April 2014
"SA WAKAS!" Malakas na sigaw ni Jax pagkapasok namin sa resort. Nagtatakbo agad sila na parang mga batang excited mag-swimming. Pinagtinginan pa sila ng mga taong nandito ngayon pero parang wala silang paki.
"Tangina, pre. Ang laki pala talaga ng resort niyo." Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin kung gaano ka-aliwalas at kaganda 'yung paligid. Hindi na ako magtataka kung bakit ganito 'to kaganda, kapag kasi nakita mo 'yung bahay nila, malalaman mo agad na may kaya sila sa buhay kaya kayang-kaya nilang magpagawa ng ganito.
"Syempre, tol. At ngayon, tayo ang mamamahala dito!" Tinaas niya ang mga braso niya na parang siya talaga ang may-ari ng lahat ng nandito, gumaya naman silang apat tapos nagtawanan.
Graduated na kami bilang seniors kaya naman nagce-celebrate kami ngayong summer. Pagkatapos naming ma-stress sa pagiging students, ngayon na kami magpapakasaya at lulubusin ang pagiging teenagers namin dahil pagdating ng college, mas madugong labanan na 'yon.
"Kumpleto na ba 'yung mga gamit? Wala nang naiwan?" Tanong ni Louisse sa kanila. Magmula kanina, siya lagi 'yung nagtatanong sa mga bagay bagay. Daig niya pa 'yung tatay kung kumilos siya.
"Wala na po, pa." Pang-aasar ni Josiah sa kaniya, tapos pabiro naman siyang sinapak ni Louisse. Nagtawanan lang sila at nag-akbayan, tapos tumakbo na rin kasabay nila Jax.
Natigilan lang kami nang biglang may mga lumapit sa'min. Tatlong lalaking malalaki ang mga katawan tapos parang naka-uniform na pang bodyguard. Nang makita sila ni Jax, nag-bow sila sa kaniya tapos umayos ng tayo.
"Naka-ready na po 'yung mga rooms nila, Sir Jax." Natigilan ako nang marinig ko kung paano nila tawagin si Jax.
"Good. Paki-dala na rin 'yung mga gamit nila do'n. Everything should be ready para hindi na kami mahirapan mamaya, lalo na 'yung mga girls namin." Pag-uutos ni Jax sa kanila. Nagtaka naman ako nang bigla niya akong tinitigan nang ilang segundo.
Iaabot ko na sana 'yung bag ko nang bigla nalang kuhanin ni Louisse 'yon at siya na mismo ang nag-abot sa kanila dahil mas malapit siya. Agad ko namang naramdaman na mahigpit niyang hinawakan 'yung kamay ko.
"Yes, sir."
"Good. Back to work!" He snapped his fingers like a boss, at agad na umalis 'yung mga bodyguard. Ni hindi man lang siya lumilingon sa kanila pero naka-ayos pa rin sila ng tayo nila para respetuhin si Jax.
"Like a boss." Pang-aasar ni Lucas sa kaniya. Ngumisi naman siya tapos umakbay sa kaniya.
"Malamang, pre. Boss ako ng mga 'yan, e." Natatawang sagot ni Jax sa kaniya.
Napatawa nalang din kami nu'ng sinapak siya ni Lucas. Pagkatapos no'n, humiwalay na kami sa mga lalaki para magpalit ng damit na pang-swimming. Hindi naman ako sanay na naka swimsuit kaya nag t-shirt nalang ako atsaka shorts.
"Ang sexy mo pala, Faye, a!" Napalingon ako kay Jax nang marinig ko siya. Halos magkatabi lang kasi ang CR ng babae at lalaki kaya magkikita pa rin kami.
BINABASA MO ANG
SAUDADE (Anthology Series #1)
General FictionAnthology Series #1 𝙎𝙖𝙪𝙙𝙖𝙙𝙚 𝘥𝘦𝘴𝘤𝘳𝘪𝘣𝘦𝘴 𝘢 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘦𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘴𝘵𝘢𝘵𝘦; 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳 𝘢 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘩𝘢𝘴 𝘱𝘢𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘰𝘳 𝘱𝘦𝘳𝘩𝘢𝘱𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘦𝘷𝘦𝘯 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥.