Epilogo

48K 1K 186
                                    

EPILOGO

Roleen Beatrice Point of View

"Ilang araw ng umiiyak ang mga pinsan mo, Beatrice. Can you do me a favor? Bisitahin mo naman sila sa bahay nila kahit dalawang beses sa isang linggo. I can't come home muna, their father needs me." Tita Tiara asked me.

Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako at ngumiti. "Sure, Tita. Maliit na bagay.." I can't say no to her especially siya ang dahilan kung bakit mayroon ako ng lahat ng mayroon ako ngayon. Malaki ang utang ko sa kanya.

Inayos ko na ang gamit ko sa cubicle at pagkatapos ay pinuntahan si Chienne. Nakita ko na maayos na ang mga gamit niya.

"Baks, una na akong umuwi, may bibisitahin ako." Paalam ko sa kaibigan kong si Chienne. Simula fetus ay magkasama na kami.

Ngumiti siya sa akin. "Okay lang 'yun, baks. May date kami ni Lucas." Kinikilig na wika nito.

I just shook my head and didn't say anything. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat.

"Good bye, ebriwan! Make sure na bergen pa kayo! Keep your keps intact!"

Tumatakbo akong umalis ng department namin. Narinig ko pa ang tawanan at reklamo ng iba ngunit nawala rin 'yun sumara ang elevator. Doon ko lang nakita na nandoon si Sir Lucas.

Umismid ako ng makita ko siya. "I can give you a ride. Pupunta ka ba sa kambal?"

Tumango lang ako. Hindi ako madalas makipag-usap sa mga taong hindi ko naman talaga kilala or hindi ko madalas makasama. 

Salita ng salita si Sir ngunit hindi ako nagsasalita. Nilalabas ko lang sa kabilang tainga ko lahat. This is the Beatrice that everyone doesn't know.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ng kambal ay hindi ako nagsasalita. Wala naman kasi akong sasabihin. I rolled my eyes before I slammed the door of his car. Wala akong paki kahit na sobrang maharlika ng kotse niya.

Bago ako pumanhik ay pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng armas. Pagkatapos ay nag-elevator ako papunta sa kwarto nila. Pagbukas ko ay naroon ang ang tatlong itlog at kinakausap ang kambal. When they saw me sabay-sabay silang napangisi.

Dumiretso ako sa kambal at ibinuhos ang armas na dala ko.

"What the hell, Roleen Beatrice!" They both said in unison.

Daig pa kasi nila ang sumali sa ice bucket challenge dahil kumuha ako ng tubig sa ref at nilagay lahat ng yelo doon.

"What the hell, what the hell kayo diyan!" Umupo ako sa kama nila at nagde-kwatro. "Hoy! Huwag niyong sinisira ang buhay ninyo para sa isang babaeng puta! Why would you shatter your life over that whore when you can have a diamond? Tangina, common sense naman mga dude!"

Silang lahat ay tulala sa akin. That was the day that we became close. Kaming lima pero hindi ko sila kinakausap kapag maraming tao. Ayaw kong maging peymus, i kennat no. Maraming mga judger sa mundo.

Dumaan ang christmas party sa kumpanya ni Lucas at invited ang apat na tukmol kasama ang kambal. Nakikipagkausap lang ako sa kaibigan kong si Chienne at sa mga ka-trabaho namin.

Ngunit ng mapadpad ang tingin ko sa kambal ay kitang-kita ko kung paano nila tignan ang kaibigan ko. I smirk. Makalipas ang ilang linggo ay napansin ko na hindi na umiinom ang kambal at maayos na ang buhay nila.

Nang magkita kami para sa paghahanda sa pag-uwi ni Tita Tiara ay kinausap ako ng kambal.

"I want her. No, we want her, Roleen."

PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon