Nakatitig ako sa lilim ng langit na may liwanag ng sandamakmak na bitwin. Kung masaya ang mga ito, nahihiya naman ang buwan magpakita.
Ang ihip ng mabining hangin ay bumulong sa balat ko ng lamig, may haplos ng awa sa sikmura kong kanina pa kumakalam.
Kung ako ang tatanungin, gustong-gusto ko na tumigil magpalaboy sa daan at kumain kahit piranggot ng tinapay, amoy basura man o panis, basta't uminit ang tyan at ituwid ang gabing ito na hindi gutom.
Kaso matalas ang pandinig at pang-amoy ni Kuya Jose. Kahit hindi ko kita ang katawan, kalat sa bawat eskinita ang presensya niya. Siguradong parusa kapag nalaman niyang may tumigil saamin mamalimos...
Ganito nga siguro ang kahihitnatnan ng buhay batang-pulubi. Salot sa lipunan. Tamad. Walang silbe. Pabigat sa ekonomiya. Magnanakaw. Walang kwenta.
Humigit-kumulang dalawampu ang bilang naming mga batang lansangan. Hinahati kami sa grupo para i-destino sa bawat kanto na naka-toka saamin para limusan. Ngayong araw, ang bantay namin ay si Kuya Jose. Ayaw ko sakanya dahil nantitrip at madalas kinukupitan kami bago pa maibigay kay Kuya Dumbo na maiinis kasi ang liit ng kita namin.
Para nga kaming mga aso na pinapakawalan para mangisda. Sunud-sunuran at ang tumahol, ilalatigo.
Ganoon talaga. Kahit hindi namin pinili ang buhay na ito, ganito na buhay pa rin ang tinahak namin. Kasi... gusto namin ng pamilya. Gusto namin maramdaman ang bahay na kukupkop saamin. Gusto namin ng init ng pagmamahal sa pamilya. Kahit piranggot. Kahit kaonti. Panis man o amoy basura.
"Magkano nalimos mo ngayong araw, Tala?"
Si Hulyo. Mas bata siya saakin ng apat na taon at kaka-onse lang pero ito na ang pinagkaka-abalahan. Siya ang pinaka-malapit saakin dahil natural na maingay at palabiro. Ang alam ko takas siya ng DSWD dahil masahol daw trato sakanya roon. Mas gusto niya raw dito at malaya siya kaysa sa mga madreng kinukulong siya sa kulungan ng aso kapag nag-iingay.
Pero may libreng pagkain at tulungan doon. Tanga.
"Ang huling bilang ko dalawang daan at limampu't-apat. Baka ngayon naka-tatlong daan na ako. Ikaw ba?"
Ngumisi siya saakin at tinapik ng dalawang beses ang balikat ko saka niya hinuli ang maliit na bag na kulay pula sa baywang at binutingting ang limang daan sa mukha niya.
"Sino ang maswerte ngayon?" Aniya.
Kumislap ang mata ko at tumawa. Hinila ko siya sa mas tagong parte ng kalsada, sa may sulok at pinakamadilim, gilid lang ng barber shop.
"Ang swerte, Hulyo! Ikaw may pinakamataas ngayon. Libre mo ako!"
"Iyon nga, kain tayo ng empanada ngayon! Yung may lusaw na keso at matamis na asukal sa ibabaw?" Mahiwaga ang kislap sa mata ni Hulyo nang mabanggit ang empanada.
Matagal na rin naman naming pinangarap makakain ng tinapay na iyon. Pangmayaman lang ang pwede roon pero ngayon pwedeng-pwede na namin matikman.
"Pero teka lang, itago mo na iyan dahil baka makita ni Kuya Jose. Alam mo naman iyon, manggagatso." Sabi ko sakanya.
Tumango siya at itinago na ang pera sa bulsa. Alam niya na agad ang tinutukoy ko. Malamang. Dapat lang. Dahil hindi lang manggagatso si Kuya Jose. Sinungaling at magnanakaw pa. Lahat nang mati-tripan noon, pagdidiskitahan niya talaga. Hindi lang iyon dahil ang madalas niyang maespatan ay kagaya ni Hulyo na lampa.
Humawak ako sa balikat ni Hulyo at inaya na siyang lumabas sa eskinita. Mabuti madilim dito at tago, hindi kami basta mapapansin.
"Anong hindi ko dapat makita?"
BINABASA MO ANG
Kissing Moonlight
Genel KurguWARNING: SPG18 [Tema at Lenggwahe] Not a spiritual story. Nabuhay si Tala ng miserable sa loob ng labing-anim na taon. Lumaki siyang ang mga nasa lansangan ang pamilya at natutong makibaka sa buhay sa baluktot na pamamaraan. With full of loathe, mi...