Author's Note:
Yow! New Story. This one was inspired by I'll tell, if whoever you are who reads this will notice some familiarity of the plot lol.
Also, this will be kind of different for me since I'm more of the fantasy type base on the number of past stories I've deleted lol. Anyways I hope you like this one. And don't forget to add this on your library, vote, and voice out your opinions on the comment section.
Thanks!
-Astra
-----------------------------------
"Patawad, patawad, patawad." paulit-ulit na ani ng babae sa pamamagitan ng kanyang naghihingalong boses. Hawak-hawak nya ang kamay ng walang buhay na lalakeng nasa tabi nya.
Kahit na paulit-ulit ko na itong nakikita, hindi ko parin mapigilang manginig tuwing natatanaw ko ang sanaw ng dugo sa kinaroroonan nila, at ang masangsang nitong amoy; gusto kong tumakbo, at masuka. Alam kong gaya ng dati ay wala akong magagawa kundi ang umiyak na lamang, habang pinapanood ang babaeng unti-unting napipigtas ang hininga. Ngunit kahit ganoon, gaya ng dati ay sumigaw parin ako, nanghihingi ng tulong kahit alam kong walang makakarinig sa'kin.
Maski sa kanyang nanghihinang boses ay paulit-ulit nyang binibigkas ang salitang patawad. Hilam sa luha ang kanyang mga mata, habang lunod sa pinaghalong dugo nilang dalawa ang katawan nya. 'Di nagtagal ay tuluyan nang pumikit ang mga mata ng babae.
Hangang sa kahuli-hulihan ng buhay nilang dalawa ay magkahawak ang kamay nila.
Kasabay ng pagtigil ng pagpitik ng puso ng babae ay ang pag-iyak ng isang sanggol. Animo'y alam nito na tuluyan na itong nag-iisa, na kailanma'y hindi na nito masisilayan pa ang mukha kanyang ama at ina...
Napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko pa man napapakalma ang katawang nanginginig dahil sa naging panaginip ko, napatakbo na ako sa banyo. Napahawak ako sa t'yan ko habang walang tigil kong inilalabas mula sa aking bibig ang lahat ng kinain ko kagabi. Parang nasusunog ang leeg ko. Animo'y puno ng asido ang aking aking panlasa.
Gusto kong tumigil sa pagsuka, ngunit pakiramdam ko ay hindi ako makakatigil hanggat hindi nauubos ang laman ng aking t'yan. Naluluha na rin ang aking mga mata ko dahil sa walang tigil na pagduwal.
Ramdam ko ang marahang paghaplos ng isang tao sa likod ko.
"Binangungot ka na naman." pahayag ni Saga habang tinatali ang buhok ko. "Gusto mo bang tawagan ko si Dr. Alvim?"
Marahan akong umiling saka pinunasan ang bibig ko. Curse those dreams!
"Ayos lang ako Saj, na stress lang ako kagabi kaya siguro binangungot na naman ako."
"Sigurado ka?" marahan akong tumango saka sumandal sa pader ng banyo. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko.
Ayon sa mga eksperto, sampung porsyento lamang ng panaginip ng tao ang naaalala n'ya sa kanyang paggising. Sa ating panaginip, ang nakikita rin nating mga mukha ay mga mukhang nakita na natin noon pa. Maaaring hindi natin kilala ang mga mukhang nakikita natin, ngunit totoong nakita na natin sila, dahil hindi kayang magimbento ng ating utak ng panibagong mukha.
Ang tao ay maaari ring magkaroon ng recurring dream and nightmares o paulit-ulit na panaginip at bangungot. Ayon kay Dr. Alvim, maraming dahilan kung bakit ito nangyayari. Maaring dahil ito sa stress, past trauma, mga medication at iba pa.
Sa kaso ko, hindi ko maalala kung saan ko nakita ang mga tao na nasa panaginip ko, at hindi ko rin maintindihan kung bakit tandang-tanda ko ang bawat senaryo. Minsan nga ay nahihirapan akong distinggihin kung panaginip ba ito o isang totoong pangyayari. Wala rin akong past trauma, at nagsimula lang naman akong ma-stress nang maging paulit-ulit ang ganoong mga panaginip ko.
"Ari, tapos ka na ba?" ani ni Saga habang kumakatok sa pintuan ng banyo.
"Oo, pasok ka na." ani ko habang hinihigpitan ang pagkakatali ng tuwalyang nakapaikot sa katawan ko.
"Thanks! May pagkain na sa mesa mauna ka nalang kumain, mabilis lang ako." ani nya pagkapasok saka diretsong pumasok sa pintong nakakonekta sa paliguan.
Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin. Namamaga ang gilid ng mga mata ko. I guess I cried in my sleep again. Madalas iyong nangyayari kapag napapanaginipan ko ang pangyayaring iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko iyon napapanaginipan ng paulit-ulit. At sa bawat gabing napapanaginipan ko iyon, ang bawat pagpatak ng luha, at ang bigat ng bawat pagbigkas ng babaeng iyon sa salitang patawad, ay animo'y kutsilyong tumutusok sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat sakit, pagsisisi, at pighating nararamdaman nya, na para bang totoo iyong nangyari, na parang sa akin iyon nangyayari.
"Ari," napalingon ako kay Saga. Puno ng pag-aalala ang mukha nya habang naglalakad sya patungo sa direksyon ko. Itinaas nya ang mga kamay at sinakop ang aking mukha. Napapikit na lamang ako nang sinimulan nyang punasan ang mga luhang walang tigil na dumadaloy sa mga pisngi ko.
"Bakit ang sakit Saj? Hindi ko maintindihan, pero bakit ang sakit-sakit?" daing ko habang humihikbi.
Nakakatawa lang isipin na ang isang kagaya ko ay iiyak lamang nang dahil sa isang panaginip, at patuloy na iiyak nang dahil lang sa isang panaginip.
BINABASA MO ANG
Blood String and Faith
RomanceThere is this Japanese belief that the gods ties a red string on a persons pinky finger. This red string help lead people to the ones they are destined with. They say, that no matter how far or how vast the distance is between those people connect...