ng atensyon ko. Si ALEXIS! Tama si Alexis Bettina Tiu Samaniego. Ano ang ginagawa niya rito? Malapitan nga. "Huy!Anong ginagawa mo rito?" pangugulat ko kay Alex. "Ah!!!!Celest?" gulat na tanong niya. "Oo. Ang sabi ko aning ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Ah eh wa-wala naman. Nanonood lang. Gusto ko lang masubukan manood." kinakabahang sagot nito. "Eh ikaw?" bawi niyang tanong. "Ah OB for SC. Wala kasi si Pres at VP for EA kaya sa akin napataw ang responsibilidad." sagot ko. "Tabi na tayo ah." dagdag ko. Nakakapagtaka naman itong dakilang man-hater na ito oh. Siguradong gusto lang niya masubukan eh di naman siya risk taker. Ano kayang tinatago nitong si Alex?
(A/N: Baka lumalablyf?)
Nag-umpisa na ang laro at napansin kong hindi nagkakasabay ang usula first stringers ng team. Napansin kong parang may nangingitim sa mukha nina Sam, Seth at Johann. Sinasabi ko na nga ba napakabasagulero talaga ng mga ito. Hindi rin maayos ang laro nila kaya binabangko sila. Wala masyadong playing time. Sa pagkakaalam ko kasi silang anim ang may malaking playing time pero bakit si Paul, Nicco at Jet lang ang nakababad. Tsk. Sandali nga bakit nga ba ako nag-aalala. ERASE! Napatingin ako kay Alex. Halatang tuwang-tuwa siya. Unang beses ko siyang nakitang magsaya na nanonood ng sports. Napansin ko rin na sa isang tao lang siya nakatingin. Nakatingin siya kay Nicco.... I smell something fishy....
After ng first sem naglaro na sila nang maayos. Napansin ko na sa tuwing makakatira ng 3 points si Seth lagi itong ngumingiti sa akin. Ngumingiti rin ako pabalik at hindi ko maiwasan kiligin at syempre i-cheer siya. "Go Seth!" sigaw ko. Nagbigay naman ng makahulugang tingin sa akin si Alex. Hay sige tumingin ka ng ganyan sa akin Alex eh iakw rin kaya may sikreto ka. Pinabayaan ko na si Manang Alex. Maya-maya naman si Sam ang umiiskor at di rin siya nagpahuli, tumingin ito sa akin at nakangiti pa pero hindi tulad ng kay Seth hindi ko chineer si Sam. Bahala siya. Madami naman siyang babae eh.
"Ikaw ah, nahahalata ko may gusto sayo si Sam at Seth noh?" prangkang tanong niAlex.
Napatigil ako sa pagpalakpak sa tanong niya. Hidni ko siya matignan. Nakatingin pa rin ako sa game. "You don't have to say anything. Napapansin ko naman eh na inspired sila dahil andito ka." dagdag pa ni Alex. Alex left me dumbfounded with what she just said.Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...