PAALALA:
MAY MGA SENSITIBONG SALITA AKONG GINAGAMIT DITO.HINDI RIN AKO GANUN KA GALING NA WRITER KAYA SANA WAG MAG EXPECT.MAY MGA MALI AKONG LETTER MINSAN SA MGA WORDS KO, CP LANG KASI GAMIT KO, WALA PANG LAPTOP KAYA SANA PAGPASYENSAHAN NIYO NALANG.LOVE YOU ALL.Hi, ako nga pala si Earl,24 pero malapit ng mag 25(malamang). Earl Duncaso ang full name, walang middle name. Nagwowork ako ngayon sa isang supermarket sa fairview, oo na, sm fairview(bayaran mo yan😆😆😆). Diser ako dun, alam nyo naman siguro ang work ng diser.
Isa akong taong madaming pangarap, isa na jan ang yumaman pero hindi naman yan ang kwento natin kaya pass na yan. Ay last na pala, mahilig ako sa spaghetti. Wala lang, mema lang😆😆😆. Oh sya, ito na ang story.atat na atat😆😆😆
Kakabreak lang namin ng 3yrs jowa ko last january 2020(di ako mahilig sa flashback, ayoko kasi nun). Basta ginamit nya lang ako sa kanyang personal needs,in short pinerahan lang ako. Mahal ko sya dati eh kaya bibigyan mo, pero hindi naman yung naiisip niyo ngayon.
Basta, wag na nating intindihin yung hayop na yun. After ng break-up namin, may mga nameet ako. Si Juls na mas bata sa akin, mga 19yo na ata sya nun, naging kami pero 2 weeks lang. Pareho kami malibog. Kapag nga nag vcall kami, naghuhubad sya at sumasayaw sa harapan ko😆😆😆. Tapos nag paplano na pupunta ako sa kanya after lockdown kaso lahat ng yun ay naglaho na. Nagbreak kami after 2 weeks. Btw, taga Isabela sya.
After kay Juls, nakilala ko naman si Djay. Niligawan ko sya. Ang sabi niya sasagutin nya ako pagkapunta ko sa kanila. Taga ilocus sya eh, mejo malayo. Ganun din after lockdown ang plano. Di din natuloy kasi bigla nalang syang di nagparamdam. Ang cute pa naman nya, aaminin ko na love at first sight ako sa kanya. Pero kasi feeling ko di naman din talaga niya ako type kasi kung gusto niya din ako bakit bigla nalang siyang di nagparamdam. Pero kasi kung mahal mo talaga ang tao, need mo siyang i set free na. Masasaktan lang ako kung aasa pa ako. Oo ang bilis ko siyang sinukuan pero kasi diko na kaya talaga. Ang sakit lang.
After kay Djay, i meet a guy, Fernando ang name.Pero actually katrabaho ko sya. Ibang branch nga lang, taga Pampanga siya. Oh diba puro pa north. Naging kami din, pero 3 weeks lang. Alam muna, may taglay din kasi akong kalandian. Kaya bigla nalang akong naging cold sa kanya hanggang sa nakipahiwalay ako. Pero karma ko din kasi, yung kalandian ko hindi ako talaga ako gusto. Parang pang free time lang ako. Eh nahihiya naman akong bumalik kay Fernando kaya tinanggap ko ang karma ko.
After nun, nagfocus nalang ako sa trabaho ko. Nakakalungkot lang kasi isang cut off lang sa isang buwan ang pasok ko pero no choice. Bwesit kasi tong covid na to eh.