Kabanata 7

1 0 0
                                    

  "I told you Travis, we shouldn't have accepted this mission." Frustrated na sabi ni Allison sabay hawi ng mataas na damo na tumama sa mukha.

Tatlong araw na silang naglalakad sa kagubatan.

  "You don't have to be so overacting Alli. Pasalamat ka pa nga dahil mas maige pa to sa ibang past missions natin." Pakonswelo ni Christian.

  "He's right." Pagsang-ayon naman ni Grace sabay pitas ng bunga ng bayabas na nadaanan at kinagatan.

  "How lovely and magnificent our nature compare from the future. So green and refreshing!" Namamanghang sambit ni Frederick sa mga kasama.

Hindi naman maitatanggi ni Travis ang sinabi nito. Malinaw ang ilog at may mga isda tulad ng tilapia ang makikitang lumalangoy. Sariwa ang hangin at napakasarap sa pakiramdam pati na ang tanawin.

Nagpasya silang magpahinga na muna at magpalipas ng gabi at maghanap ng makakain. Kailangan din nyang matukoy kung nasaang parte sila ng Pilipinas bago pa dumating ang civilization.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Mabuti na ba ang iyong pakiramdam, binibini?" Gulat na napalingon si Adrianna nang marinig ang pamilyar na boses. Bagaman at iba ang itsura ng babae na nakatayo sa harapan nya, hindi sya maaaring magkamali.

"Ilang araw na po ba ako dito?" Panimula nya.

If Kael doesn't believed me, maybe she will not too. I have to take it slowly and go with the flow.

"Tatlo o apat na araw na." Nakakunot ang noo na tugon nito sakanya.

Sabay silang napalingon nang may nagsalita mula sa labas ng silid.

  "Mahal na Datu, mahal na Hara," Pagbati sabay yukod ni Linaya sa mga bagong dating.

  "Magandang araw po!" Hindi nagkandaugagang sabi ni Adrianna sabay tayo upang gayahin sana si Linaya ngunit pinigilan sya ng may edad na lalaki.

  "Maupo ka lamang binibini. Hindi pa lubos na naghihilom ang iyong mga sugat."

  Nagpasalamat sya dito at tiningnan ang dalawa na sigurado syang mag-asawa. Nakuha ni Kael ang hugis ng mukha, ilong at labi ng ina. Samantalang nakuha naman nya sa ama ang mata at iba pang katangian nito.

  Kasunod ng Datu at Hara ang iba pang kasambahay na may dalang mga pagkain. Saka lamang nakaramdam si Adrianna ng labis na gutom.

  "Kakatwa ang kulay ng iyong buhok, binibini." Hindi maalis ang paningin ng Hara kay Adrianna.

  "Adrianna po ang pangalan ko, mahal na Hara." Nahihiya naman nyang tugon.

  "Kakaiba din ang iyong ngalan." Puna naman ng hari.

Hindi mapakali si Adrinna dahil damangdama nya ang curiosity ng mga tao sa paligid nya magmula sa mga nakayukong alipin hanggang sa hari at reyna na ngayon ay pinipilit syang kumain.

  "Ilang araw kang hindi kumain. Kung hindi ka kakain, manghihina ang itong katawang mortal." Pamimilit ni Linaya.

Oh God! Please help me!!! Nasambit ni Adrianna sa sarili. Hindi sya maaaring magpadalosdalos at kailangan nyang pag-isipang mabuti ang bawat kilos at sasabihin nya.

  "Ipagpaumanhin niyo na po, sa pinanggalingan ko po kasi, sabaysabay po kasi kaming kumakain. Though sa ibang pamilya, nauuna ang mga amo sa katulong. Bukod po doon, hindi po ako sanay kumain na may nakatingin sakin." Napakamot sa batok nyang paliwanag.

Tila naman naintindihan ng Datu at Hara ang kanyang sinabi, agad itong nag-utos ng dagdag na pagkain at pinggan upang sabayan sya.

Hmm. So, being hospitable came from the roots then! Natuwa nyang bulong sa sarili.

