Maraming gustong maging ako,
Maraming nagsasabi na napakaswerte ko pero sinasayang ko lang,
Na napakaswerte ko sa lahat ng aspects sa buhay
Pero sana nga ganun nalang. Sana masaya, sana okay lahat.
But they didn't know, I am silently fighting my own battle. Depress ba ako? I must say No.
Unti-unti akong winawasak ng mundo,
Ngunit pilit ko rin itong binubuo.Minsan ko na rin natanong sa sarili ko bakit ko nararanasan to?
Ngunit tuloy pa din ako sa agos hanggang makita kita na bubuo ng buhay ko.
'Phoeeeebs, someone is looking for you'
Napahinto ako sa ginagawa kong trabaho dahil sa pagkakatawag sakin ng aking kaklase.'I'm busy Jorg, kung sasabihin mo lang na may gustong magpakilala sakin, sabihin mo may asawa't anak na ako. See busy ako, it's lunch time madaming costumer. Baka mapagalitan na naman ako sa boss ko. Kaya shupi! Go! Alis!'
'Pero kasi Phoeboy, mayayaman sila at ' di niya natuloy sinasabi niya ng biglang may tumawag sakin.
'Keeneth? Anak?
Biglang tumigil ang mundo ko ng may tumawag saakin. Para binibiyak ang puso sa pagkakakita sakanila. It's been 8months na hindi ko sila nakita. Hindi ako nagparamdam at lumayo ako sa pamilya ko.Yes, si mama ang tumatawag sakin. Pagkatingin ko sakanyang mga mata, hindi iyon sa inaasahan kong makikita.
Puno ng sakit, pagsisisi at pangungulila ang nakikita ko.I thought leaving them was the right thing to do. Puro pahirap, sakit lang dinadala ko sakanila. I've become the 'black sheep' to my family kaya dun ko din naisip siguro pag umalis ako hindi na masisira ang pangalan ng pamilya ko.
Bigla niya akong niyakap, at ramdam ko ang basa sa aking balikat. She's crying!
My mom is crying because of me Again.
Lagi ko nalang sinasaktan sila mommy, ni wala nakong nagawang tama.
Wala akong maramdaman habang umiiyak si mommy. Ni hindi ko siya mayakap ng pabalik. Hindi ko alam ko ano ba dapat maramdaman ko.
'Keeneth, anak' uwi kana. Miss kana namin ng kambal mo at ni Chan chan.
Dun ko lang napansin na andun din pala si daddy. Si daddy na palaging nagtatanggol sa akin, si daddy na no. 1 supporter ko. Si daddy na takot kay mommy.
Maraming nakatingin sa amin dahil sa paghagulgol ni mommy. Na kahit si Jorg ay napaluha ng nakita ang situation namin.
Pinaupo ko muna sila. Ngunit si mommy parang ayaw pa ako bitawan.
'My, marami pong nakatingin. U know i love the spotlight. But not in this situation'
Ng medyo nahimasmasan na si mommy dun ko sila kinausap.
'Nak, uwi na tayo, look at you. Ang payat muna, masyado mo na atang pinapagod ang sarili mo, at bakit ka nagtatrabaho?
' biglang pumungay ang mga mata ni mommy habang kinakausap ako.Bigla akong napatingin kay daddy na naghihintay lamang sa sasabihin ko.
Alam niyang hindi ako papayag sa gusto ni mommy.Kilala na ako ni daddy, isang iling ko lang alam niya na, na gusto ko dito. Na hindi nila ako mapipilit umuwi.
'Mommy, I can't, i love this place. I know, this place where i belong'
Nakita ko ang sakit sa mata ni mommy ng hindi ako pumayag.
Hanggang kelan ko sasaktan si mommy? Ang pamilya ko?
Hindi ba pwedeng piliin ko din ang puso ko? Coming here was the best thing that I ever do.
-----------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Coming To You
RandomMaraming gustong maging ako, Maraming nagsasabi na napakaswerte ko pero sinasayang ko lang, Na napakaswerte ko sa lahat ng aspects sa buhay Pero sana nga ganun nalang. Sana masaya, sana okay lahat. But they didn't know, I am silently fighting my o...