Chapter 6

40 19 9
                                    

Fancy POV

Lunes na ngayon ngunit tila pinaglalaruan parin ako ng aking isipan. Kahit anong gawin ko ay hindi parin mawala ang pangyayari na iyon. Sabado at linggo ako naging tulala, minsa'y napagalitan pa ako ni mama nang makita nya ako na parang wala sa sarili sa aming sala. Para daw akong tanga na ngingisi ngisi tapos at iiling iling na naman. Paulit ulit ko raw iyon ginagawa. Biro pa nya baka nababaliw na daw ako. Napanguso nalang ako ng sabihin nya iyon. Tila nababaliw na nga ako. Nababaliw kakaisip sa kanya.

"Uy! Fancy hintayin mo naman ako!" Napalingon ako sa gate ng school namin ng marinig ko ang tawag ni Kris.

"Uy Kris! Good morning. Aga mo yata ngayon ah!"  Ngiti kong bati sa kanya

"Haha napaaga lang ng gising. Halika sabay tayo. Nasagutan mo ba yung assignment na senend sa group chat ni Ma'am Kaye?" Kunot noo ko syang tinitigan.

"Assignment? Hindi ko alam. Hindi naman kasi ako nag open ng messenger kagabi. Ikaw may sagot na sa assignment natin sa General Math? Hala ako nito kay Ma'am Kaye, dapat pala mas maaga pa akong pumasok ngayon para masagutan iyon!"

"Ah oo dapat nga. Kung gusto mo gayahin mo nalang answer ko. Okay lang" ngiting tugon nya.

"My gosh! Talaga? Thank you! Wala na din kasi akong time  ngayon eh. Babawi nalang ako next time!" Ngiting tugon ko sa kanya. Sa tuwa ko ay nayakap ko nalang sya dito sa school ground. Wala namang pake ang nasa paligid namin eh.

Ng binitawan ko na sya ay natutuwang kinurot nya  na lamang ang pisngi ko. Wala namang malisya samin to sapagkat parang kapatid na ang turing nya sa akin. At isa pa alam kong si Mika ang gusto nito. Ayaw nya lang talaga aminin kahit halata ko na.

Nagsimula na kaming maglakad ng mahagip ng mga mata ko ang lalaking nakatayo malayo sa amin. Sa ekspresyon ng mukha nya ay talagang kita na wala sya sa mood ngayon. Tila nakatingin rin sya sa amin, ngunit hindi ako sigurado sapagkat ang mga mata nya ay hindi direktang nakatutok dito. Nilingon ko ang likuran, may mga practice teacher na nakatayo duon. Baka yun ang tinititigan nya. Pero para kasing nag-glare sya eh?

'Sir Matthew' bulong ng isip ko. Ang pangalan nya'y kayhirap kalimutan. Umiling nalang ako at iwinaksi sya sa isipan. Nagpatuloy na ako sa paglakad at sumabay muli kay Kris na nauuna naat tila hindi napansin ang pagtigil ko. Hindi ko dapat hayaan na guluhin nya ang tahimik na isip at puso ko.

Second period na namin at hinihintay nalang ang pagdating ni Sir Matthew. Ang nangyari sa roof top ay parang naging daan para mas lalo akong humanga sa kanya(kahit medyo nasusungitan parin ako sa kanya). Feeling ko mabait naman talaga sya, sungit ngalang talaga kasi eh. Napangiti na lamang ako sa aking mga iniisip. Walang pinatutunguan eh.

"Good morning class" nagulat ako ng bigla nalang syang pumasok at bumati. Ni hindi ko nga namalayan na nandito na pala sya. Dahil siguro wala dito sa classroom ang utak ko.

Tatayo na sana kami para bumati rin ngunit sinenyasan nya lang kaming umupo. Tinignan ko sya. Akala ko pa naman ay ngingiti na sya tuwing papasok ngunit bakit parang kabaliktaran naman yata. Kita sa mukha nyang nakabusangot kung gaano sya kabad mood. Hala anyare?

Kinilabit ko si Kris para kunin ang atensyon nya. Si Sir naman ay nagsimula na agad sa kanyang leksyon.

"Hala! bakit bad mood si Sir? Okay lang kaya sya? Gosh! Wrong timing pa yata naiihi na ako" Bulong ko sa kanya. Ngunit iling lang ang sagot nya.

"Why are you talking to your seatmate Ms.Valeria? Any problem with my class? " galit nyang sambit. Hala! Agad na nag uumapaw ang kaba ko ng marinig mula sa kanya iyon. shit! Mukhang nagalit sya! Bad mood nga!

My Teacher, My Lover!Where stories live. Discover now