Bryan's Journal (Part 2)
***Luis Bryan Dy's Journal
Page 6
10-14-18
Sinabi ko kay Kent na 3rd anniversary namin ngayon. Sinabihan ko siya na magbigay ng bulaklak kay Sonya. Ilang beses ko 'tong pinag-isipan. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong gumawa ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko rin sa huli. Pero wala, binigyan ko pa rin siya. Next school year na ang pagpunta ko sa ibang bansa. "Last anniversary" na namin 'to. Huling pagkakataon para iparamdam sa kaniya na mahal ko pa siya (kahit hindi niya alam).
Si Kent ang pinagsabihan ko kasi alam niya na ang tungkol sa amin. At humingi ako ng tulong sa kaniya para maka-move on sa akin si Sonya.
---
Page 7
10-25-18
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako. Partner kami sa report. In-add ko siya gamit ang bago kong account dahil ayoko nang balikan ang nakaraan. Dahil makikita ko lang ang huling mensahe ko sa kaniya noong hiniwalayan ko siya. Noong chinat ko siya kanina, tinawag niya akong "bhie", iyon kasi yung tawag niya sa akin noong kami pa, natuwa ako, kaso panandalian lang. Dahil mas malaking parte sa akin ang nanghihinayang dahil wala na nga palang "kami". Hindi rin kami masyadong nag-usap noong pumunta siya sa bahay namin. Marami akong gustong sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko kayang magpaliwanag.
Ang pinakanakakainis sa lahat, hinatid ko siya sa bahay niya, ilan sa mga bagay na hindi ko nagawa noong kami pa. At isa rin sa mga bagay na hindi ko na magagawa sa hinaharap.
Mahal ko pa rin siya. Lagpas isang taon na pero siya pa rin.
---
Page 8
11-05-18
Tryout ng volleyball at basketball kanina. Basketball player ako, volleyball player naman siya. Nasa iisang gymnasium kami, pero hindi nag-uusap. Ano pa nga bang aasahan ko? Pero noong pauwi na ako, bigla siyang lumapit sa akin. Kinompronta niya ako. Tinanong niya ako kung mahal ko pa ba siya. Gusto ko agad sabihing "oo, mahal pa kita at gusto kong makipagbalikan sa'yo", pero alam kong hindi pwede. Gusto ko ring sabihin ang totoo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi ako nakapagsalita dahil biglang dumating si Theo, kaibigan niya. Narinig niya yung sinabi ni Sonya. Agad siyang lumapit sa kaniya at iniwan nila ako nang walang sinasabi.
Part of me wants to thank him for being there for her, but there's also a part of me that is jealous because I can't do the same. I want to stay by her side but I know that I can't. I hope Kent and Theo will be able to help her.
---
Page 9
11-14-18
Pumunta kami sa bahay ni Sonya kanina. Habang tinitingnan ko ito, hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Paano kung hindi ko siya binitawan noon at lumipas ang dalawang taon tapos kami pa rin? Siguro pinakilala niya na ako bilang boyfriend niya at hindi bilang kaklase. Siguro ilang beses na akong bumisita dito nang hindi school project ang dahilan. Kaso kahit ilang beses ko pa iyong isipin, walang mababago. Lalo lang akong manghihinayang dahil binitawan ko siya. Lalo lang akong maiinis sa sarili ko dahil hindi ako naging matapang.
---
Page 10
11-24-18
Sonya asked me if I still love her. I badly want to say yes.
She asked me if I have a new girl, I want to say that she's the one that I still love.
She asked me if she should hold on, I want to say yes because I still love her.
But if I do that, my hardships and sacrifice would go to waste. Her happiness might be ruined, too. And I don't want that to happen.
It's for the best. At least, I am able to save her from the agony of waiting and parting ways.
I'm not in the right position to say it, but please be happy, Sonya. I want you to be happy.
BINABASA MO ANG
He's Online! (Online #1)
Teen FictionOnline series #1 (Epistolary) A long conversation with a stranger. A journey of moving on. How long will it last? A mysterious guy chatted Sonya Marie Molina, claiming that he'll help her from moving on to his ex-boyfriend. He even disguised as an...