Simula

22 0 0
                                    

Sivan POV

"Kuya gising na anong oras na!" Maingay na bigkas ng kapatid kong bunso.

Naknamputcha to ang aga aga nambubulabog. Summer ngayon wala naman practice ng football at kaka-graduate ko lang ng Senior High! Sarap sarap ng tulog istorbo.

Pipikit pa sana ako at babalewalain si Troy. Teka lang graduate nako? Last month payun ah!

"Pota anong oras na!?" Natataranta ko na tanong.

Nakalimutan ko mag-hahanap pala kame nila Jerax at Leo ng papasukan namen college universities. Umulan ba kagabi? Bat ansarap ng tulog ko e summer na summer!

"Aba kuya imbis na nagtatanong ka anong oras na e kumilos kana! Naknang teteng naman oh" Angil ng kapatid ko, teka bunso to ah

Aba ang galing ng sagutan ibang klase nga naman. Pero dahil wala ng oras mamaya kona kukutusan to, nagmamadali pumasok ako sa banyo ng makaligo na. Hays ano ba naman to hassle pare!

"Nga pala kuya nasa labas nayung dalawa mong tropa na tukmol, kanina pa yun dun baka inaamag na" Pahabol ni troy

"Morning qouta kana bata! Intayin mokong makalabas yare ka saken" Sigaw ko kay Troy.

"Kung aabutan mo pa mauuna nako at may lakad pako"

Padabog na sumara yung pinto hudyat na umalis na si Troy. Saan nanaman kaya pupunta yun aga aga bulakbol. Manang mana sa pinag-manahan.

Lumabas na sa banyo at nag-bihis ng puting damit at ang pinaka-paborito kong cargo pants. Syempre di mawawala ang lowcut Jordan one ko. Konti wisik ng pabango voila all goods na!

Pababa na ako ng tinanggal ko sa airplane mode cellphone ko.

Jerax:

Tangina tol isang oras na kame dito. Tulog na tulog

Jerax:

Babatuhin nanamen bintana mo gago! Pag nakadalawang oras kame dito

Bayolente talaga neto ni jerax taena neto e. Thirty five minutes palang naman. Tyaka one hour grabe saken erp.

Pagbukas ko ng pinto natanaw ko na agad yung dalawa sa tapat ng bahay. May hawak na plastic si Jerax si Leo naman may Zest-O. Habang palapit ako nakita ko laman ng plastic ni jerax.

"Seryoso erp alas nuebe ng umaga redhorse yan iniinom mo! Ibang klasik ka talaga hayup!" Nakatawa kong bulyaw at pang aasar sa kanya.

"Gago! Napakatagal mo twenty five minutes nalang babatuhin kona bintana mo" Bulyaw nya pabalik

Napaka talaga neto basag ulo talaga e. Napatingin ako kay Leo at tamang titig lang si ogag. Nagtaas ng kilay

"Ano tapos na kayo? Kala ko mag-sasapakan pa kayo e. Tara na!" Sarcastic na sabi ni leo

Kahit kelan talaga tong dalawa na to. Isang mainitin ulo, isang kalmado. Nag-intay na kame ng jeep at after million hours nakasakay den.

"Ano ba uunahin naten? Yung free univ o yung may offer tayo?" Tanong ko habang traffic.

"Kung gusto mo erp yung may allowance ka dun tayo sa nag offer saten" Sagot ni Leo

Oo nga pala may nag offer samen tatlo ng high quality na university. Dahil back to back champion kame nung Senior High. Siguro nga doon nalang para goods den academics namen.

"Bat dun mga gago ba kayo? May miscellaneous at hidden fees dun!" Histerical agad to si tukmol.

Nakatingin ibang pasahero samen. Iba naka-kunot yung noo para bang rindi na rindi sa katabi ko.

Colliding WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon