Intro (Second)
Malakas akong bumuga ng hangin ng matapos ang ginagawang pag-eempake ng gamit.
Narito ako sa aking k'warto and it's already 2:00 pm.
Pagkatapos ng usapan namin ni dad kaninang umaga, balik na kami sa dati.
Magsasalubong man sa pasilyo, walang ngitian at batiang lalagpasan ang isa't-isa. Kapag tanghalian, hindi kami sabay kumain pero kung magsabay man walang kibuan at walang usapang mangyayari.
Parang hangin kami sa isa't-isa at nasanay na ako roon. Gan'yan na siya simula nang iwan kami ni mommy.
Ang daming n'yang ipinagbago. Na kahit ako nadamay d'un. Palangiti si daddy dati at makwela. Pero ngayon mas naging malimit pa ang pagsasalubong ng kilay at blangkong mukha niya.
Para na siyang robot kung ituturing. Kulang na lang ay mapalitan ang boses niya.
Agad kong kinuha sa kama ang phone ko at dinial ang number ni Kynlee. Nakailang ring muna bago niya masagot ang tawag ko.
"Ow? Sis? Napatawag ka?" bungad n'ya sa'kin.
Halos 2 years na rin kaming magkaibigan nito.
"Sis help me..." kunyari pa akong humikbi saka nahiga sa aking kama.
"Oh bakit anong problema?" bakas ang pag-aalalang aniya. "Teka, tungkol ba ito sa engagement party mo mamayang 5:00?"
"Y-Yes! T-Teka paano mo nalaman?!"
"News can fly." tugon niya sa sarkastikong paraan.
"Bakit ko pa ba naitanong, eh summa cum laude ka na sa Bachelor of Kwentuhan Major in Tsismisan!" natatawang biro ko sa kan'ya.
"May maganda akong ideya!" biglang hirit niya. "What if hayaan kitang ma-engage mamaya?"
"Hey wait!" sigaw ko. "Hindi ka naman mabiro eh!" nakangusong sabi ko.
"Na-imagine ko tuloy na nakanguso ka habang sinasabi mo 'yun." at tumawa ang luka-luka.
Bumuntong hininga ako, "Hey seryoso na Sis..."
"Sige." sambit niya na ang tono ay parang robot.
So 'yun ang seryoso sa kan'ya ang maging robot?! Pathetic!
"Tch!" singhal ko, "You're non-sense Lee!" may halong pang-aasar ng banggitin ko ang kinakainisang pagtawag sa kan'ya.
Ayaw kasi niyang tawagin siyang Lee dahil panglalaki raw dapat daw Kynlee, babae ang datingan at mas maganda! Parang ang ganda niya ha?!
"Mukhang may ma-e-engage talaga mamaya ah." siguradong nakangisi siya ng sabihin 'yun.
"Uy joke lang naman Kynlee!" bumungisngis ako, "Alam ko namang hindi mo ako matitiis." pacute pang dagdag ko.
"Puro ka joke ngayon ha!"
"Peace..."
"Tch! Oo na." singhal n'ya. "Ano bang gagawin mo?" usisa pa niya.
YOU ARE READING
Be With You [Season 1] | On-Going
Romance"I may not be your ideal man but I can be more just for you." A romance story created by Adi_Ser