" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER TEN
"Sleeping beauty na talaga ang ampon mo Valdez baka naman maaring gisingin na natin siya?" May pagkayamot na saad ng binata.
"Mas mabuti na iyun bossing kaysa naman lagi kang lumalagalag. Okey nga iyun dahil may dahilan kang magtambay dito ng mas matagal para sa processing ng mga honey so sweet." Pang-aasar naman ng tagapagsilbi.
"Hmmm I guess dito na muna tayo Valdez para makalanghap naman tayo ng sariwang hangin kaysa sa kabahayan na puro usok---pero ano ba naman ang ampon mo Valdez wala na bang kapaguran iyan sa kakatulog?" Yamot na sabi ng binata na panay ang tingin sa kinaroroonan ng dalaga na simula dumating siya ilang oras na ang nakakaraan ay mahimbing pa rin ang tulog.
"Bossing naman kaysa mayamot ka diyan na parang mga wild wolf na naghihintay ng makakain eh lapitan mo na lang kaya at ikaw na ang gigising sa kanya." Nakatawa pa ring sagot ng tagapagsilbi saka iniwan ang amo kung saan na naman ito magsusuot ay walang nakakaalam.
Kaya naman naiwang napapailing ang binatang si Lucas.
"Itong Valdez na ito wala na yatang araw na hindi ako dinadali ah hintayin mong ako naman ang makakuha ng tiyempo at gagantihan kita." Bulong niya kaso sa kaisipang iyun ay napangiti siya dahil hindi naman bago ang scenario na iyun sa kanilang dalawa at gano'n din ang sinasabi niya pero kailan man ay hindi niya nagawang gantihan ito. In a way or another.
Lakad dito, lakad doon. Upo dito, upo doon!
"Ah bahala na ang mga bubuyog diyan sa kagubatan na magbibigay ng honey basta gigisingin ko na ang sleeping beauty na iyan." Muli ay bulong niya saka pumasok sa kuweba.
Ang plano niya'y gugulatin niya ito para mapadali ang panggigising niya kaso nang nakalapit siya'y naengganyo siyang pagmasdan ito. Pinag-aralan ang kabuuan ng mukha na para bang kinakabisado ang bawat anggulo kaya naman imbes na gisingin niya ito'y tinunghayan pa niya.
"Hmmmm maganda ka naman pala lalo na kapag matitigan ka ng husto. Bangun ka na diyan miss sleeping beauty baka sakaling ikaw naman ang saviour ko this time." Mahinang sabi niya habang nakatunghay dito.
Buong akala niya'y nagtutulog-tulugan lang ang dalaga dahil sa mahinang pagbigkas niya sa binitawang salita'y napangiti ito kaso mukhang nananaginip dahil kahit anong pagwawagayway niya sa palad niya sa mismong harap ng mata nito'y napapangiti lang.
Tuloy!
Muling nabuhay ang inis niya dito!
"Ikaw kapre kailan ka gigising? Susme umalis ako ilang araw na ang nakakaraan tulog ka tapos ngayon nama'y tulog ka pa rin? Hindi ba sumasakit likod mo diyan sa kakahiga? Hoy kapre bangun na." Yamot niyang sabi sa mismong taenga nito na hindi mawari kung bulong ba o sigaw.
Kaso!
Iyun naman ang pagkakamali niya dahil ang ginigising niya'y nananaginip kaso nadisturbo yata!
Without a single word, bago pa siya makapalag o makakilos ay nahatak na nito ang kuwelyo ng damit niya.
"Hoy demonyo ka huwag na huwag mo akong tinatawag na kapre dahil kasing ganda ko ang pangalan ko! Kung kapre ako ikaw naman si Kingkong dahil nagtatago ka dito sa gitna ng kagubatan!" Malakas na sigaw nito sa mismong mukha niya.
Okey na sana dahil kasalanan niya din naman kung bakit ito nagagalit kaso hindi pa ito nakuntento sa panghahablot sa kuwelyo ng damit niya, pabalibag pa siya nitong binitawan saka mabilis na lumabas without thinking who he is.
Samantalang nasa bungad pa lamang siya (Valdez) ng kuweba ng marinig ang malakas na boses ng ampon nilang mag-amo at sa pag-aakalang may masamang nangyayari'y napatakbo siya palapit sa kinaroroonan nito kaso nasalubong niya ang dalaga na parang bubuyog na bulong ng bulong.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
General FictionDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions