"What do you mean na ipalaglag ko?" Nagsimulang tumulo ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko.
"Are you stupid or dumb? I said, get rid of it before it gets worse between us! Masyado pa akong bata para maging ama!" Singhal nya.
Kumunot ang mga noo ko at aabutin na sana ang kamay nya ng umatras sya papalabas, handa ng umalis. "Kung hindi mo ipapalaglag 'yan? Hindi na kita babalikan. We're over. So you choose. That child or my future? That child or me?"
"Did you even hear yourself? Anak natin 'to!" Sigaw ko.
"Sigurado ka bang akin 'yan?" Ngisi nya.
Lumipad ang palad ko sa pisngi nya at humagulgol. "Gago ka. Lumayas ka na."
Napailing sya at ngumisi bago umalis.
Natulala ako sa sakit at pagkalito. We're already living together. Akala ko magiging maayos na. May trabaho na kami. Akala ko naka-set na ang future namin at anak na lang ang kulang para may matawag na pamilya pero wala eh. Gago sya. Hindi pa sya ready? Really?! What a joke.
I'm three months pregnant. Akala ko matutuwa sya. Akala ko lang pala.
Lumipas ang ilang araw na wala akong kabuhay-buhay kahit na sinusunod ko lahat ng bilin ng doctor for the baby. Para akong isang taong walang puso. Robot. Sobrang hirap.
He blocked me on all of his social media accounts and even in his contacts.
Wala talaga syang balak magpaka-ama.
Napalunok ako habang nakatingin sa ilalim ng tulay. Natulala ako sa takot at lalim ng tubig na 'yon. Hindi ko kayang mamatay ang anak ko ng sya lang. Sasamahan ko na lang sya.
Akma na akong sasampa ng biglang may mabilis na humatak sa akin papalayo kaya gulat akong napakapit sa lalaking 'yon.
Pinulupot nya ang mga braso sa bewang ko at ang akin naman ay nasa leeg nya. Nanginginig ako sa takot. Nagkasalubong ang tingin namin at hindi ko inaasahang mabilis titibok ang puso ko.
Napabitaw ako at tumikhim. "Buntis ako."
"What? Kung buntis ka ay bakit ka magpapakamatay?"
"Hindi ko na itutuloy."
"What's the problem?" Alalang tanong nya.
Umiwas ako ng tingin. "Iniwan ako ng boyfriend ko dahil hindi pa sya handang maging ama. Nahihirapan ako mag-isa."
"But still, you shouldn't have done that."
"Thanks to you. Salamat." Tinanguan ko sya at akma ng aalis ng sumunod sya.
"What's your number?"
Natigilan ako at napalayo. "What?"
"I really want to know if you're okay and you won't ever do that again. By the way, I'm Noah." Nakipagkamayan ako sa kanya.
"Don't worry. Hindi ko na uulitin."
"Please?"
Hindi ko alam kung bakit ganoon ko na lang kabilis ipagkatiwala ang number ko sa kanya. Noong nanliligaw ang ex ko ay hindi ko agad binigay sa kanya ang number ko. It took five months for me to give my number to him.
Hindi ko inaasahan ang dalas ng pagkikita namin ni Noah. Ayoko talaga yung pakiramdam ko na kinakabahan at ilang sa titig nya kapag malapit sya sa akin.
"I'll just go buy our food. Wait here." Tumayo sya at pumasok sa loob ng isang convenience store.
Napalingon ako sa magandang tanawin at lumipat ng upuan. Doon sa harap ng dagat. Pinagmasdan ko kung gaano kaganda ang sikat ng araw na ipagkakait ko sa anak ko.