  Mabait ang Datu at Hara. Kahit si Adrianna mismo ay masasabing mahal at lubos na iginagalang ang pamilyang ito ng kanilang mga nasasakupan. At habang sabaysabay silang kumakain, hindi maiwasan ng mga ito na magtanong sakanya.

  "Kung ganon, maaari mo bang maipakita sa akin ang itsura ng sinasabi mong Bus?" Interesado ang mukha ng Hara.

  "Opo, mahal na Hara. Kung makikita ko lamang po ulit ang mga dala ko, marami pa po akong maipapakita sainyo."

  "Iyon bang kakatwang sisidlan Binibini?" Maang na tanong ng isa sa mga alipin na nalaman ni Adrianna na nagngangalang Hanid.

  "Kung yung backpack ko ang tinutukoy mo, iyon na nga yon." Agad namang tumalima ang kausap.

  Nang matapos ang munting salo-salo, iniwan na ng Datu at Hara si Adrianna upang makapagpahinga.

 
  Ngunit kahit anong gawin nya ay hindi sya makatulog.

Malamang. Kahit sino namang walang malay ng two to three days hindi ba naman magbabawi ng gising? Sarkastikong sabi nya sa sarili.

  Lumapit sya sa bintana at binuksan iyon. Malamig ngunit tama lang ang hangin. Napabuntong hininga si Adrianna sa simoy nito at tumingin sa paligid. May iilang bahay kubo ang may liwanag pa ang natatanaw nya ngunit ito ay may kalayuan. Naalala nya ang probinsya nila nang sya ay limang taong gulang pa lamang. Huni ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid at may iilang mga kawal ang umiikot upang magmasid o magbantay.

Hindi pa malalim ang gabi ngunit maagang natutulog ang mga tao sa panahong ito.

  Ano ang gagawin ko ngayon? Malalim na nag-iisip si Adrianna. Narito na sya at halos abot kamay na nya ang mga taong kailangan nyang kausapin. Nang malaman nya ang araw sa panahong ito, kung hindi sya nagkakamali, may tatlong buwan pa bago ang eclipse.

  Hindi sya dapat magpakampante dahil hindi naman ang araw ng eclipse ang problema. Kundi ang paraan upang masabi nya ang mensahe sa mga taong dapat makaalam.

  Hindi na nya muli pang sinubukan na sabihin ang dahilan dahil sa nangyari sakanya ng nakaraan, sya ay nasa ilalim ng sumpa na masasabi lamang nya ang tunay na dahilan sa tamang paraan dahil kung pipilitin nya ay maaari nyang ikamatay ito. Kailangan nyang umisip ng solusyon ukol dito.

"Mukhang malalim ang iyong pagninilay Binibini?" Napahawak si Adrianna sa dibdib dahil sa gulat.

  "Can you atleast let others know your presence? Multo ka ba? Kabute? Bigla ka nalang sumusulpot!" Inis na sita nya kay Kael.

  "Ipagpaumanhin mo Binibini, ilang beses kong tinawag ang pangalan mo ngunit hindi mo ako pinapansin. Kung kaya nagpasya akong taasan ang boses ko ng kaunti." Hinging paumanhin ng huli.

  Pinagalitan ni Adrianna ang sarili. Anak ito ng Datu kaya dapat ay igalang nya. Kailangan nyang paalalahanan ang sarili na nasa ibang panahon sya at hindi nya alam ang maaaring mangyari sakanya.

Hell, Adrianna. How can you be so reckless? For you to know that there's a big differences about their justice system. Mamaya magulat nalang ako bitayin na nila ako o kaya naman i-torture!!!

  "I'm sorry, ah, I mean- paumanhin sa inasal ko Mahal na Raja."

  "Kael. Tawagin mo akong Kael." Napangiting sabi nito.

  "Adrianna o Adri for short. Para di ka na mabulol." Napangiti na ring sabi nya.



||Author's Note||
Sorry for late updates! By the way, ang istorya pong ito ay under editing pa po. Sorry in advance at I promise that I will make it up to you guys.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HARNIYÄTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon