Napapikit pa ako upang damhin ang nakakarelax na simoy ng hangin. Andito na kami sa tambayan na sinasabi ko. Isa itong napakalawak na field, may matatayog na puno at malalagong damo. Dinala ko si Neo dito sa isang puno na wala namang antik, at hindi kataasan ang damo, hindi makati pag inupuan. Nakasandal lang kami sa puno. Parehas lang naming pinagsawa ang mata sa napakagandang tanawin.
Narinig ko namang bumuntong hininga si Neo kaya napatingin ako sa kanya. Hawak hawak nya ang cellphone at may tinetext doon, maya maya pa ay binalik nya na ito sa bulsa nya.
"Sino yan?" tanong ko pa.
"Si Mommy." sagot nya.
"Anong sabi?" nag-aalalang tanong ko.
"Ayos lang daw sya. Umalis na rin si daddy ng bahay." sagot nya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang talaga at hindi nasaktan si tita.
"Mabuti naman. Bat hindi nyo nga pala-"
"Wag na natin pag-usapan." putol nya sa akin.
Natahimik naman ako. Mas maigi ngang wag ng pag-usapan, tsaka andito nga kami para magrelax, hindi para pag-usapan ang bagay na nagbibigay sa amin ng problema.
"Sorry." hingi ko ng paumanhin.
"Okay lang." nginitian nya pa ako.
Sandaling katahimikan muna ang nangibabaw. Nakaisip naman ako ng paraan para mabawasan ang boredom.
"Maglaro kaya tayo." suggest ko pa.
"Ano namang lalaruin natin?" tanong nya pa.
"Hmm." nag-isip ako kunwari. "Magbato bato pick tayo. Tapos kung sino yung nanalo, magtatanong sya sa natalo nang something about sa sarili nya ganon. Paulit ulit lang ganon. Para magkakilala talaga tayo ng bongga." paliwanag ko pa.
"Game!" sagot pa nya.
Nagbatobato pick kami. Malas nya dahil sya ang natalo. Tinawanan ko pa sya. Mukha naman syang nalugi.
"Hmm ano ba tatanong ko sayo?" nag-isip pa ako. "Ano nalang! Anong first impression mo sa akin?" tanong ko pa.
"Hmm, to be honest, masungit hehe. Pero nung nakasama naman na kita mabait ka naman pala." sagot nya. Napangiti naman ako.
Umulit pa kami at ako naman ang natalo. Tinawanan nya ako. Ako naman ang nagmukhang nalugi.
"Sinong childhood crush mo?" tanong nya pa.
"Si Jerry Yan. Yung sa Meteor Garden? Si Dao Ming Xi? Grabe naalala ko pa nung elementary, punong puno yung notebook ko nang mukha nya! Lagi akong bumibili ng sticker nya. Nagalit nga si mama non eh, pinatanggal nya sa akin. Eh ang ginawa ko dinikit ko nalang sa art paper tas dinikit ko sa dingding ng kwarto ko hehehehe." kwento ko pa. Natawa naman sya sa kwento ko.
"Adik ka pala don? Sa Meteor Garden?" tanong nya pa.
"Hindi no! Pogi lang talaga sya kaya lagi ako bumibili. Tsaka si mama ang adik don." kwento ko pa. Umulit naman kami ng laro at sya ulit ang natalo.
"Ikaw sinong childhood crush mo?" tanong ko pa.
"Hmm." nag-isip pa sya. "Feeling ko di mo kilala eh." sagot nya pa.
"Eh? Sino ba? Oks lang naman kahit di ko kilala." sabi ko pa.
"Si Tiffany." sagot nya pa.
"Tifanny? Sino yon?" tanong ko pa.
"Sabi ko na di mo kilala eh. Eto sya oh." kinuha nya ang wallet at may kinuha don. "Sya si Tiffany ng Girls' Generation." sabi nya pa.
"Oo nga no, ang ganda nya." jelly ka naman ng konti teh. "Actually kilala ko yang Girls' Generation dahil kay Chloe. First year palang kami sobrang adik nya na sa Kpop hahahaha." kwento ko pa. "Wait, diba fan ka din ng Girls' Generation? Nakita ko dun sa kwarto mo may poster ka nila!" namula pa sya at napayuko sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.